Chapter 37: Unexpected Wedding
Ciara's pov
"Ayan! You looked so gorgeous na, Ma'am Ciara!" Tuwang-tuwa na sabi ni Tita Jolei.
"And one more thing, your shoes!" Sabi naman ni Tita Angeli at sinuot sa akin ang sandals na hindi naman gaanoo kataasan. Marahan nitong isinuot sa paa ko ang silver na heels.
"Pak! Bongga! Perfect! Kyaaah!" Pareho nilang sigaw at nag-apir pa. Tinignan ko naman ang sarili ko sa harap ng salamin. Napatango ako nang pumasa naman sa akin ang itsura ko ngayon.
"Espren? Asan si espren? Ready na ba siya?" Narinig ko na ang boses ni espren mula sa sala.
"Here she is~" sabay nilang sabi at tumabi para makita ako ni Jennifer.
Nakita ko na naman ang reaksyon niyang gulat na gulat, pero this time ay siya lang mag-isa at hindi kasama si Tyron dun.
Lihim akong ngumiti ng pilit.
I miss him so much.
"Omayghad! Kyaaaaah! Ang ganda mo, Ara!" Nakakariniding sigaw niya at lumapit sa akin para yakapin ako. Nang tanggalin niya 'yun ay tinignan ko naman ang itsura niya, maganda, pero bakit parang may mali sa aming dalawa?
Pinagkumpara ko siya sa akin.
"Teka, bakit ba ganito ang itsura ko? Parang ako naman ang ikakasal!" Reklamo ko dahil ibang-iba talaga ang itsura ko.
"Hayaan mo na espren! Ang ganda mo kayang tignan! So, ano? Tara na?" Excited niyang pag-aya sa akin.
"Okay?" Sabi ko at nagpahatak sa kanya.
"Thank you mga mamsh!" Sigaw ni espren.
"Always welcome, mamsh! Ingat!" Sigaw nila.
"Sakay na espren! Oh, dahan dahan!" Sabi niya at inilalayan ako, kaya ko naman eh, muntanga lang.
"Manong! Lets go!!" Sabi ni espren sa driver na agad din namang pinaandar. Ang weird niya ngayon dahil alalay na alalay siya sa akin kahit kayang kaya ko naman, para namang mababagok ako kapag hindi niya ako inalalayan.
"Espren oh, tissue. Ayy grabe! Hindi tayo pwedeng mag-mukhang haggard!" Sabi nito at dinampi-dampi ang tissue sa parte ng mukha niya. Kinuha ko naman ang isa at ginawa din ang tulad sa kanya.
Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa simbahan.
"Tara na espren, dali! Omayghad! I'm so excited!" Kinikilig na sabi niya.
"I can't believe na mangyayari 'to! Kyaaah!!" Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya ay maingat akong bumaba sa sasakyan.
"Ayan! Tara na! Kyaaaah!" Hiyaw niya at hinatak na naman ako.
"Aray ko! T-teka! Tekaaa! Sandali!" Pagpigil ko sa kanya.
"Bakit?" Takhang tanong niya.
"Huwag ka ngang excited! Makakarating din tayo-"
Napatigil akong nang ilapat niya ang isang daliri niya sa labi ko at tinignan ako ng masama.
"Shh! Shut up! Just keep your mouth shock." Mabagal nitong sabi na tila ba'y gusto niyang intindihin ko ng mabuti ang sinabi niya.
Ano daw? Keep your mouth shock?
Nakakunot lang ang noo ko, habang hila-hila niya ako. Hindi ba't keep your mouth shut 'yon? Pauso talaga nitong babaeng 'to.
Nang makarating na kami malapit sa pinto ay huminto muna kami. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
What if I die?
RandomCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...