Kabanata 14

122 8 2
                                    

REVENGE

Sa bawat hampas ng alon — ay s'ya ring malakas na dagundong ng puso ko, seryoso kong pinakatitigan ang bawat palo ng alon sa mga naglalakihang bato.

Banayad ang pagiging tahimik ng lugar, pero hindi ang isipan ko. Kahit kailan, hindi ito matatahimik.

Pinilig ko ang ulo matapos makarinig ng huni ng ibon, ang nakakulong ibon sa hawla ay pilit kumakawala. Tila bagong huli, at natatakot sa kung saan s'ya nakasilid.

Malamya akong ngumiti at nilapitan ang ibon sa hawla n'ya. Ramdam ko ang pagdampi ng buhok ko sa aking likod, humahampas ito dahil sa hangin dito sa  terrace. I am wearing all black two piece, nagpaplanong maligo sa lagoon, dito lang sa roofdeck nang suit na ito.

Pero dahil nadistract ako — sa biglang pagkakaisip ng kung anu-ano at sa ibong ito na nakakulong, naisipan ko na huwag munang abalahin ang sarili ko sa pag langoy.

"Kawawa ka naman," tinuran ko habang pinakatitigan ang ibon.

Tulad n'ya, nakakulong din ako.

Nakakulong ako— sa galit at muhi sa mga taong nang api samin. I am sad. Just like this bird.

Mag-isa rin ako— ang pagkakaiba lang, may uuwian pang gubat ang ibon na 'to. Ako wala na.

Binuksan ko ang munting pinto, at hinayaang makalabas ang ibon.

"Hala, putangina! Ba't mo pinatakas?!"

Nangiti ako dahil sa tarantang boses ni Rios, tumawa ako at umiling-iling.

"Ano ka ba naman Lyre!!"

Nanggagalaiti s'ya dahil sa ginawa ko. Nagkibit balikat ako ay dumiretsyo na sa lagoon. Aabalahin ang sarili ko roon.

"Dati 'yung aso, pinalaya mo— 'yung isda! Pati ba naman itong ibon? Fuck, Harmonia. How am I supposed to pet animals kung gan'yan ka!"

"Then don't pet. They don't need you to survive." Seryoso kong sabi at hinubad ang see-through, bago naglakad patungong lagoon.

Hindi mo kailangang bilhin ang kahit na sino para mabuhay ka.

I learned my lesson from the past. At lahat ng lessons na nakuha ko ro'n ay hindi ko kailanman kakalimutan.

Mga yabag ni Rios ang kasunod no'n, mayamaya pa ay inluwa na ang pinsan s'yang Khal. Seryoso s'ya habang nakatitig sa dako ko.

"What?"

"You need to see something."

Sa paraan nang pagkakasabi n'ya, mukhang seryoso iyon, pinakatitigan ko s'ya, bago inalsa ang sarili paalis sa pool.

Kinuha ko ang see-through at mabilisang pumunta kasunod lamang s'ya. Narating namin ang sala, at naandon halos lahat ng mga kaibigan ko.

Rios is intently looking at me— mukhang hindi gusto ang nakikitang lapit ko kay Khal, or I am just being assuming?

Pero, tumayo s'ya at lumapit sa akin. Hinigit n'ya ako diretsyo sa isang kuwarto, tinulak n'ya ako papasok, bago sinabing magbihis ako.

Umiling-iling ako dahil sinara n'ya pa talaga ang pinto.

Waka na akong nagawa kun'di sundin ang pinapagawa n'ya.

Dumiretsyo ako sa shower at hinayaan ang sariling mabasa ng maligamgam na tubig.

Everytime I took bath, naaalala ko lahat.

Lahat ng nangyari, apat taon na ang lumipas. I was just seventeen when I lost my mother and brother. I am twenty one right now— at parang sariwa pa rin ang lahat.

Ultimo narinig ko na apilyedo n'ya ay naghahatid ng takot sa buo kong kalamnan. Ganoon ba s'ya kagalit sa amin? Sa akin?

"Iwasan mo na ang pag-alala sa kademonyohan n'ya Lyre. Get over it already." Bulong ko sa sarili, at minadali na ang pag-ligo. If I keep myself inside baka hindi na ako makalabas nang hindi umiiyak.

Kinuha ko ang maxidress at sinuot, wearing a crop top para sa pang itaas.

Tinignan ko ang sarili sa salamin, ang mahabang-mahaba kong buhok ay sumasabay na ngayon sa bawat kilos ko.

My thick brows together with my dark gray eyes, and thin pinkish lips— are my favorites.

Nakikita ng mata ang lahat ng mali.
Soon, bibig ko na ang kakanta para do'n.

Sinuklay ko ang buhok matapos iblower. Nilagyan ko ng kaonting pangpapula sa labi, para mas lalong ma-high light ang kulay nito.

Lumabas na rin ako after that quick bath.

Seryoso si Khal at Rios na nakatingin sa akin, parehong pareho na madilim ang bawat titig nila. Kung hindi lang siguro ako niligtas ni Rios nu'ng gabing 'yon hindi ko rin alam kung saan ako pupulutin.

"Have a seat," seryosong sabi ni Khal, tumango ako at mabilis na naupo sa sofa. He sipped on his glass bago ako tinignan ulit.

"Are you ready to start all your revenge?" It is Rios— pinapangunahan si Khal.

"What he meant by that is Dreau is launching his new music studio."

"Hmm?"

"Invited kami. Be there, it's a masquerade party. No one will notice you, ikaw pa rin naman magdedesisyon kung ayaw mo." Ngiti ni Khal bago tumayo.

"Just make sure before you talk with him, handa ka sa mga itatanong mo."

"Khal, Rios — you two, I owe you my life."

"But that doesn't mean na gagawin mo lahat ng gusto namin. No. Hindi." It's Rios

"You just need to survive okay Lyre? For yourself."

I need to survive for myself. Indeed, kailangan ko nga. Sarili ko na lang meron ako— wala ng iba.

The rest are just loyal. And i love them so much for staying.

Tama— finally i'll see him.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon