31

6.5K 130 26
                                    

Chapter 31: Visit

Ciara's pov

Ilang araw ang nagdaan at puro higa, kain, tulog lang ang ginagawa ko, hindi pa rin naman ako binibisita ni Jennifer simula nang dalhin niya ako dito dahil busy rin siya sa business na pinapahawak sa kanya ng magulang niya ngayon. Sa ngayon ay wala akong ibang libangan kung hindi ang makipag-pikunan kay Axel sa chat na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan.

Speaking of him, here he is.

Axel Cipriano
Active now

Axel: Good morning.
Hindi manlang ako binati. Hindi mo ba ako nami-miss?

Oxygen: may dahilan ba para ma-miss kita, ha?

Axel: wala ba? idk.
I just know that you have a crush on me.

Oxygen: wow. grabe. wow. :)

Axel: stop saying wow, oxygen. you're not an ambulance.

Oxygen: ang kapal kapal mo talaga ng face mo, 'no? sino bang nanay mo? nakakahiya ka.

Axel: why do you want to know her?
handa ka na bang maging daughter-in-law niya?

Oxygen: hindi at wala akong balak.
aga-aga, sinisira mo agad ang araw ko.

Axel: too early, but you're not even greeting a good morning to me?
why don't you just say good morning, master, first hmm, oxygen?

Kita niyo 'yan? Ang kapal ng mukha 'no? Ang sarap i-block ulit.

Axel: hey, oxygen, i'm waiting.

Oxygen: pake ko.

Axel: what

Inis kong nilapag ang phone ko at tinapos ang pagsisintas sa sapatos ko, saka ako tumayo mula sa kama nang matapos. Agad naman na akong bumaba sa sala at nakasalubong ang mga kasambahay, pero kay Yaya Percy ako lumapit.

"Yaya percy, ayos lang po ba ang itsura ko?" Tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang kabuuan ko.

"Oo naman. Teka nga, dadalaw ka lang naman ngayon sa asawa mo, hindi ba? Bakit naman kailangan ay ayos na ayos ka?" Takhang tanong ni yaya, napangiti naman ako.

"I just want to look good and presentable sa harap niya yaya, kahit hindi niya ako makikita." Nakangiting paliwanag ko at isinuot na ang sling bag ko.

"O' siya, mag-iingat ka!" Paalala ni yaya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Axel: Tss, oxygen, one more seen, iisipin kong may pagtingin ka sakin.

Agad napaawang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang mensahe ng baliw na 'to.

Oxygen: Ano namang connect nang pagtingin sa pag-seen ko sayo?

Axel: dahil tinitignan mo lang ang message ko, sa sobrang pagtitig mo, nakakalimutan mo nang replyan ako.

Oxygen: Bilib rin naman ako sa imagination mo.

Axel: bakit? hindi ba?

Oxygen: Hindi, dahil nasusuya akong kausap ka.

Axel. Hahahaha  That's why you're still talking to me.

Saglit akong natigilan.

Oxygen: Wala naman akong choice kundi replyan ka, diba?!

Axel: You have a choice, oxygen. Pwede namang i-ignore mo na lang ang message ko, hindi ba?
Hahahaha! That only means na interesado ka sa akin, oxygen.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon