16

17.3K 333 141
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Save her

TW: There will be some unpredictable scenes and/or alternative happenings in real life.

Raiza's pov

Lumingon lingon muna ako sa paligid para masiguradong walang nakakakita sa akin sa ginagawa ko.

Agad akong nagtago sa may halamanan nang pumasok na sa building 'yong lalaking noong isang araw ko pang sinusundan.

Sinubukan kong silipin ang tao sa loob at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang mga ito.

"Sinasabi na nga ba, ikaw ang may kapakanan ng lahat nang ito." Sambit ko nang makita kung sino ang kausap ng lalaking sumagasa kay Ciara.

'Oo, nakita ko na siya ang gumawa niyon kagabi. Kagagaling niya lang din sa hospital ngayon na sa tingin ko ay si Ciara din ang pakay niya do'n.

"Mukhang hindi na mabubuhay 'yon, boss." Natutuwa pang saad no'ng lalaki.

'Ang sama talaga ng ugali niya!'

"Asan na siya ngayon?" Tanong ni Soriano habang nakakurba ang ngisi sa labi.

Gusto ko siyang sugurin ngayon. Ang akala ko ay mabait siya, dahil itinuring ko siya na parang kapatid noong magkasama pa kami sa pagiging agent sa hongkong.

'Kaya ka pala nag-quit, dahil may pinagkakaabalahan ka ng iba.'

"Sa ngayon ay nasa hospital na siya, boss. Dinala na nung asawa niya at ngayon na ata nagdudusa ang gago." Humagalpak ito ng tawa, naikuyom ko ang mga kamao ko dahil traydor sila.

"Isa pang goodnews, Boss. Bilang nalang ang oras nung babae, siguro ay sampung oras kailangan magising. Ang kaso may sakit daw sa puso kaya ayon, mukhang hindi na nga talaga magigising hahaha." Natatawang saad pa nito.

'May sakit sa puso si Ciara?'

Gusto ko nang saksakin itong lalaki sa likod niya, nagawa niya pa talagang tawanan 'yung tao. Bwiset siya!

"Good to hear that. By the way, tandaan mo ito. Sa linggo, may kikitain tayo sa San Roque, may trabaho pa tayong kailangang tapusin." Nakangising sambit ni Soriano.

'Linggo? Hindi ba't friday ngayon?'

"May papatumbahin tayo, unti-onti natin siyang pahihirapan tulad nang ginawa ng mga magulang niya sa magulang namin." Nakangisi na naman niyang sambit.

'Sino ang tinutukoy niya?'

"Wala ka nang ginawang tama." Napakunot ang noo ko nang may marinig akong boses sa hindi kalayuan.

Galit ang tono nito, sinilip ko ang kabilang pader at may nakita akong lalaking nakasilip din ngayon kila Soriano.

"Kung alam ko lang na 'yan lahat ng plano mo, sana pala noong una pa lang ay inilayo ko na siya. Tss!" Nangangalaiting sambit nito habang nakakuyom ang kamao.

Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang papatayin nila, hindi naman pwedeng si Ciara dahil nasa hospital ito.

"H-hindi kaya.." napatakip ako sa bibig ko nang may maisip akong nag-iisang tao.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon