EPILOGUE: The End
9 months after...
"Yie, Ara! Ninang ako kapag nabinyagan na 'yang baby mo, ha?" Natutuwang sambit ni Jennifer, habang hinihimas himas ko ang tiyan ko.
"Asan na ba 'yung boyfriend mong si Altair? At saka 'yung dalawang mag-asawang abnormal?" Naiinip na tanong ko.
"Aba! Si Altair na sa mall, pinapahanap ko ng mga gamit na pang baby. 'Yung dalawang kumag, hindi ko alam," sagot niya, kumunot naman ang noo ko.
"BUNTIS KA?!" Nagugulat na tanong ko. Bakit naghahanap ng mga gamit for baby si Altair? Magiging ama na din ba siya?!
"Anong buntis? Syempre ireregalo ko 'yun sa mga anak niyo ni Raiza, 'no, Duh!" Saad niya at inirapan ako, naalala ko rin na nag-one year old na si baby Ivy.
"Nagugutom ako," pagrereklamo ko.
"Oh, eh, asan ba 'yang asawa mo?!" Tanong niya pa.
"Naglilinis ng kotse. Sandali nga! Naiihi ako!" Sambit ko at tatayo na sana ako nang-
"Omayghad! WAAAAH!! ARA! GAGO BAKIT DITO KA UMIHI?!" Natatarantang sambit ni Jennifer nang pati ako ay may maramdamang umagos mula sa pagitan ko. Bumaba naman ang tingin ko doon at napaawang ang labi ko nang may makitang umagos na tubig doon. Saglit na nangibot ang bibig ko at kasunod niyon ay ang pagkirot ng ibaba.
"A-ara.." nahihirapang sambit ko.
"Ano?! Ano?! Tangina, bakit kasi dito ka umihi?!"
"Manganganak na ako!!" Sigaw ko at malakas na napahiyaw nang maramdaman kong mas lalo pang sumakit iyun.
"OMAYGHAD! TYRON!!"
Jennifer's pov
"TYRON!!" Punyetang lalaki! Asan na ba 'yun?! Manganganak na si Ara!
"Hinga ka lang nang malalim, espren ha? Akong bahala sayo," pagpapakalma ko sa kanya kahit hindi ko alam kung naririnig pa ako nito dahil panay lang siya nang daing at hiyaw.
"Wha-"
"Punyeta ka! Saan ka ba nagsusuot?! 'Yung asawa mo manganganak na!!" Sigaw ko dito, nanlaki naman ang mata niya nang makita niya agad si Ara.
"Damn!" Mura nito at nagmadaling lumapit kay Ara, hindi na siya nagsalita pa at walang pasabing agad na binuhat ito at mabilis na itinakbo papasakay sa loob ng sasakyan na kalilinis niya lang.
Hindi ako mapakali kaya naman sumunod na ako sa kanila.
"Pakibukas ng pinto ng kotse, please!" Utos nito sa akin kaya dali-dali ko namang binuksan 'yung pinto para tuluyan niya nang maihiga si Ara na agad ko namang tinabihan si Ara para alalayan. Halos mabasag na rin ang eardrum ko sa sobrang lakas ng hiyaw nito pero hindi ko na 'yun pinansin dahil natataranta na rin ako nang dahil sa sobrang kaba dahil hindi ko alam ang gagawin, ponyeta!
Bakit naman kasi hindi agad nagsabi na manganganak na, eh!
Hindi ko alam na nakaalis na pala kami sa bahay at hindi ko alam kung paano kaming mabilis na nakarating sa hospital at agad na dinala si Ciara sa loob ng delivery room.
BINABASA MO ANG
What if I die?
RandomCOMPLETED Entering a one-sided love isn't easy, especially if the relationship you have is only for a business. "Why do you have to be alive?" My lips loosened up as I sensed the bitterness in his voice. It is as if he hates my existence so much th...