CHAPTER 03- Shinya

1.1K 91 12
                                    

Dedicated to Bambamjaehonjoan1328

**********

CHAPTER 03- Shinya

*Auprie's Pov*

"All students please go to the auditorium... " narinig kong announcement galing sa speakers na nakakabit sa pader ng corridor.

"Oh my ghad siya yung transferee diba? yung bagong enrolled sa academy? " narinig kong bulungan.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa cr, bulungan agad ang narinig ko. Hinanap naman agad ng mata ko yung hapon na yun.

"Hello ikaw si Shinya diba? yung bago sa academy? " rinig kong tanong ng babae.

Agad akong pumunta sa tumpok ng mga babae. Nakita ko yung si hapon na napapaligiran ng mga babae. Hindi na ako nanggulo pa. Tinignan ko lang yung nangyayari. Nakita ko kung paano magtaka si Shinya sa mga sinasabi nila. Haha yan ang napapala niya, bago kasi mag transfer dito dapat inaalam niya yung main language.

Agad akong napangisi at naglakad papalayo. Mas maganda ng ganito, hindi ko na siya iaasist pa. Bahala siya sa buhay niya aba! ang laki laki na niya.

"Hey!! " narinig kong sigaw mula sa likod ko.

"Pusang gala!! " Malakas na sigaw ko ng biglang makaramdaman akong nakahawak sa balakang ko.

Agad akong namula dahil bukod sa nakahawak ito, pinisil pisil pa nito yung gilid ko. Agad akong lumayo.

Bumungad sa akin ang lalaking nagtataka. Putcha Pete?! ano?! painosente effect?! Nanalalaki yung mata ko sa galit. Kahit na kailan! wala pang nakahawak sa mahi-hiwaga kong bilbil! Pano na? anong gagawin ko?! may nakahawak na? hindi na ba ako virgin!? Ayt?! grave sa virgin ah? well hindi niyo ako masisisi! Parang gusto kong umiyak kasi nakakahiya talaga.

"Hoy Hapon!!! " Malakas na sabi ko sabay sampal sa kanya.

"Ouch! what was that for? " pagrereklamo pa nito.

Parang naguusok ang ilong ko sa galit. Agad kaming pinaligiran ng mga tao. wow! clap clap! what a show Shinya! Nakakagigil ka talagang hinayupak ka!

"How dare to touch my private part! " Malakas na sabi ko sa kanya.

Lakas maka private part noh? ganun talaga! di niya ba alam na ito yung pinakakatago naming mga matataba? at sino ba siya para basta na lang manghahawak ng ganun! Agad tuloy na nagbulungan yung mga studyante ng dahil sa pagsigaw ko. Lahat sila nagbubulungan dahil sa sinigaw kong private part.

"What the? " Nagtatakang sabi niya habang hindi mapakali dahil sa nagbubulungan yung mga tao. Aba! dapat talaga sa mga katulad niya binibigti.

"Can you please? stay away from me?! " malakas na sabi ko sa kanya sabay walk out.

Masyado nang malaking scene ang nagagawa namin. Ako na ang iiwas, lagi naman akong nag-aadjust sa school na to! laging ako!

"wait... " Hindi ko siya pinakinggan pa.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko tong nilalang na to nagiging worst ang araw ko?! siya na ba yung kamalasan ko?!

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon