Chapter 02- You Again!

1.1K 85 5
                                    

CHAPTER 02- You again!


*AUPRIE'S POV*

"HINDI PWEDE TOOOOOO!!!!!!! " malakas na sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa entrance gate ng school.

Hindi ko alam pero parang nanliit ako kahit na ang laki ko talaga. Hindi ko talaga malubos isipin na magbabago siya.

Wala akong nagawa kung hindi ang mapaupo at isubsob ang mukha ko sa akong tuhod. Bakit ba kasi ganito? ako na lang ba talaga ang pinagkakaitan ng kasexyhan? ako na lang ba ha?!

"Bakit ganito?! " nagmamaktol na sabi ko habang nakaupo sa sahig.

"Hoy Auprie ano na namang kabaliwan yung ginagawa mo?! " malakas na sabi nito sa akin.

Napalingon ako sa paligid at nakita kong sobrang daming tao ang nakatingin sa amin.

"Ang unfair mo talaga Jia. " malungkot na sabi ako tumayo.

Inayos ko ang palda kong above the knee, nagusot kasi dahil sa pagupo ko.

Halos mapanganga ako ng nakita si Jia, ang best friend ko. Nakita ko talaga ang progress sa kanya. Halos mukang nawala na lahat ng taba niya sa katawan. Samantalang ako... eto... nagdudusa parin dito.

"Lahat naman kasi nagbabago Auprie. Tsaka naalala mo? may usapan at deal tayo, kung sinong mataba parin ay manglilibre. Mukang ako ang nanalo haha. " Pagmamalaki nito.

"Whatever, ubos na naman ang pera ko. " Pagmamaktol ko habang palakad papasok ng gate ng school.

"Wait naman Auprie... " Pahabol na sabi ni Jia.

Sobrang binilisan ko yung lakad kasi naiinis talaga ako sa kanya. Pati ba naman sa diet plans ang tanga ko.

"Auprie Manalansala Amore!! " Malakas na sigaw nito.

Kumunot naman ang noo ko nang narinig ko siya. Wtf? bakit pati middle name ko sinabi niya. Wtf talaga!

Napapikit na lang ako sa inis at mabilis na naglakad. Bahala na. Nakakinis kasi talaga. Lahat na lang!

*Boogsh*

"Aray!! " Malakas na sigaw ko.

May nabangga ata akong pader. Ang tanga naman patin ba naman pader Auprie?! Wth?

Agad akong tumayo at akmang maglalakad ulit.

*Grip*

May biglang humawak sa kamay ko ng mahigpit. Agad naman akong napatingin sa gilid ko. Napatingala ako dahil sa tangkad ng lalaking to.

Bumungad sa akin ang lalaking naka-hoodie. Hindi ko masyadong nakita yung itsura niya dahil nakaharang yung hoodie pero nakita ko yung pagkatangos ng ilong niya.

"Uhmm... pakibitawan ako, pwede? " mahinahong sabi ko habang nakaharap sa kanya.

Hindi man lang ito kumibo at gumalaw sa pwesto niya. Ganun parin, hawak niya parin ang kamay ko at hindi binibitawan.

Nakakaloka naman to! may sayad siguro. Pero teka? parang nakita ko na siya.

Agad na nagsink in sa utak ko yung mga scenario kahapon.

"Tama! " malakas na sabi ko.

Agad na nanlisik yung mata ko. Coincidence ba talaga? pati ba naman dito sa school, makikita ko tong sanggano na to?!

"Ikaw na naman mamang sanggano. " Sabi ko.

Agad naman akong napalingon sa buong paligid ko. Nakita kong lahat ng tao ay nakatuon ang pansin sa aming dalawa.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon