Chapter 16- Care

619 28 4
                                    

Chapter 16- Care

*Auprie's Pov*

"Auprie!!"

Agad akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang isang maliit na tinig.

Pagkaharap na pagkaharap ko ay lumantad sa akin ang isang batang may malamig na tingin.

"Bakit bata?" tanong ko sa kanya.

Sobrang lamig ng tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong mali sa kanya. Balak ko sana siyang hawakan sa balikat pero agad siyang umiwas at pinanlisikan ako ng mata.

"Ganun na lang ba kadali?" blankong sabi nito.

Agad naman akong nataranta. Anong sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. May nagawa ba akong Mali?

"Pasensya na bata pero hindi talaga kita kilala." sabi ko dun sa bata.

Agad akong tinignan ng mariin ng bata. Unti unti siyang lumapit sa akin at siya namang atras ko. Hindi ko alam pero nakakatakot siya kung tumingin.

Nang wala na talaga akong maatrasan ay bigla na lang siyang huminto sa harap ko.

"Nakalimutan mo na ako..." Malungkot na sabi nito.

Agad akong nataranta ng makita ko siyang umiyak sa harap ko. Agad ko naman siyang hinawakan sa balikat pero umiwas ulit siya. Hanggang sa tuloy tuloy lang ang luha niya.

"Teka!" malakas na sigaw ko ng bigla siyang tumakbo ng mabilis.

"Teka!!!"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Gising na Auprie!!!"

Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko. Natataranta akong tumingin sa orasan. Nang makita kong medyo maaga-aga pa ay napabuntong hininga ako.

"Nakalimutan mo na ako..."

Biglang pumasok sa isip ko yung bata sa panaginip ko. Sino naman kaya yun?

*sigh*

Ganito ba ang resulta ng panonood ng anime? Last time ganito din yung panaginip ko. Hindi namang pwedeng uulit yung panaginip na ganun kung walang ibig sabihin. May nakalimutan ba ako?

Napasapo na lang ako sa ulo at kinuha yung cellphone ko. Agad naman akong nagulat ng may nakita akong mga texts.

5 texts galing kay Jia.

2 texts galing unknown number.

--Jia--

-Gising na! ang ganda ko!

-Hoy!! papasok na ako ngayon kaya make sure na papasok ka din! ;)

-Gising at magreply na aba!

-hoy!!

-Bakit wala paring reply!! T__T

--Unknown Number--

-See you in school!

-Mr. Yoshiro ;)

Hindi ko alam pero napasapo na lang ako sa ulo ko ng mabasa ko tong texts nila. Ang aga aga manggugulo sila.

*Sigh*

Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko at napatingin sa paligid. Gosh! ang linis ata? Agad tuloy akong napababa para kumain.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon