15

16.7K 382 99
                                    

CHAPTER FIFTHEEN: The Truth

TW: mentioning illness, death

Tyron's pov 

Hindi ako mapakali, kinakabahan at natatakot ako. Ikot nang ikot habang hawak ang cellphone ko. Iniisip kung anong unang sasabihin ko kay Jennifer kapag tinawagan siya.

Huminga ako nang malalim habang nanginginig na pinindot ang call. Napa-kagat na lang ako sa labi ko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag.

"Hello? Sino 'to?" Tanong nito, kaya agad kong nakagat ang pang-ibabang labi.

"Jennifer.." 

"Tyron? Ikaw pala! Oh, himala at napatawag ka? Anyway, kumusta na si Ciara? Nakauwi ba ng ayos 'yon? Alagaan mo 'yan Tyron, naku! Pinilit lang ako niyan na umuwi sa inyo dahil mas gusto ka niyang kasama. Kapag nabalitaan kong sinaktan mo na naman 'yan, ay naku talaga! Ipapa-salvage na kita. Teka, bakit ka nga ulit napatawag?" Mahabang lintana nito, sa mga sinabi niya pa lang ay hindi na agad ako makapag-salita at natahimik na lang.

I don't know how should I tell her.

"Hoy! Ano na? Natahimik ka diyan?" Tanong pa nito.

"J-jennifer, kasi.." tumikhim muna ako at huminga ng malalim.

"Kasi? Teka nga, ayos ka lang ba? May nangyari ba? Hindi ba nakauwi si Ciara diyan?!"  Napalunok ako dahil sa tono ng boses niya. I didn't even know Ciara will go home, if only you just told me. S-sana.. sana hindi 'yun nangyari.

Tangina, kasalanan ko naman talaga, bakit ba sinisisi ko na naman sa iba?!

"May nangyari ba, Tyron?"

"Jennifer, I have something to tell you," sambit ko, habang nanginginig pa ang kamay ko, alam kong kapag sinabi ko na ang totoo, hindi malabong sugurin niya ako dito sa hospital.

"Ano nga?!" Bulyaw nito.

"Si Ciara.."

"Alam kong si Ciara! Ano ngang meron kay Cia-"

"She's in hospital," napapikit ako nang sambitin 'yun, hinintay ko ang pagsigaw niyang gagawin, pero wala akong narinig.

"Asan kayo?" Malamig na tanong niya.

"Manila Hospital." Nauutal na sagot ko, narinig ko na lang na pinatay niya na ang tawag.

Napaupo na lang ako at yumuko.

Face your problem, Tyron. It's your fault.

Ilang minuto pa akong naghintay nang may narinig akong sigaw.

"Asan ang bestfriend ko!" Narinig kong bulyaw nito.

"Ciara Hilvano?!"

"Emergency room, Miss." 

Nakita ko nang lumiko si Jennifer kung na saan ako, nakita ko rin kung paano manlisik ang mga mata niya habang nakatingin at naglalakad papunta sa direksyon ko.

Nang makalapit na siya ay agad akong napalunok.

"Jennifer, let me-"

'Pak!'

Napayuko ako nang sampalin niya ako nang pagkalakas lakas sa magkabilaan kong pisngi.

"Ano, Tyron? Masaya ka na ba, ha? Masaya ka na?! Masaya ka na bang nag-aagaw buhay ang kaibigan ko?! Ano! Magsalita ka! Tangina mo! Ano bang ginawa niyang kasalanan sa'yo para tratuhin mo siya na parang hayop at humantong pa sa ganito?!" Sigaw niya sa akin habang tinutulak tulak ako.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon