CHAPTER EIGHTEEN: The Culprit
Tyron's pov
"Beeeeeep!!- Boogsh!!"
"Hoy!" Nabigla ako nang batukan ako ng babaeng nasa tabi ko.
"Fuck! Ano ba? Masakit ah?!" Reklamo ko at sinamaan ako nito ng tingin.
"Ano? Naimagine mo na ang mangyayari sa'yo, oras na hindi ka pa magpahatid sa akin?" Tanong nito.
"Tara na kasi!" Pagpupumilit nito at agad akong hinila sa braso, napakamot na lang ako sa batok. Nang makarating na kami sa parking lot ay naalala ko 'yung kotse ko.
"Teka, teka! Paano 'yung kotse ko?" Tanong ko.
"Ako na lang ang maghahatid sa bahay niyo niyan. Tara na, sakay dali!" Sumakay naman na ako sa loob.
"Teka nga. Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba sa akin? Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"Huh? 'Yan talaga ang naisip mo?" Nakangiwi niyang tanong.
"Tss, you're acting like one. Bakit ba madaling madali ka? Hindi naman aalis ang bahay ko." Naguguluhang tanong ko.
"Nag-aalala lang ako sa'yo, okay? Sige, kung ayaw mo. Bumaba ka na diyan. Mag-drive ka mag-isa mo, tapos magpakita ka sa mga taong gustong pumatay sa'yo, para tigok ka na." Sabi niya at hihilain sana ako palabas nang umurong ako sa dulo, para hindi niya ako maabot.
Kumunot naman ang noo niya sa inasta ko.
"Anong ginagawa mo? Bumaba ka na!" Utos niya.
"Biro lang 'yun, tara na. Inaantok na ako, gusto ko nang matulog," I made an excuse.
"Okay," sabi niya at sumakay na at saka pinaandar ito.
"Oo nga pala, Tyron. Sa linggo, huwag kang pupunta sa San Roque ah?" Paalala niya, napakunot na naman ang noo ko.
"Bakit na naman? Hindi pwede. May kikitain ako do'n, " pagrereklamo ko.
"Sino namang kikitain mo? Hindi ba pwedeng sa susunod ka na lang makipag kita do'n?" Tanong niya.
"H-hindi. In-order ko kasi yun. Bawal ipagpaliban, bakit ba?"
"Sa dami ng pagkikitaan, doon pa talaga? Sabihin mo, sa susunod na lang, kasi doon ka ata nila aabangan," sagot niya, hays bakit ba may ganito?
Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay ni Hannah. Dito ako dumiretso, wala akong matatakbuhan ngayon at masasabihan ng problema kundi siya lang.
"Sige, una na ako. Hatid ko na lang 'yung kotse mo," sambit niya, napatango naman ako.
"Ingat," saad ko at pinaandar na ang sasakyan niya.
"Hannah?" Pagtatawag ko nang makapasok ako sa loob ng bahay, pero nagtakha ako dahil walang sumasagot.
"Hannah?" Pag-uulit ko, pero wala talagang sumasagot.
"Asan kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko.
'Hays, kung kailan naman kailangan ko ng kausap doon pa siya nawala.'
Umakyat ako sa kwarto niya, pero wala rin siya. Pero bago ko pa masarado 'yung pinto niya, may isang bagay na nakapukaw ng atensyon ko.
Agad ko naman 'yun nilapitan.
"Hvo's dher will die?" Pagbabasa ko sa sulat, hindi ko mabasa ng maayos dahil may mga nakatusok na dart doon, at mas kinilabutan pa yata ako nang may mga nakapalibot na dugo dito. Hindi ko na rin makita ang mukha ng nasa litrato, dahil napalibutan na ito na dugo.
BINABASA MO ANG
What if I die?
De TodoCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...