CHAPTER TWENTY ONE: binitawan na kita
Ciara's pov
Agad akong napatayo nang nakapalibot na pala sa'min ang mga tao. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Tyron, ngunit sabay din kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.
"Omg, they've kissed!"
"S-sorry. Ah.. s-sige suotin mo muna 'yang coat ko," naiilang na saad ni Tyron at tumakbo paalis. Ilang beses naman akong napakurap at hindi alam kung saan puounta.
"E-excuse me." Nahihiyang paalam ko rin sa mga tao at tinalikuran silang lahat. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko, dahil sobrang kahihiyan 'yung nangyari! Bakit kasi ang tanga-tanga niya?!
Masaya na sana akong natisod siya, pero the fuck. Sa dami nang pwedeng pagbagsakan, sa labi ko pa?! Hindi ba pwedeng sa lupa na lang bumagsak 'yung lupa niya para kahit papaano ay nakaganti ako sa kanya nang indirect?
Damn it. Gusto ko lang naman siyang pagtripan, bakit nadawit pa ang labi ko.
What did you do again, Ciara! Wala na. Wala! You failed.
"Aaaaaah! Mababaliw na ako! Kasalanan mo 'tong coat ka, e! Bakit naman kasi hindi ka pa bumalik do'n sa amo mo? Hindi naman kita kailangan." Paninisi ko sa coat, habang hinahampas pa ito sa gate. Nakakainis.
Ang plano ko lang naman ay asarin siya, dahil gusto kong gumanti sa kanya. Yun bang ganti na matutuwa ako, birthday ko ngayon kaya ang pangit naman kung magiging cold ako sa kanya. Yun bang ipaparamdam ko sa kanya na ayos kami, tapos oras na dumating na 'yung pagkakataon na humingi na naman siya ng chance, saka ko siya idu-dump.
Well, hindi ko man siya saktan ng physical, dahil hindi ako ganon. At least, matapakan ko manlang 'yung ego niya. Kahit simpleng ganti lang ay ayos na ako.
Pero hindi ko naman alam na may kapalit pa lang halik 'yun, ano ba 'yan. Paano ba kasi nangyari 'yun? Napakatanga niya naman. Nawawala 'yung angas niya.
"Kung hindi ba naman kasi siya tatanga -tanga na tinapakan ang gown ko, edi sana hindi niya ako.. aish! Nakakainis talaga!" Pagdadabog ko nang maalala ang senaryo namin kanina, wala naman sa plano 'yun. Nasira tuloy lahat. Pati mood ko ay nawala na. Nawawalan ako ng gana sa tuwing sumasagi sa isip ko kung paano- aaaaak! Ayoko nang alalahanin pa!
Saglit naman akong napalingon sa labas nang mapansin kong may huminto na kotseng itim sa harap ng bahay namin.
'Teka, sino naman 'to?'
"Omg, Ciara!" Nagulat ako nang lumingon ito at nagmadaling tumakbo papunta sa akin, agad ko namang binuksan ang gate para salubungin siya.
"Hannah!!" Masayang bati ko sa kanya at agad na sinugod ng yakap. Akala ko hindi na siya darating, siya pa naman ang hinahanap ko kanina. Kailangan ko siya ngayon dahil gusto kong makita ngayon ang itsura no Tyron kapag nakita niya kaming magkasama ni Hannah.
Galit na galit siya dati kapag nalalaman niyang magkasama kami, hindi ba? Well, then. Tignan natin ngayon. Ngayon pa na nagbabago na 'yung paraan ng pag-treat niya sa akin? Tignan na lang natin ngayong andito na 'yung so-called niyang asawa.
Kakampi ko si Hannah, pero hindi naman masamang gamitin siya para malaman kung anong magiging reaksyon ni Tyron, 'di ba? Nakakatanga kasi 'yung mga kilos niya. Nanghihingi siya sa akin ng chance na bumalik ako sa kanya nang hindi niya naiisip si Hannah?
He's so impulsive and insensitive and it makes me hated him even more. Napakagulo niya at hindi ko siya maintindihan.
"Am I late na ba, Cia? I'm sorry, may inasikaso pa kasi ako sa bahay, ayan tuloy na-late ako." Nakasimangot niyang sambit, dahilan para ngitian ko siya.
BINABASA MO ANG
What if I die?
DiversosCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...