Chapter 05- Stalker

886 74 5
                                    

CHPATER 05- Stalker

*AUPRIE'S POV*


Psh! akala niya madadala niya ako sa pa-save save niya? tsk dapat lang sa kanya. Nakakagigil lang? wala siyang paikialam kung sa buhay ko. Bakit ba nanghihimasok siya? eh wala nga siyang alam?

*Sigh*

pero nakakaguilty naman kasi, ako na nga yung tunulungan ako pa galit. Hayy... ayoko rin naman magpatulong sa kanya or tulungan niya ako, dahil alam ko padating sa huli, lahat may kapalit.

***

"Super kick! " malakas na sigaw ko sabay sipa sa paa niya. "Shit. " sabi nito sabay hawak sa paa nito. Hindi ko naman kasi talaga kailangan ng tulong niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong... " pagmamatigas na sabi ko. Ayoko ng may naaawa sa akin or nanliliit sa akin kahit na ang laki ko talaga.

"But why? I'm just helping. "Sabi nito habang nakahawak parin sa paa niya. Kung tutulungan niya ako, tulungan niya muna yung sarili niya. huh? anong sabi ko?! shocks!

"Wag na wag mo na akong susundan, kung hindi, babagsakan na kita! " seryosong sabi ko, pero mukang natawa lang siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa?! totoo naman page siya nadaganan ko, wala na siyang kinabukasan pa.

*Walk out*

***

So that's why nandito ako sa roof top, para makaiwas sa gulo at sa hapon na iyon. Nagkakapagtaka talaga, bigla bigla na lang kasi lumilitaw?! kabuti lang? tsk!

*sigh*

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Ano ng gagawin ko nito? Nakatakas ako ngayon, pero mamaya? shocks anong gagawin ko? tinutugis ako nila Ricka. Wahh! nakakainis, lahat to dahil da hapon na yun!

Pano mamaya paguuwi ako? paniguradong aabangan nila ako sa may tapat ng school.

*Sigh*

Ilang beses ba ako magbubuntong hininga? wala namang magbabago pa. Psh!

*grrr*

"Nagugutom na ako..." parereklamo ko. Unti-unti akong umupo sa may sahig ng roof top. Nakakainis kasi sila mama at Tito yan tuloy bukod sa naiwan ko yung pera ko, hindi pa ako nakakain! mamatay ako ng di maaga dito.

"Nakakainis... " Napayuko na lang ako. Isinubsob ko yung mukha ko sa mga malalaki kong hita. But I pa yung panahon ay nakikisama sa akin. Hindi kasi masyadong main it, muka pa atang uulan mamaya. Umuwi na kaya ako? kasi naman, baka maabutan ako ng ulan? bukod sa walang payong, wala din akong pampamasahe. Hayy.. ok na yun exercise din yun, yeah exercise nga, nakakamatay naman.

"Here... " May narinig akong nagsalita sa harap ko. May na amoy akong pagkain kaya nanlaki agad yung I long ko tapos napalunok ng laway. Agad naman akong napatingin sa nagsalita. Akala ko hope na, hindi pala.

"Ano na namang ginagawa mo dito? bakit bigla ka na lang lumalabas out of nowhere? " Bagot na sabi ko sabay balik sa pagsubsob ng muka sa hita ko.

"Just take this, you haven't eaten since this morning... " Agad na nagpantog yung tenga ko. Nagulat ako dahil, pano niya nalaman yun?! pano niya nalaman na hindi pa ako nakain kanina pang umaga? don't tell me.

"Anong sabi mo? " gulat na gulat kong sabi. Bigla na lang napakamot sa ulo si mokong. Hindi ko alam pero naiinis ako promise! masasapak ko na to.

"Let's just say na nalaman ko lang. Here kuhain mo na... " Sabi nito. Kinuha niya yung kamay ko at pinatong ang isang malaking tinapay. Hindi na ako makatanggi pa dahil nasa kamay ko na.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon