Chapter 40

53 5 0
                                    


Chapter 40



"Nak saglit lang ah pinapatawag ako sa skwelahan ng kapatid mo." napasapo na lang ang ina ni Auprie habang nakatayo sa kaniyang harapan.

"Sige po ma... magiingat po kayo." malambing na sabi ni Auprie.

"Nak iiwasan mo muna ang pinto ha? maraming gustong makakuha ng report mula sayo... delikado dahil buhay pa ang tarantadong iyon!" galit na galit na sabi ng ina. Napangiti na lang si Auprie sa inaasta ng ina. Mas maayos ng ganito ka sigla ang kaniyang ina kaysa sa namumutla at umiiyak na itsura nito noong nalamang muntik na mamatay ang kaniyang anak.

'I'm sorry ma.' isip ng dalaga. Alam niyang lahat ng iyon ay gawa gawa niya lamang. Pero wala na siyang ibang paraan upang iligtas ang taong mahalaga sa kaniya.

Nahihibang ka na talaga...

Umalis ang ina at siya na lamang ang natira sa loob ng silid. Agad siyang umupo sa gilid ng kama. Ramdam niya ang lakas ng katawan dahil sa halos isang linggong pahinga. Hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang kaso dahil pinipilit ni Mr Lim na siya ay inosente. Sa kabilang banda, si Auprie na anak lamang ng mahirap ay halos wala ng laban sa mga kakaibang pagiwas ng lalaki sa kaso.

Akma na sana siyang tatayo ng may bigla siyang nadali sa ilalim ng higaan. Agad na hinila ni Auprie ang isang timbangan na marami pang stickers may kasama din itong box sa gilid. Lumantad sa kaniyang ang mga ibinigay ni Shinya simula pa noong pumasok ito sa dati niyang skwelahan.

Di siya nagdalawang isip at tumungtong sa timbangan. Natawa naman ito dahil lumabas ang 97.5 kg na timbang. Kelan nga ba ako papayat ulit?, natatawang sabi nito.

"Pero kahit naman na ganito ako... tanggap mo ako, hindi ba?... Shinya." natatawa at naluluhang sabi ni Auprie habang nakatinginsa timbangan.

Narinig na nito ang pag vibrate ng kaniyang telepono. Binasa lamang nito ng saglit ang mensahe. Agad niyang pinunasan ang luha niya at lumapit sa damitan at kumuha ng hoodie at komportableng damit panlabas.

'Walang mangyayari kung maghihintay ako dito hanggang sa makalimutan na ang lahat ng ginawa mo sa akin. Sisiguraduhin kong ibabalik ko siya.'

Ang kaniyang ate ay nasa ibaba at pilit na itinataboy ang mga reporters sa pinto. Nasaksihan ni Auprie ang mga nangyayari sa ibaba. Tanging sinilip niya lang ito at napangiti. Kahit pala na lagi kaming nagaaway ay nagaalala sa kaniya ng lubos ang kaniyang ate.

'Sorry ate, nahihibang na talaga tong kapatid mo'

Naglakad papalayo si Auprie at pumunta sa likod bahay. Lumantad lang sa kaniya ang malawak na likod bahay.

Umakyat siya sa itaas ng pader at lumantad sa kaniya ang isang itim na kotse.

Hindi na siya nagdalawang isip pa at pumasok sa loob ng kotse. Lumantad sa kaniya ang isang matandang babae na nakasuot ng pulang damit.

"I accept Lola Kaori." seryoso at halos hindi mabasa ang emosyon ng dalagang si Auprie.

"Tama ang iyong desisyon Iha... Salamat." naiiyak na sabi ng matanda.

"Lola Kaori, I have a plan. Please sana pagkinggan niyo ang aking binabalak."

"Me, Yoshiro and Jia will do our best to help iha." niiyak na sabi ng matanda. Ramdam na ramdam ng matanda ang matinding galit ng dalaga at dahil doon ay lalong lumalalim ang sugat sa kaniyang puso. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ang ganito. Kailangan niyang tumulong ... para sa ikabubuti ng lahat.

Tinignan ng dalaga ang dalawa niyang kaibigan sa harap. Tahimik na nagmamaneho si Yoshiro at hindi manlang nagsasalita. Si Jia naman ay pirmeng nakaupo sa tabi ni Yosh. Napangiti si Auprie ng makita ang kaibigan. Kahit papaano ay masaya siya dahil sinamahan siya nito hanggang sa huli.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon