Chapter 07- Genie

654 52 3
                                    

CHAPTER 07- Genie

*Auprie's Pov*

"Nababaliw ka na ba?! " malakas na sigaw ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Ewan ko pero natataranta talaga ako sa mga kinikilos nitong lalaking to! hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa mga sinasabi niya.

Imbis na sumagot siya ay tinawanan niya lang ako. So ganun? pinagtitripan niya ako?! Gusto ata nitong madaganan Auprie -.-

"Abnormal... " Nakataas na kilay na sabi ko. Kanina kala mo nasa drama kung makapagbigay ng madramang lines. So ano? prince charming ang dating niya ganun? tsk!

"I'm serious Auprie. haha" pwe! seryoso pero tumatawa. Ginagago niya ata talaga ako! Sa lahat naman ng pagtitripan ako pa talaga!

"Serious your face! bahala ka na sa buhay mo! " Sabi ko sabay pa walk out. Kahit na tinulungan niya ako, hindi ko naman mapapalagpas yung mga pinag-gagagawa niya. Pagtripan naman daw ako? paano kung umasa ako?! tsk! buti na lang talaga hindi.

*Grips*

Hinawakan niya ako sa braso. Nababadtrip na talaga ako! pa ulit ulit na lang yung ganitong sernaryo!

"AUPRIE!!!"

*Boogsh*

Agad akong napabagsak ng bigla akong sinunggaban ni Jia ng yakap. Ang lakas ng impact ko sa sahig pero hindi naman gaanong kasakit . Advantage bebe! malambot ako! bwahahah!

"Ano na naman ba!" malakas na sigaw ko kay Jia. Tinanggal ko yung pagkakayakap ko sa kanya. Nakita ko na parang naiiyak si Jia. Agad akong nataranta.

"Hala? bakit Jia?" Inayos ko muna yung sarili ko at si Jia. Umupo kami sa sahig at hinarap si Jia. "No matter what! Auprie! tutulungan kita. Tandaan mo yan!" seryosong sabi niya. Para na sa aking ate si Jia. Sobrang possessive niya tapos sobrang nagaalala siya lagi sa akin.

"Bakit?!" natataranta na ako sa mga sinasabi niya. Ano na naman ba to? "Hinahanap ka ng Director, kailangan mo daw siyang makausap." seyosong sabi nito sabay hinawakan yung kamay ko.

"Huh? bakit naman daw? may nagawa  ba akong masama?" takang tanong ko. Bakit? ano namang kailangan sa akin ng Director?

"Alam ko Auprie... Nakakatakot kang magalit pero ang alam kong hindi mo magagawa yun!" Nakahawak lang siya sa kamay ko. Ano ba kasing nagawa ko?!

"What happened Jia?" Agad akong napalingon kay Shinya ng bigla siyang nagsalita. Ok, eto na... kinakabahan na talaga ako!

"Auprie Amore... report to the Director ." agad akong napatingin sa may isang pintuan ng gym. Lumantad sa amin ang secretary ng Director. Huh? anong nangyayari?

"Uhmm Ma'am ano pong nangyari?" takang tanong ko kay Ma'am Jolly. "Just come with me, Amore." Sabi pa nito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at akmang aalis .

*Grips*

"Auprie! inosente ka diba?!" malakas na tanong ni Jia sa akin. "Wala akong ginawa Jia. Ano bang nangyayari?" takang tanong ko. Napatingin ako kay Ma'am Jolly, parang naiinis na siya dahil pinahihintay ko siya. Kinabahan naman ako kaagad. Dumeretso na lang ako papunta kay Ma'am Jolly.

*Grips*

"I'll come with you." Sabi ni Shinya habang hawak ang braso ko. Makikisali na naman siya sa gulo ko? Pwede ba? Ayokong may madamay at may makialam .

"Pwede ba? wag kang makialam..." Cold na sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko. Nagulat siya inasal ko.

Siguro naman ngayon hindi na siya makikialam. Kung ganinanito ko na siya nung start pa lang siguro tahimik ang buhay ko. Pero bakit nga ba hindi ko siya magawang masabihan ng ganyan?

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon