29

6.5K 156 9
                                    

CHAPTER TWENTY NINE: Biological Parents

TW: mentioned of cases and different crimes

Ciara's pov

Bumagsak na lang ang balikat ko dahil sa binitawang salita ni Jennifer.

Hindi 'yon totoo, hindi ako naniniwalang patay na siya!

"Bawiin mo ang sinabi mo, Jennifer. Hindi pa siya patay," seryosong saad ko. Nanlulumo habang mabigat na bawat paghinga ang inilalabas sa kawalan. Sobrang bigat sa dibdib at parang kahit anong oras ay hindi ko na kakayanin pang damdamin.

"Bawiin mo!"

"Hindi pa patay ang asawa ko. Paano mo nasasabi ang bagay na 'yan?!" Bulyaw ko at muling sinanggi ang mga nakapatong sa lamesa, dahilan para mabasag 'yon. Parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko dahil hindi ako makahinga ng maayos, ang bigat bigat sa pakiramdam. Parang paulit-ulit at walang tigil na sinusuntok ang dibdib ko.

"Ilabas niyo ang asawa ko!"

"Ciara, please. Huminahon ka!"

"Bitawan mo ako. Bitawan niyo ako! Ilabas niyo ang asawa ko! Hindi pa siya patay, mga sinungaling kayo!"

"Ija, huminahon ka. Baka matanggal ang tahi mo." Suway nang nurse na pilit akong pinipigilan, ngunit lumayo ako rito ay pare-parehong ipinukol sa kanila ang sama ng tingin ko.

"Hindi, ayoko! Ibalik niyo si Tyron. Ibalik niyo siya! Sinungaling kayong lahat! Buhay pa siya! Buhay siya!" Galit na sigaw ko at pinagtatapon lahat nang nakikita ko. Halos lahat na sila ay nag-aalala at hindi na malaman ang gagawin kung paano pa ako mapipigilan.

Kaya naman kusang bumagsak na lang ang katawan ko sa kama at doon humagulgol nang humagulgol. Hindi matanggap ng tainga ang lahat nang sinabi nila.

"Ija, please calm down-"

"Pinatay niyo siya.. pinatay niyo ang asawa ko! Magsilayas kayo! Hindi ko kayo kailangan, mga wala kayong kwenta! Kayo ang pumatay sa kanya. Umalis kayo dito!" Buong lakas na bulyaw ko, galit na galit at punong-puno nang sama ng loob.

"Ara, please tama na." Humihikbing pagpigil sa akin ni Jennifer habang pilit na ikinukulong ako sa mga bisig niya habang nakabalot ang buong katawan niya sa akin, pinapakalma ang buong sistema ko, pero hindi no'n nabawasan ang sakit sa dibdib dahil mas lalo lang iyun bumibigat.

"Ano pang hinihintay niyo?! Magsilayas na kayo! Hindi ko kayo kailangan." Umiiyak na pagpapalayas ko sa kanila, wala naman silang ginawa kung hindi ang bumuntong hininga at hayaan ako.

"Jennifer, sabihin mo, babalik siya, hindi ba? Buhay siya, hindi ba?" Umaasang tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot ay niyakap lang ako ng mahigpit, dahilan para mas lalo pang bumigat ang dibdib ko.

Sabi niya gisingin ko siya kapag nakauwi na kami, 'diba? Gigisingin ko pa siya, kaya imposible ang sinasabi nila.

"G-gusto ko siyang makita." Nanginginig na sambit ko.

"S-sigurado ka?" Tanong niya, agad akong tumango kahit hindi ko alam kung anong masasaksihan ko. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko pero naroon ang kagustuhan kong makita siya. Makitang buhay.

"Please.." saad ko, tumango siya at inalalayan akong tumayo.

"Be brave.. Ara, please.." hindi ko pinakinggan ang sinabi niya dahil mas lalo lang nasisira ang ulo ko kakaisip kung anong ibig niyang sabihin doon.

Buhay naman siya, hindi ba?

Naglakad na kami palabas ng kwarto at para yatang unti-onting naninigas ang dalawang tuhod ko nang mapagtanto ko kung saan kami patungo ngayon.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon