Chapter 10- Stalk the Stalker pt.2

647 53 8
                                    

Chapter 10- Stalk the Stalker pt.2

*Auprie's Pov*

"Ayun siya dali!" sabi ni Jia sabay hila sa akin papunta sa deteksyon ni Shinya.

Bakit ba kasi ako pumayag?! letche talaga! kung hindi ko lang to kaibigan, nako!! Paki-explain nga sa kanya na hindi na nga ako pumayag na maging stalker ko siya! Letche tong kaibigan ko?! pati ba naman ako? idadamay niya? bakit ba kasi?pwede namang siya lang yung mang-stalk diba?!

"Uuwi na ako..." mataray na sabi ko sabay akmang lalakad papalayo. Nakakagawa na kami ng eksena dito.

Lahat ng tao dito sa mall ay nakatingin sa amin. Malamang, pano... parang nagcocosplay tong kaibigan ko. Nakaall black with matching cape. Ewan ko ba dito, kung anong nakain. Ako naman naka shades tapos naka sumbrero. Ang weird talaga naming tignan.

"Uyy teka!! " sabi nito sabay hila sa akin. Lahat ng Tao ay nagbubulungan.

Tinanggal ko yung shades at naglakad papuntang sa malapit. Si Shinya kasi, nakita namin sa may food court ng mall. Umiinom lang siya ng fruit juice.

"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko sabay naglakad na papasok sa cr at sinundan naman niya ako. Ang weird talaga ng araw ko ngayon.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Jia na nakasandal sa pader. Nagiisip siya ng seryoso. Hinayaan ko na lang siya at hinugasan ang kamay ko.

"Seryoso ka talaga Auprie? " sabi nito.  Ni hindi niya man lang ako tinignan ng maayos.

"Oo... " maiksing sagot ko. Seryoso nga ako, ayoko ng may stalker. Bukod sa walang privacy ay walang ring magandang nadudulot. Mas mabuti na ngang ganito.

"Talaga? " bagot na sabi nito. "Alam mo Auprie... simula nung dumating si Shinya, nagbago ka." patuloy nito. Nagpantig naman yung tenga ko.

Ako? nagbago? in what way?! tss... wala namang nagbago sa akin. Ako parin naman ito ah? walang nagbago.

"Auprie... pag nandyan siya, parang ang saya mo." nakangiting sabi nito. "Huh? sino? ako? masaya?...Ha-ha as if naman! kahit kailan hindi ako naging masaya kapag kasama yun." mataray na sabi ko. Buti na lang kaunti lang ang tao dito sa cr.

"Pinamumuka mo lang na galit ka pero alam kong natutuwa ka." sabi pa nito. Agad naman akong napatingin sa kanya. Huh? seryoso ba siya?!

"Never..." sabi ko.

"Auprie kilala kita. I know you more than anyone else. Complicated na naman yang isip mo. Hindi mo alam pero nagkakagusto ka na ..." sabi pa nito. Agad naman akong nainis. Kaibigan ko ba to?

"Nagpapatawa ka ba? ako magkakagusto? kanino? kay Shinya? nasabi ko na nga, never ko siya nagustuhan. Never!" malakas na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero nang-gagalaiti ako sa galit.

"See?" nakangising sabi nito. "You're so defensive, wala naman kasi akong sinabi na si Shinya yung tinutukoy ko." sabi pa nito.

Biglang kumabog yjng dibdib ko. Gosh! anong nangyayari sa akin?! defensive ako? bakit hindi ba si Shinya yung tinutukoy niya?!

"Hayy nako... Don't worry last na to, kahit ngayon lang pagbigyan mo naman ako. For sure, you'll not reget it." sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

"Aish! Jia naman..." sabi ko sa kanya. "Sige na! ako bahala... lahat ng gastos sa akin! tska pagbigyan mo na ako kung hindi, mag e-FO tayo." pananakot nito.

*Sigh*

Napabuntong hininga na lang ako. Kaibigan ko ba talaga to? oara kasing hindi. Pinapahamak niya lang ako. Niinis talaga ako. Pero Auprie? may magagawa ka pa ba? Sinuot ko yung shades na binigay niya pero hindi ko na sinuot pa yung sumbrero,  muka akong sanggano dun eh.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon