Chapter 22- Dejavu

383 19 1
                                    

Sorry for the typos!! 
VOTE AND COMMENTS are highly recommended... Haha!

thank you.




Chapter 22- Dejavu

*Auprie's Pov*

Mabalis at parang huminto ang mundo ko ng sabay. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, ang mga hiyaw, talsik ng tubig, at ang huli kong nakita... ay walang iba kung hindi siya...

Nakita ko kung paano nagkaroon ng bahid ng gulat at pagkataranta ang kanyang mga mata.

Pero bakit??

Bakit???

................

*cut* (sa dulo niyo malalaman ;) )

................

"Uggghhhh!!!" malakas na reklamo ko at agad na napatayo sa aking kinahihigaan.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at pilit na pinipilit na makahinga. Parang kagagaling ko lang sa pagkakasakal at pagkakaipit sa isang masikip na lugar.

"Auprie?! are you ok?"

Agad lumingon ng dahan dahan sa dereksyon ng nagsalita.

*Heartbeats*

Nanlaki bigla ang aking mga mata ko sa nakikita ko. Walang habas na tumibok ang puso ko na tila gusto ng makawala.

Nakaramdam ako ng tuwa at saya sa dibdib ko.

Nang makita ko kung paano siya nagaalala.

"Auprie..." bulong nito at agad akong niyakap.

Mas kumabog ang dibdib ko at sobrang bilis ng paghinga ko. Bigla akong nakaramdam ng saya at pagkasabik.

Anong ginawa mo sa akin? Shinya?

'Para magkaganito ako sayo??'

Tanong ko sa isip ko. Masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Shinya... " pilit kong makapagsalita kahit na ramdam kong nanunuyo ang aking lalamunan. Kahit na galing ako sa ilalim ng tubig, sobrang tuyot ng aking lalamunan.

"Anong nangyari sayo!?!?" pilit ngunit malakas na sabi ko kay Shinya. Bigla akong nakaramdam ng pagaalala ng makita ko kung paano namumula ang muka nito at mukang may pasa pa ito sa braso.

"It's ok now..." pagkakalma nito sa akin.

Bigla akong natulala...

Nakita ko kung paano niya ako nginitian...

Yung mga ngiti na biglang nagpakalma sa akin at nagpahinto sa akin.

"God!!! Auprie!!!! are you ok?!?!" malakas na sigaw na nagmula sa likod ng mga kaklase ko.

"Ma'am!!!" sabay sabay na sigaw nilang lahat.

"Lets get her to the infirmary!!" sigaw ni Sam.

Agad naman silang nagtulong tulong upang maitayo lamang ako. Hanggang sa mismong ako'y nakatayo na.

"Be careful... " mahinahon na sambit ni Shinya habang inaalalayan ako sa paglakad.

Tumango na lamang ako kay Shinya. Lahat ng tao sa loob ng pool ay sumabay sa amin... maliban lang sa kanya.

Naglakad lang at pumwesto sa gilid ng pinto ng pool si Yuichiro. Agad naman akong natakot at kinabahan ng makita ko kung paano niya ako bigyan ng isang nakakatakot na tingin.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon