34

5.6K 125 27
                                    

Chapter 34: Otw to Airport

Ciara's pov

"My gosh Ara! Hanngang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na si Altair pala ang nagdadala sa'yo noon sa hospital. Thanks to him na lang, dahil nagawa mong maka-survive!" Natatawang saad nito, nang maka-uwi na kami ulit sa bahay.

Agad naman akong dumiretso sa kwarto ko, kasama si Jennifer, habang lumiko naman si Tyler para pumunta sa kwarto niya.

Kinakailangan na naming mag-impake. Ngayon na daw kasi talaga ang alis namin. Hihintayin na lang kami nila Raiza sa airport.

"Bakit niya kaya ginagawa 'yun?" Takhang tanong ko kay Jennifer.

"Hindi ka ba nakikinig, hindi ba sinabi na nga ni Altair. Kagustuhan 'yon ni Shaira. Nag t-trabaho daw kasi siya noon sa babaeng 'yon. Lagi siyang inuutusan na bantayan ka. Kaya ayan, lagi kang nakaka-survive." Sabi niya pa.

"Alam ko, narinig kong sinabi niya 'yon kanina. Ang ibig kong sabihin ay si Shaira. Bakit kailangan niyang gawin 'yon? Bakit kailangan pang pabantayan ako ng Shaira na 'yun? Eh, hindi ba nga, galit sila sa akin?" Naguguluhang tanong ko, napabuntong hininga naman ito at napaisip.

"Hindi ko rin gets ang babaeng 'yon, pero isa lang ang naiisip ko. Kaya ka niya siguro pinaba-bantayan kay kupido, kasi ayaw nilang mamatay ka sa kamay ni Tyron. Ang gusto nila, sa kamay ka nila mismo mamatay. Sa tingin ko, 'yun ang dahilan kung bakit niya sinisigurong ligtas ka pa rin," sagot nito, habang nag-iimpake ako.

Asan na kaya sila? Anong nangyari sa kanila? Wala na akong balita sa kanila, matapos nang nangyari.

Napalingon naman ako sa pintuan, nang bumukas ito at iniluwa nun si Tyler na dala-dala ang gamit niya, habang ngiting-ngiti na nakatingin sa phone niya.

"Hoy, anong ngini-ngiti ngiti mo diyan, ha?!" Kunot noong tanong ni Jennifer kay Tyler na agad namang itinago ang phone niya.

"Wala ka na do'n!" Pagsusungit nito at naupo sa kama ko.

"Pinagmamadali mo kaming mag-impake, ikaw nga, wala pang naiimpake na damit mo!" Nakasimangot na saad ni Tyler.

"Oo nga!" Pag sang-ayon ko.

"Excuse me, naka-impake na talaga mismo ang gamit ko, 'no!" Sambit nito at may kinuha sa damitan na maleta.

"Naalala ko kasi, may mga naiwan akong damit dito. Kaya ito na lang ang dadalhin ko," sabi nito.

"At ikaw Ara, bilisan mo na diyan, baka mahuli tayo," pagmamadali niya.

"Oo na!" Sagot ko at nagmadali na, pero hindi ko maiwasang isipin kung asan na sila Hannah.

"Asan na kaya 'yung magkapatid, 'no?" Wala sa wisyong tanong ko.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo. Alam mo ba, si Shaira, ayun wala na, dedo na. Hindi kinaya 'yung ginawa sa kanya ni Raiza, for sure galit na galit ang Hannahudas." Natatawang sabi nito .

"Teka, si Hannah? Asan siya? Buhay pa ba 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Ang pagkakaalam ko, sinugod rin siya sa hospital, tapos tumakas daw siya no'n, kahit hindi pa siya ganon kagaling. Alam niya sigurong makukulong siya, after niyang gumaling. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. Wala na akong balita, basta tumakas daw siya no'n," sagot nito. Napailing na lang ako. Panigurado hinahanap pa rin siya ng mga pulis ngayon, mas lalo niya lang pinakita na may sala siya, dahil sa ginawa niyang pag-takas.

"Ay nako, bilisan mo na kaya diyan, 'no? Alas dos ang flight natin, 1:07 na!" Pamamadali ni Jen.

"Bilis! Double time! Ikaw Tyler, tumayo ka na diyan!" Sigaw pa nito, habang pumapalakpak at lumabas na.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon