4

15.7K 474 73
                                    

CHAPTER FOUR: Disease

Ciara's pov

Nararamdaman ko ang bigat at sakit ng aking katawan kahit pa nakapikit ako. But surprisingly, the pure white on the ceiling was the first thing I saw as I opened my eyes. I can even smell and feel the coldness of the air that was brushing on my skin, probably coming from the aircon.

I swallow when I feel the dryness of my throat. All I could hear was my heavy breathing and the noise that was made by the machine beside me. My eyes went around to check the surroundings and realized I was in the hospital.

Slowly, my eyes landed on the man who's currently sleeping on the side of my bed.

'Teka, hindi ba't si Manong Driver ito?'

Agad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga para gisingin si Manong Driver. Kawawa naman siya, paniguradong hindi siya nakapag-pasada ngayon nang dahil sa akin.

Tinapik-tapik ko naman ang balikat nito para gisingin.

"Manong, gising na po." Bahagya akong nagulat nang biglaan itong napatayo at nagpanik.

"B-bakit? Asan, asan? Naasan ang sunog?" Natatarantang tanong nito kaya bahagya akong natawa.

"Wala hong sunog, Manong." Natatawang sabi ko rito. Gulat naman itong napatingin sa akin at parang hindi pa makapaniwala na gising na ako.

"Nako, Mam!" He hurriedly approached me.

"Mabuti naman at gising na kayo, kumusta naman po ang pakiramdam ninyo? May masakit pa po ba sa katawan ninyo? Jusko, ako'y ninyerbyos po sa inyo, Mam, nang mawalan kayo ng malay, mabuti na lamang at gising na kayo." Manong asked me worriedly, causing a smile to curve on my lips.

"Pasensya na po, pero ayos na ho ako, medyo may masasakit pa po, pero ayos lang. Maraming salamat po. Saka pasensya na sa abala, dahil sa akin ay hindi po kayo nakapag-pasada ngayon, wala po tuloy kayong kinita." Paghingi ko ng paumanhin.

"Wala ho 'yon, Mam! Prioridad po naming mga driver na asikasuhin at tulungan ang mga pasahero namin." Saad ni Kuya habang nakamot pa sa batok.

"Pasensya na po talaga at maraming salamat na din. Napaka-laki ng utang na loob ko sa inyo. Kaya hayaan niyo po akong bigyan ko kayo ng pabuya." Nakangiting sambit ko at agad na kinuha ang bag ko para kumuha ng pera.

"Naku! Huwag na po, Mam! Mas kailangan niyo iyan." Pagpigil niya.

"Anong hindi, Manong. Kailangan mo po ito. Wala kang kinita ngayon nang dahil sa akin, kaya tanggapin mo na po ito, bilang pasasalamat ko." Sambit ko at iniabot ang pera na nagkakahalaga ng limang libo. Ikinagulat niya naman ito.

"Ay, naku Mam! Sobra sobra po iyan." Nahihiyang sambit ni Manong.

"Hindi po, sakto lang 'yan. Salamat po sa pagdadala sa akin dito, tapos binantayan niyo pa po ako, parang ama ko na rin po kayo." Nakangiting sambit ko na agad din namang napalitan ng lungkot, dahil naalala ko na naman ang mga magulang ko na ngayon ay kinamumuhian na ako.

'kring.. kring..'

Napalingon ako sa telepono ni Manong nang tumunog ito.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon