Chapter 13- Stalker slash what?!

675 41 6
                                    

Chapter 13- Stalker slash what?!


*Auprie's Pov*



"Because I'm the one who will marry her."

"Because I'm the one who will marry her."

"Because I'm the one who will marry her."

"Because I'm the one who will marry her."

"Because I'm the one who will marry her."

Parang nageecho ang bawat salitang yan sa ulo ko. Hanggang sa pagtulog at paglalakad papuntang school. Arghh!! Bakit ba kasi paulit ulit yun sa utak ko?!! Hindi na ako nakakatulog ng maayos!

*boogsh*

Agad akong nakaramdam ng sakit sa noo ko. Sobrang sakit,para akong nauntog sa isang pader.

"Auprie!! " Agad akong napatingin kay Jia. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa akin.

"Oh? papasok ka na din sa school?" takang tanong ko sa kanya habang papalapit. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Ang sakit eh, sobrang lakas ng impact.

"Oo, ikaw? Alam mo Auprie, hindi sa pader yung school natin." sabi ni Jia sabay pamewang sa akin. Tsk! di ba pwedeng may iniisip lang?!

"Che! malay ko ba. Ni hindi ko nga naalala na may pader dun." palusot ko sa kanya. Naalala ko tuloy yung kahapon. Imbis na tulungan ako dun sa magpinsan ay tinawanan lang ako.

*Flashback*

"Because I'm the one who will marry her."

"You're crazy..." out of the blue kong sabi. Nababaliw na naman siya. Ewan ko ba, kung makapagsalita siya parang leading man sa isang movie. -.-

"Hahahahahahaha!!!! Wooo!!! go Shinya!!!" agad na nagpantig yung tainga ko ng marinig kong sumisigaw si Jia.

Tinignan ko siya ng masama pero instead na matakot ay pumalakpak lang siya sabay sigaw ulit.

Juice ko! Kaibigan ko ba to?!

*Flashback ends*

See? kaloka diba? Psh! hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaroon ng ganyang kaibigan. Ganyang kabaliw na kaibigan.

"Ehhh?! for sure inaalala mo lang yung confession ni Shinya! hahaha" natatawang sabi ni Jia sabay hampas sa balikat ko.

"Ginagaga mo ba ako?" galit na sabi ko sa kanya. Like duh! nakakainis talaga tong babaeng to! Try ko kayang lumayo dito? baka mahawaan ako ng kung anong sakit nito.

"Hahaha awiee~~ Hello there Mrs. Auprie Lim!" Agad na nagpantig yung tainga ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinampas ko siya ng malakas sa braso. Pakbet naman oh?! pwede ba?! itigil na nila yung kabaliwan na to!

"Manahimik ka o gusto mong isubsob ko yung muka mo sa pader." pambabanta ko sa kanya.

"Ohhh~~ she's threatening me! haha bakit ba?! bagay kaya ang Lim sayo!" natatawang sabi nito.

*Dag*

Inapakan ko yung paa niya ng madiin. Talo na siya this time, mas malaki ako sa kanya. Ang paggiging mataba ay may advantage. *smirk*

"Aray ko!! ano bang problema mo?!" reklamo nito sabay hawak sa paa niya. Tsk! buti nga sa kanya.

"Pwede ba?! wag mo nga akong itulak dun! tska imposibleng magkagusto yun sa matabang katulad ko! Tsk! pinagtitripan lang ako nun!" malakas na sigaw ko sa kanya. Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko. Sinigawan ko kasi siya. Ayoko ko kasi sa lahat ay ang pinaglalaruan ako.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon