CHAPTER TWENTY EIGHT: Wake me up
TW; mention about death
Ciara's pov
Hindi. HINDI!
Bumagal ang lahat at para akong nabingi nang mabalot ng malalakas na putok ng baril ang lugar na ito.
Agad kong dinampot ang baril at hindi na nagdalawang isip pa na itinapat ito kay Hannah.
"WALANGHIYA KA!!!"
Buong lakas at walang pag-aalinlangan ay sinimulan ko itong pinaputukan ng bala, kahit pa wala na itong laban pa. Hinabol ko ang hininga matapos mawalan ng bala ang baril na hawak ko. Agad ko na iyung itinapon sa kung saan at kahit hinang-hina na ako ay agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Tyron, hindi ko muna ininda ang bawat tama ng bala sa katawan ko.
Fuck it, I need to see him! Hindi pwede.. tangina naman, Tyron. Hindi ka pwedeng mamatay!
Nang makalapit ako sa pwesto niya ay agad akong natigilan at hindi napansin na bumagsak ang katawan ko sa lupa nang makita ko ito. Nakaawang ang labi at hindi mapigil na pag-agos ng luha akong gumapang papalapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong dahan-dahan siyang hinawakan nang balutin na ang katawan nito ng dugo.
"Ty.. dumilat ka," pagyugyog ko sa katawan nito nang maabutan ko siyang hindi na gumagalaw at halos maligo na siya sa sarili niyang dugo.
"T-tyron, ano ba! Hindi ako nakikipagbiruan sayo, dumilat ka diyan!" Pilit na paggising ko rito at hindi na maramdaman ang sariling luha na nagsisibagsakan.
"Tyron naman, eh. Lumaban ka, parang awa mo na.."
"C-ciara.." nahihirapang sambit nito, dahilan para natataranta kong alalayan ito. Nakagat ko pa ang labi ko nang magsuka ito ng dugo.
"T-ty.. k-kaya pa ba? Kaya mo naman, hindi ba? Kayanin mo, please? Kayanin mo para sakin. Padating na sila, susunduin nila tayo. K-kapit ka lang ha? Huwag kang bibitaw, Ty. L-laban pa, huwag mo akong iwan. Malapit na sila.." Umiiyak na pagsusumamo ko habang inaalo ito. Hindi malaman kung saan siya hahawakan dahil nanginginig na ang buong katawan ko nang dahil sa panghihina. Natataranta na ako dahil hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari.
"Shh, stop crying.." nanghihinang sambit nito at pinilit ang sariling abutin ang mukha ko para haplusin iyun.
"Ty, laban pa ha?" Basag ang boses na nakikiusap sa kanya matapos kong hawakan ang kamay niya, pero agad na bumagsak ang balikat ko nang ilingan niya ako.
"Huwag na.." malumanay na sambit niya, dahilan para mas bumigat ang dibdib ko.
"Ano bang sinasabi mo, kaya pa, Ty. Lalaban pa tayo, ha? H-huwag kang pipikit, sakin ka lang tumingin. Tignan mo lang ako," pakiusap ko habang pilit siyang inaaninag dahil nanlalabo na ang patingin ko nang dahil sa mga luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata ko.
But once again, umiling lang siya.
"H-hindi na pwede.."
"I need to surrender my life now, hindi ko na pwedeng bawiin 'yung hiniling ko."
"A-ano bang sinasabi mo. Ty, naman eh!" He smiled at me, nanginginig ang kamay niyang pinunasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
What if I die?
RandomCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...