Kabanata 1

540 9 0
                                    

Chapter 1

Dreams

Tinanghal akong panalo ng gabing iyon, pero inaasahan kong siya ang magbibigay sa akin ng premyo at trophy pero nagkamali ako. Umalis si Dreau pagkatapos kong kumanta, pero navideohan daw ng mga tao ang naging reaksyon ni Dreau sa aking boses, at sabi sa akin ng kaibigan kong si Amanda, ay madami na ang views ng videong iyon.

Kinakabahan ako dahil alam kong sisikat ako dahil sa naging komento niya sa akin. Pero ang kinatatakot ko rin, ay paano ang mga bashers niya? Hindi ko na lang iyon pinansin. Malulusutan naman niya 'yon. At labas na ako doon. Hindi ba? Mang-aawit lang ako.

Maliit lang ang premyo, kumpara sa premyo ng singing contest sa TV. Kaya sa mga nagdaang araw, abala ako sa pag-audition. May iilang nakakilala sa akin dahil sa kumalat sa video, pero may iilan ding ayaw akong pansinin, dahil galing ako sa isang iskwater. Kung sana marunong rumespeto ang ibang tao sa mga taong nakakababa sakanila, hindi sana magulo ang mundo.

Hintayin ko na lang daw ang tawag ng staff kung sakaling sasalang na ako, pero sigurado si Amanda na pasok ako dahil sa boses ko na pang-tawag ng tanghalan umano.

"Kanina, hindi lang kita sinita pero bakit parang pre-occupied ka? Sino nanaman ba iniisip mo?" naka-cross arms si Amanda habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, I look at him too. Kung hindi lang sa boses niya na pinipilit lumiit, ay talagang pagkakamalan siyang babae. Magandang-bakla si Amanda, kaya hindi ako nagtataka kung bakit may mga nanliligaw sakanya. Ako? Maganda kaya ako?

"Iniisip ko lang kung makakapasok ako," palusot ko. Umirap siya.

"Bakla ka! Paano ka makakapasok kung tagumpay lang iniisip mo? Sabi ko sayo, isipin mo muna ang performance mo at kung paano mo liligawan ang mga hurado habang kumakanta ka, hindi 'yung tagumpay iniisip mo!" pangaral niya sa akin. Actually, hindi naman talaga 'yon ang iniisip ko.

I'm thinking about Dreau Mondelvalle. Ang hirap niya iwaglit sa isipan. Tama naman si Amanda, paano ako makakapasok kung ganito takbo ng isip ko?

Nakauwi kami sa bahay na iniisip ko pa rin ang posibilidad na baka magkita ulit kami pag sumikat ako dahil sa pagkanta. I open my facebook account at tsaka ko lang napansin na padami pala ng padami ang followers ko. At may fandom na din ako. Alanise Listeners. Kinilig ako dahil sa mga sinasabi nila. Pero hinahayaan ko lang, tsaka na ako sasakay sa social media pag nakapasok na ako sa Tawag ng Tanghalan.

Nakatulog ako ng maaga, kinaumagahan ay kailangan ko naman gawin ang mga routine ko. Naligo ako ng maaga para magpadyak, nagboundary ako sa may-ari ng padyak na kaibigan ko lang, at nakauwi naman ako ng agahan sa pamilya ko.

"Kumain ka na Diego, mag-aral kang mabuti. Okay?"

"Ate baon ko?" halakhak niya at yumakap sa akin, ang laki na niya, malaki pa siya sa mga kasing edad niya, mas lalo na sa akin.

"Binigyan na kita ha. Tipirin mo na muna 'yon Diego," nakakunot ang noo ko habang nakatingin sakanya. Tumawa siya at niyakap pa ako ng mahigpit. Napakalambing talaga ng batang ito.

"Biro lang naman ate e. Gusto ko sanang magtrabaho para makatulong sayo. Pwede po ba ?"

"Hindi na. Ang kailangan mong isipin ay kung paano ka makakapagtapos sa Grade 10. Tignan mo oh ang tangkad mo na kay Ate. Alalahanin mo nakataya sayo ang future mo. Okay? Okay?" at pinangigilan ko na ang pisngi niya. Ngumisi siya.

"Opo. Alis na po ako ate kong maganda. I love you," aniya bago tuluyang umalis.

Tinignan ko si Inay na nakitingin lang sa amin kanina. Lumapit ako at niyakap siya.

"Ang gwapo gwapo po ng anak niyo Inay, at sobrang ganda ko rin," tumawa ako kahit hindi siya sumagot. Nawala ang ngiti ko.

"Magpapagaling ka po Nay ha? Para pag nagbibiruan tayo, makakasabay ka na," sabi ko habang hinahaplos at pinipisil ang braso niya. Nakatingin lang siya sa akin. Ano kaya kung naiintindihan ni Nanay ang mga sinasabi ko? Ilang buwan na rin na ganito, nag-iipon ako para makabalik kami sa Ospital at para makapag simula na siya ng therapy. Kailangan ko ng malaking pera para doon. Kaya madalas napupunta sa ipon ang mga naipapanalo ko, buti na lang at may padyak na pupuwedeng pagkuhaan ng pangkain namin sa araw-araw.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon