Chapter 31- Meaning

535 22 4
                                    

A/N: Whoooo!!! Ang tagal ko na namang di naguupdate!!  Pero ito na talaga!!  ....

I Made this part VERY VERY LONG! hahaha sana maappriciate niyo guys!

Sorry talaga kung ngayon na lang ulit... Last update ko Pa ata is nung December?  ...

Sorna! 😭😭😩

I'll make it up to you guys!! 😘😍😍


SORRY PO SA GRAMMATICAL ERRORS AND SA MGA TYPOS!!

THIS STORY IS JUST A WORK OF FICTION. NONE OF THIS IS REAL. got it?! 😆😂

Chapter 31- Meaning

*Auprie's POV*




Eye bagssssssssss.....



Eye Bagggggssssssssssszzzzz....



EYE BAGS!!!

Letcheng Eye bags... kumakaway na naman.

Parang zombie akong naglakad papalabas ng vacation house nila. Hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng ganitong eye bag!

Napuyat lang naman ako! oo NAPUYAT lang naman!

Sino bang makakatulog ng maayos sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sumabay pa yung si Hapon.

Kagabi pa kami nagaaway...

*Flashback*

"Ayoko ko nga sabi!!!" malakas na sigaw ko sa kanya habang nakaupo sa sala. Wala akong magawa kung hindi ang sumama sa lalaking ito.

Dito lang naman nakasalalay ang buhay ko. Oo, buhay ko! kailangan ba talagang tutukan ako ng maraming beses ng baril ni Madame K?!

Nahihirapan na ako sa buhay ko! T__T

At ito pang dagdag STRESS!! as in S-T-R-E-S-S

Nandito kami ngayon sa sala at paguusapan daw ang ACT kuno naming dalawa. Yung feeling ko na siya lang talaga yung nag e-enjoy sa lahat ng mga nangyayari.

"Come on Auprie... It's just a simple Hug." mahinahong sabi nito. Tinitignan niya ako na parang nang aasar talaga!

"Mukha mo! Alam mo?! tigilan na natin tong kalokohan na to!" sigaw ko sa kanya.

Napatayo ako sa sala at tumingin ng nakataas ang kilay kay Shinya. Nakangiti lang to na parang walang pinoproblema. Ngiti na naman?! pero agad itong nawala nung sinigawan ko siya.

"Ayoko na!" sigaw ko pa.

Akma na akong hahakbang papalayo ng may nakita akong kung ano kuminang na bagay mula sa pinto. Teka? ano yun?

Nasa madilim na parte ko ito nakita.

Namutla ako at nanginig sa kinatatayuan ko ng marealize ko kung ano yung kung anong nakatutok mula sa pinto.

Si Madame Kaori na naman!

"Sabi ko nga di na ako aalis! Oo di na ako aalis." di mapakaling sabi ko sa harap ni Shinya.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon