Chapter 37- Decisions

240 7 5
                                    

Sorry na agad sa mga typos and grammars. Nakakaloka kasi yung ecq, feeling ko nabobobo ako lalo sa sarili ko😂🤣



Chapter 37- Decisions






*Auprie's Pov*







'Kakayanin kayang ika'y mawala?'









Hindi ko na alam pa kung saan ako patungo. Nahihirapan ako sa lahat ng nasa puso't isipan ko. Bakit ba kasi ganito kagulo ang buhay ko?!




Bakit bumibigat itong dibdib ko sa tuwing pumapasok sa isip ko yung panahong pinilit ko... pinilit kong lumapit sa kaniya.




Dahil sakin! dahil sakin nasaktan ka... naghirap...



"Help me Ethan." bulong na sambit ko sa lalaking ngayo'y nakaupo sa pinkadulo ng tahimik na silid.



"You have decide?" parang walang buhay na sambit nito.

Napangiti naman ako sa inasta nito. Bakit parang naging sariwa lahat ng ala alang nawala sakin. Ganito na ganito ang ugali niya.. Simula pa noong sinusundan niya kami ni Shinya.

"Hindi ka parin nagbabago." natatawang sabi ko sa harap niya.

"Tsk... ano naman ngayon? kung sino man ang dapat sabihin ng pagbabago, dapat ikaw. Look at yourself. Tumaba ka ng sobrang batchoy ka." panlalait nito.

Napalapit agad ako sa kanya at binatukan ito. Agad naman siyang nagreklamo sa ginawa ko. Napapikit naman ako sa panlalait nito. Oo, hindi parin siya nagbabago. Ganun parin at magaling manlait.

"Baliw.." natatawang sabi ko.

Napahinto siya sa pagrereklamo at tumingin sa aking dereksyon. Nagtaka naman ako sa kinikilos nito, parang naging malungkot ang ekspresyon nito. Parang tanga lang ang ate mo! ewan ko ba kung nababaliw na naman ako.. Bigla bigla na lang akong nakakaramdam ng sakit sa dibdib ko.

"You're crying.. "

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Nilapitan niya ako at pinunasan ang mga luhang bigla na lang tumulo.

Hindi ko na napigilan pa at umiyak ako sa taong naging parte ng buhay ko.

"Help me Ethan... gusto kong lumayo. Ayoko ng maging dahilan ng paghihirap niya." Umiyak na lamang ako ng malakas sa di malamang dahilan. Agad ako nitong niyakap na para bang pinoprotektahan.





"Yes Auprie... I'll help you."





**********************

*3rd person's pov*



"Anong gagawin natin?" malungkot na tanong ni Jia habang nakatingin sa walang buhay na si Shinya.

"Urgh!! naguguluhan na talaga ako Jia! di ko na talaga alam ang gagawin ko! Tama ba tong ginawa ko? look mukhang mas lumala." naiiritang sambit ni Yoshiro habang sinasabunutan ang sarili.

"Hoy umayos ka nga! panganay ka nga eh tas ganyan ganyan ka." naiinis na sagot ni Jia at kinurot sa braso si Yoshiro.

Palihim na pinagmamasdan ng dalawa ang tahimik na si Shinya. Tapos na ang klase nito pero nanatili lang siya sa kinauupuan niya simula pa kanina. Ni hindi man lang nito napansin sina Jia at Yosh.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon