CHAPTER NINETEEN: Another Chance
Ciara's pov
"Darling, hurry up! Andiyan na sila, ikaw na lang ang hinihintay," pagtawag ni Mommy, habang kumakatok sa pinto.
Kinuha ko naman 'yung suklay at sinuklay ang buhok kong ilang linggo nang walang suklay-suklay.
"Coming, Mommy!" Sigaw ko pabalik.
Pagkatapos kong magsuklay ay binuksan ko na 'yung pinto.
"Okay ka na niyan?" Tanong ni Mommy, tinignan ko naman ang sarili ko at ngumiti ng pagkalaki laki.
"Okay na po ito. 8 am na po, eh," sagot ko at tumakbo pababa.
"Ara, jusko ka! Halos kalahating oras kaming naghintay dito!" Reklamo ni Jennifer, sa totoo lang, isang oras talaga akong nag-ayos. Ngayon ko na lang ginawa 'to, kaya why not hindi ba?
"Sige na, lumakad na kayo. Tyron, ha, ang mga kasama mo. Bantayan mong maigi. Dapat ay saktong alas dos ng hapon, makauwi na kayo." Pagpapaalala ni Mommy.
"Ye, tita. Ais na po kami." Paalam niya, isa-isa naman kaming humalik kay Mommy. Hindi ko alam kung bakit biglang nandito si Tyron, sa pagkakaalam ko ay sinabi ni Jennifer na pinalayo na siya sa akin. Then, why is he here? Pinabalik siya?
"Bye, Tita!" Sigaw pa ni Jennifer.
"Ingat!" Saad ni Mommy, habang kumakaway pa nang makasakay na kami sa kotse.
"Hey, are you okay?" Rinig kong tanong ni Tyron kaya naman napalingon ako sa direksyon niya.
"Oo naman." Diretsong sagot ko at muling itinuon ang atensyon sa harapan ng kotse. Matapos niyang tanungin 'yon ay narinig ko ang buntong hininga niya at hindi na nagsalita pa kaya namuo ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
"Ano? Magtitigan na lang tayo dito? Patagalan ng hininga ganon? Tara na kaya! Duh!" Lakas loob na pagbabasag ni Jennifer ng katahimikan. Hindi man nakatingin pero muli kong naramdaman ang tingin sa akin ni Tyron bago niya paandarin ang sasakyan. Pero hindi ko na binigyang pansin 'yon at itinuon na lang ang atensyon sa bintana. Pakialam ko sayo.
@Mall
"Saan tayo?" Tanong ni Tyron, habang nasa entrance kaming tatlo, nakatayo, hindi naman siguro kami nakaharang sa daan, 'no?
"Sa boutique muna tayo." Suhestiyon ko.
"Boutique? Hindi ba tagalog 'yun ng lizard?" Tanong ni Jennifer kaya naman nanliliit ang mga mata kong tinignan siya.
"Haha. Nice joke." Sarkastikong pagtawa ni Tyron.
"Butik ang basa doon, hindi butiki." Pagtatama ko sa kanya.
"Alam ko, nagbibiro lang naman! Hindi man lang ako suportahan. Ano bang gagawin natin do'n, ha?" Tanong niya pa.
"Siguro kakain," pilosopong sagot ko.
"Alam niyo, magsama kayo! Pareho kayong mga sarkastiko, hmp!" Nagtatampong saad nito at walang pasabi na nanguna na sa paglalakad, hindi ko na hinintay pang gumalaw ang katabi ko kaya agad na akong sumunod kay Jennifer.
Nang makapasok na ako sa entrance ng boutique ay agad na naagaw ang atensyon ng isang gown. Hindi ko napigilan ang mga paa kong humakbang papalapit dito at mas pinagmasdan 'yon ng maigi.
"Wow.."
"Ang ganda 'no?" Rinig kong tanong ng kung sino sa gilid ko.
"Hmm, ang ganda nga, gusto ko ganyan ang isusuot ko kapag ikinasal ako," natutuwang sambit ko habang nasa gown pa rin ang atensyon ko at mangha itong pinagmamasdan.
BINABASA MO ANG
What if I die?
RandomCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...