Chapter 14- Brother

700 34 6
                                    

Chapter 14 -Brother

*Auprie's Pov*

"Sorry talaga Auprie! hindi ko naman alam na magkakasakit ako!" Malakas na paliwanag ni Jia mula sa phone.

"Oo na, may magagawa pa ba ako? tska paano ka naman nagkasakit? eh kapahon, ang lakas mo pa mangasar! " sabi ko sa kanya habang naglalakad papuntang school.

Dala dala ko yung excuse letter niya para sa adviser niya. Ewan ko ba dito. Kahapon, ang lakas lakas mang-asar tapos biglang magkakasakit na lang?

"Thank you talga bess! hulog ka ng langit!" sabi ni Jia. Sus! mambobola pa. -.-

"Che! tigilan mo yan! hindi ko to ibigay eh, makita mo." sabi ko sa kanya sabay liko dun sa may section nila. Agad namang hinagilap ko yung sinabi niyang room nila ngayon.

"Haha totoo naman. Kasi sa bigat mo namang yan, hindi ka mahuhulog?" tumawatang sabi nito. Nagpantig na lang yung tainga ko sa sinabi niya. Kagigil lang? siya na yung tutulungan?!

"Alam mo? letche ka talga! wag mong sabihing na payat ka na. Kaya may karapatan ka ng mang insulto. Tandaan mo ganito ka din dati!" sarkastikong sabi ko. Totoo naman kasi dati mga 5 kilos lang ang lamang niya. Ngayong mapayat na siya, mangaasar na lang siya. -.-

"haha papayat ka na kasi. Ayt? oo nga pala, baka pag hindi ka na mataba hindi ka na magustuhan ni Shinya.haha hindi ko talaga alam kung pano nabihag ng taba mo si Shinya." natatawang sabi nito.

"Alam mo...letche ka tala-"

*Boogsh*

Agad akong lumagapak sa sahig dahil sa malakas na impact ko. May nabangga kasi ako na kung ano.

"Aray..." sabi ko sabay hawak sa pwet ko. Ang sakit kasi talaga! parang hinampas ng bakal ganun?

"Ouch..." agad naman akong nakarinig ng daing. Napatingin agad ako sa may harap ko. Agad akong napatayo ng makita ko kung sino yung nakaupo sa sahig.

"Teka? master?!" malakas na sabi ko. Agad naman nitong tinigilan ang paghawak sa pwet niya. Gosh! siguro malakas din yung impact niya!!

"Wait?! is that you?" nakangiting sabi nito. Agad namang tumayo ang isang lalaking matangkad, matangos at naka checkered blue na long sleve. Napatulala na lang ako sa kanya. Gosh!! anong gagawin ko.

"Ahh hehe nice to meet you again." nahihiyang sabi ko. Agad naman akong napahawak sa ulo ko. Gosh naman! nahihiya? sino?! ako?! Aba syempre naman! Pag may ganyang nilalang kang makita?! ganun talaga!

"Ow~ you're not calling me master anymore, how sad." sabi nito sabay mapait na ngumiti.

Agad naman akong napataas ng kilay. Haler?! diba niya naalala yung sinabi ko? sabi ko TEMPORARY/ pansamantala lang ako dun. Tsaka kung nagtatrabaho parin ako dun, hindi ko parin siya tatawaging master, duh! hindi to yung café.

"I'snt obvious? we're not in the café and I already told you that I'm just a temporary maid." sarcastic na sabi ko. Pano kaya kung sa ibang maid? kawawa naman yung mga nagtatrabaho dun.

"Ow~ that's make sense." nakangiting sabi nito sabay kamot ng ulo niya.

"Bakit ka nandito? may hinahanap ka ba?" tanong ko sa kanya. Muka kasing nawawala si mokong.

"Ahh wala, may hinahanap lang akong room. sige bye!" sabi nito sabay lakad papalayo.

Agad naman akong napatingin sa kanya bago niya ako lagpasan. Nakahawak parin siya sa pwet niya. Agad naman akong nakonsensya. Bakit ba kasi ang laki ko? lahat ng nababangga, nagbabounce. -.-

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon