Chapter 17- Bully

485 23 4
                                    

Chapter 17- Bully

*Auprie's Pov*

"Umulan ka pa!!! " malakas na sigaw ko na nakataas ng kamay.

Sobrang lakas kasi ng ulan ngayon. Sabi pati sa balita makakaranas daw kami ng malakas na tag-ulan. Bakit pa kasi hindi pa naging bagyo?!

"Sana bumaha!!! bwahaha!!" sabi ko habang humahalakhak na parang isang mangkukulam.

Di niyo ako masisi, ayoko talagang pumasok ngayon! Tinatamad ako!! at paniguradong makikita ko yung tatlong Abnormal! -_-

Si Yoshiro

Si Jia

at lalo na yung bwiset na Shinya na yun.

"Aish!" sabi ko habang nakaupo sa higaan ko. Nakabihis na kasi ako ng uniform pero ayoko talagang pumasok!

"Auprie!! pumasok ka na! wag ka ngang sumigaw sigaw dito!" sabi ni Mama habang nakapamewang sa harap ng pinto ko.

"Ma nakakatamad po, pwede bang pass muna ako ngayon?" sabi ko kay Mama habang nakapuppy eyes.

"Naku! Di mo ko madadaan diyan Auprie... alis na! ngayon na!! o hindi na talaga kita papaaralin!! Kaya ka NALAKI eh! puro higa at cellphone ka lang!" malakas na sigaw ni Mama, malakas na nga yung ulan sasabay pa yung bunganga ni Mama. Well, no choice ang ate mo! -_-

"Aish!! opo! papasok na!" sabi ko sabay dabog na tumayo at naglakad.

"Aba! Dinadabugan mo na akong bata ka?!" malakas na sigaw ni mama.

"Hindi po... Oo nga pala Ma, asan na yung payong?" tanong ko kay mama.

Umikot ako ng tingin sa kwarto ko. Hinanap ko kung saan saan yung payong kong kulay blue. San naman yun napunta? eh dito lang yun sa kwarto nilalagay.

"Huh? baka kung saan saan mo nilagay? Nako talaga Auprie! napakaburara mo!" sermon sa akin ni Mama.

"hala? Ma, nilagay ko lang yun dito." sabi ko sa kanya habang nakaturo sa maliit na dorabox ko.

"Hayy nako! wala pa man din tayong extrang payong ngayon, hiniram ni Jerome." sabi ni Mama habang tumutulong sa akin na maghanap sa kwarto ko. So Jerome ay  yung pangatlo kong kapatid.

"Ma? ano pong ginagawa niyo ni Ate?" Agad akong tumayo at hinarap yung bunso kong kapatid. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa ulo.

"Jk nakita mo ba yung payong ko?" sabi ko sa kapatid ko.

Jk, that is his nickname. Short for Jean ( pronounced as Jan) Klein 10 yrs old, oh diba? bongga ang pangalan ni Brother! -_- samantalang yung sakin ang ikli at ang chaka! tsk!

"Nak, nakita mo ba yung payong ni Ateng Burara mo?" ulit na tanong ni Mama.

"Ahh yung kulay blue po?" sabi ni Jk.

"Oo Jean. Nakita mo ba?"

"Ahh dala po ni Ate Terese. Sabi niya kanina kasi tulog ka pa daw eh." Agad akong napakuyom sa sinabi ni Jk.

Wala ba siyang sariling payong?!

pero!

Salamat sa kanya at hindi ako makakapasok! *Sparkle*

Napakuyom ako ng kamay at napangiti. Buti na lang at dala niya yun!

"Ate? bakit ka nakangiti?" sabi ni Jk. Agad ko naman siyang hinawakan sa balikat at tumango.

"Wala bunso..." sabi ko sabay tumingin kay Mama.

"Ma, hindi talaga ako makakapasok." kunwaring malungkot na sabi ko.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon