Chapter 41: Daddy
Ciara's pov
Ilang araw na ang lumipas at napapadalas na ang pag-init ng ulo ko, hindi ko alam kung bakit. Naiinis rin ako sa tuwing naamoy ko ang pabango ng asawa ko. Ewan ko ba, pero para sa akin ay ang baho niya kapag nag-papabango siya.
Pero ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko, hawak-hawak ko ang kutsilyo habang nakatutok sa kanya. Natutuwa akong nakikita siyang natatakot sa akin.
"Can you just tell me what you want? Stop pointing it to me," kunot noong reklamo niya dahilan para mas lalong mag-init ang dugo ko dahil narinig ko lang ang boses niya.
"Nagrereklamo ka?!"
"N-no, I was just telling you to put it down, wife, and tell me what you want me to buy.." mahinahong sagot niya, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Bilihan mo ako ng mangga," sambit ko nang bigla kong maramdaman ang sarili na nag c-crave ngayon sa maasim.
"Is that all?"
"Pero gusto ko 'yung walang buto, hilaw hah? Pero gusto ko matamis," pagpapaliwanag ko sa panlasa na gusto ng sikmura ko ngayon. Matapos kong sabihin 'yun ay halos magrambulan na ang dalawang kilay niya sa pagkakunot.
"What?! Is that even existing? Hilaw na manggang walang buto, tapos gusto mo matamis? Eh, hilaw nga?" Tumaas naman ang kilay ko dahil nagawa niya lang magreklamo. Anong magagawa ko, iyun ang hinahanap ng panlasa ko?!
"Hahanapan mo ako o hahanapan mo ako?!" Mas lalo kong itinutok ang kutsilyo sa kanya.
"Woah, woah! Alright, fine. I surrender, okay? Now put it down. I'll do my best to look for that.. weird thing. The fuck," bulong niya pa pero hindi ko naman marinig ang sinasabi niya.
"Bubulong bulong ka pa diyan, lumayas ka na. Huwag na huwag kang babalik dito hangga't wala kang nahahanap nun, okay?!" Inilapit ko sa kanya yung kutsilyo na hawak ko para mas lalo siyang sindakin, gusto ko namang matawa nang bahagya siyang mapalunok at sunod-sunod na napalunok.
"I will. I-I'll go now," saad niya at nagmadaling umalis. Ngingisi-ngisi naman akong mayabang na naglakad papunta sa sala at naupo sa may sofa para buksan ang tv.
Madali naman pala siyang kausapin, eh. Kailangan pa talagang magsindakan muna kami bago niya ako hanapan ng gusto ko.
Nasa ganoon akong sitwasyon, nililibang ang sarili ko sa panonood ng TV nang maramdaman kong kumalam na ang tiyan ko. Ilang minuto na ring siyang wala at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik. May balak pa ba siyang umuwi?
"Huwag niyang sabihin na hindi talaga siya uuwi kapag wala siyang nahanap na pinahahanap ko?" Hindi makapaniwalang singhal ko sa kawalan. Ang tanga naman no'n, syempre mas importante pa rin na nasa tabi ko siya kesa sa mangga, 'no!
Napasimangot na lang ako nang lingunin ko ang pinto pero walang pumapasok doon na gwapong lalaki na pinakasalan ko mga ilang buwan na ang nakalipas.
"Gutom na ako," hinimas ko ang tiyan ko at tumayo sa sofa para maglakad patungong kusina habang dala-dala ang unan. Naghanap naman ako ng makakain doon pero sa kahit anong pagkain na nandoon ay hindi papasa sa cravings ko ngayon.
Ang hirap naman magutom nang may favoritism ang sikmura.
Binuksan ko na lang ang transparent drawer at may nakita ako doong pasta para sa spaghetti. Kinuha ko naman agad 'yun dahil biglang nawala 'yung pag-crave ko sa mangga at napalitan ng pasta, pero napakamot ako sa ulo nang maalala kong hindi ko kabisado magluto ng spaghetti. Never pa akong nakapagluto ng ganito.
BINABASA MO ANG
What if I die?
RandomCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...