12

15.5K 358 19
                                    

CHAPTER TWELVE: I can't do it

Ciara's pov

'Kring! Kring! Kring!'

Pareho kaming napalingon ni Hannah sa phone ko nang mag-ring ito habang na sa byahe kami pauwi. Tahimik lang kaming dalawa kanina, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawala sa isip ko lahat ng sinabi sa akin ni Hannah tungkol sa magulang niya.

I didn't know na wala na siyang parents. Ramdam ko ang sobrang pagsisisi, dahil hindi ko naisip na wala na pala siyang magulang na pwede niyang sandalan noon, nagawa ko pang agawin sa kanya ang nag-iisang taong mahal niya.

Saglit ko namang kinuha ang phone ko at tinignan pa ang numero non, hindi sa akin pamilyar kung kaninong number 'yun dahil unknown din naman ang pangalan ng caller, but still sinagot ko pa rin.

"Hello?" Hindi ko pa man natatanong kung sino ito ay nagulat na ako sa lakas at tinis ng boses nito.

"Espren!!" Nalayo ko agad ang cellphone ko mula sa tainga ko nang halos dumagundong ang boses nito sa buong sistema ko. What the heck? Sino ba 'to? Kunot noo ko pang tinignan si Hannah na mukhang nagtatakha na rin.

"Hi, sino 'to?" Naguguluhang tanong ko, masiyadong occupied ang utak ko buong buhay ko kaya naman hindi ko na alam kung sino ang mga taong malalapit sa akin noon.

"Anong sino 'to? Aba! Nakakatampo ka, ah? Nakalimutan mo na ba ang nag-iisa mong napakagandang bestfriend?! Hoy, hindi pwede 'yun huhu. Nakalimutan mo na ba talaga ako?" Sambit pa nito sa kabilang linya, bahagya pang umawang ang labi ko at pilit nire-recognize ang boses nito.

"I knew it! Hindi mo na nga ko kilala, hmp! It's me, Jennifer, ang bestfriend mong maganda, nakakainis ka naman Ara! Kinalimutan mo na ako!" Hiyaw nito nang hindi ako sumagot. Ngunit mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig nang maalala ko na kung sino.

Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Ara. Omyghash, si Jennifer na ba talaga 'to?! I miss her so much!

"Waaaaah! Espren, Jennifer?! Sorry, hindi ko nakilala ang boses mo. Omayghad, ikaw ba talaga 'to? Hindi ba 'to prank?! Kumusta ka na?!" Sunod-sunod na tanong ko, natataranta at tuwang tuwa. Hindi makapaniwala.

"Bruha ka talaga! Ito, nakabalik na sa pilipinas, yie excited na akong makita ka!" Tumatawang saad nito, dahilan para saglit akong matigilan.

N-nakabalik na siya?

Isang beses akong napalunok ng matindi.

"T-talaga? Nakabalik ka na? Kailan pa?" Kinakabahang tanong ko.

"Kahapon lang," sagot nito.

"Saan ka tutuloy niyan?" Tanong ko, kinakabahan nang sobra. Hindi ako mapakali dahil hindi niya alam ang kalagayan ko ngayon at hindi niya ako pwedeng makita ng ganito. At hindi niya pwedeng malaman na si Tyron ang may kagagawan nito. She knows that Tyron is a great man, huli niyang kita sa amin ay nasa mabuti kaming kondisyon. But now.. I can't say anywords. It's a worse than worst.

"Actually, papunta na ako sa bahay niyo ni Tyron, now na. As in! Kumusta na ba kayo, ha? On the way na ako! Omg, namiss ko talaga kayong dalawa. Lalo na si Ty, gosh. For sure, alagang-alaga ka no'n! Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung promise niya sa akin na hindi ka niya pababayaan. Aba, baka nga malaman laman ko, may anak na kayo! Hindi niyo manlang ako binabalitaan."

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon