Kabanata 2

365 11 0
                                    

Chapter 2
Sleep

Tulad ng sabi niya, nakipagkita nga ako sa Sharing-La Hotel. Sobrang laki, hindi nababagay dito ang suot ko. Karamihan ng nasasalubong ko ay sobrang ganda ng damit, mararangya. Hindi tulad ko. Pero hindi naman pagandahan ng damit ang pinunta ko rito. Sabi niya 'be beautiful' daw, kaya I wore something neat and nice. Ito 'yung dress na sinuot ko na noon sa isang binyag.

"Saan po dito ang restaurant?" tanong ko sa receptionist. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Sino pong hinahanap nila?" tanong pa nito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero si Avil Santos ang hinahanap ko kaya sinabi ko ang pangalan niya.

"Si Sir Avil po ba talaga ?" sa boses pa lang ng Receptionist parang hindi na ito makapaniwala. Kaya umiling na lang ako at umalis sa harap ng babaeng 'yon.

Okay, I admit mukha akong basahan sa itsura ko. Mas lalo na't malaki at marangya ang Hotel na ito! Pero bakit ganun ang pakikitungo sa akin ng babaeng iyon? Judgemental!

Tumunog ang cellphone ko. Pinagtinginan agad ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko agad sa bulsa ko ang cellphone at sinagot ang tawag.

"This is-"

"Asan ba 'yang Avil Santos na 'yan?! Andito na ako sa Sharing-La Hotel! Asan ba siya?!!" sigaw ko sa cellphone, hindi na pinatapos ang sasabihin sana ng tumawag. And I know this is Avil Santos again.

"This is Dreau Mondelvalle. Where exactly are you? I'll go, find you,"

Natulala ako ng ilang saglit. Dreau Mondelvalle is in the line! What the fuck! Is this for real! God!

"Hey. Are you still there ?" his voice is kind of enchanting. God!

"Ahhm. Nasa ano ako..." iniikot ko ang paningin ko. Mukhang hallway ito. Nawala ata ang irita ko in a snap!

"Hallway," pagkasabi ko no'n ay napatay na ang linya. Pinagmasdan ko ang cellphone ko at ibinulsa na lang. Naupo ako sa malapit na couch at pinagmasdan ang mga dumadaan.

Few minutes ay wala pa din si Dreau Mondelvalle. Nahihiya na ako dito. Mayamaya pa ay may naupo na sa tabi ko.

Hinayaan ko lang 'yun kasi nakafacemask siya at shades.

"Lets go,"

"Ha?!" naharap ko ang lalaki dahil sa biglaan niyang pagsasalita.

He look at me. Kahit nakashades ay alam kong ako ang tinitignan niya.

"It's Dreau Mondelvalle," pagpapakilala niya, medyo bumubulong na. Napakurap kurap ako.

"I-ikaw si Dreau?" bulong ko din.

"Oo, now. Can we go?"

"Saan?" Tinignan kong mabuti ang itsura niya. He's wearing all black outfit. Nakatago ang mukha pero bakit ang lakas pa din ng dating?! Siguro dahil sa makisig niyang pangangatawan at tangkad o dahil na din siguro sa mabango niyang pabango.

"Let's just go," aniya at tumayo na. Nagsimula na siya palabas ng Hotel kaya ako napanganga saglit. Akala ko ba dito kami magkikita? Sa Resto ng Sharing-La? Bakit kami lalabas?

"Um, Sir. Akala ko po sa Resto tayo mag-uusap-"

"I cant sleep at Resto. So sa Condo tayo," he said without any emotion. Nanatili akong sa likod niya habang siya patuloy sa paglalakad. Anong ibig niyang sabihin?

A black Mercedes Benz stop in front of us. Tinignan ko muna si Dreau. He tilt his head kaya sumakay na ako sa backseat. Pagkapasok ko ay siyang pagpasok naman ni Dreau. He remove his shades and facemask, napasinghap ako ng ilang sandali. Shit! Ang lapit kaya niya!

"Avil. Sa Condo tayo," utos ni Dreau sa lalaking driver. Tinignan ko muna ang Driver at saka binalingan si Dreau. Tinignan niya ako saglit, bago umiwas ulit.

"Pero, bakit po sa Condo. Sir?" tanong ko kasi, akala ko ba pag uusapan namin 'yung tungkol sa boses ko?

"Eh hindi ako makakatulog doon," tanging sabi ni Dreau bago kami tuluyang tumulak. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. At naguguluhan din ako kung bakit sa Condo kami magmimeeting. Meeting nga ba?

Kinilabutan ako bigla, pero napailing din agad. Imposible!

Sa kakaisip ko ay hindi ko na napansin na tumigil na pala ang sasakyan. Hinila na ako palabas ni Dreau na nakadisguise na ulit. Medyo napapakurap-kurap ako kasi hawak niya palapulsuhan ko! Wala sa sarili akong nagpahila sa kanya.

"Shit. I need to sleep o mababaliw ako." mababa niyang sabi habang nasa elevator kami. Nakakunot ang noo kong nakatingin sakanya. He look at me, no, glared at me. Umiwas agad ako ng tingin. Ang pangit ata ng itsura ko, o naalibadbaran siya sa pagtitig ko.

Kinurot ko na lang daliri ko. Gosh. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Oh shit. Holy shit, pinagpapawisan ako. Natawag ko na ata lahat ng mura at santo.

"Lets go," hinila niya ako at nagpahila naman ako. Kahit ba saan siya pumunta ay susunod ako?! Paano kung rapist 'to? Handa ba akong magpagahasa at isuko si bataan? No! And why would I think that way? Really Alanise?

"Finally." aniya at mabilis na binuksan ang pinto gamit ang passcode, hindi ko matandaan 'yung numero. Dapat bang tandaan ko? Hmm. I should've!

"Come on." nakabusangot na siya habang pinagmamasdan akong nakatayo pa rin sa may pintuan para akong nagising dahil sa galit sa boses niya.

Humakbang na ako papasok. He bended in my side, napasinghap ako. Akala ko hahalikan niya ako sa pisngi, 'yun pala ay sasarhan niya ang pinto.

Napukpok ko na lang ng sariling kamao ang ulo ko. Assuming ka Alanise!

"Shit. I need to sleep." ayan nanaman tayo sa sleep niya. Hinila nanaman niya ako paupo sa sofa.

So? What's this? Agad?

Nang nakaupo na ako ay nahiga na siya, ang ulo niya nasa kandungan ko. Hindi ako...mapakali! Fuck. What's this?

"Sing." utos niya. Nakapikit na ang mga mata.

"Uh?" walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Just sing. Kada kantang kakantahin mo para sa akin. Katumbas ng 50 thousand pesos. Ah. No, 50 thousand dollars."

Laglag ang panga ko. Hindi nagpoproseso utak ko, hindi madigest ng utak at kalamnan ko ang mga sinasabi niya.

Isang kanta, may dollars na ako?! Gaano ba kaimportante...ang...

"Please sing Alanise, I need your voice, I need to sleep." sabi niya sa maliit na boses. Na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kantahan ko pa siya. Ako ba ang ibong adarna?

Pero kahit gulong-gulo ako, ay kumanta ako.

Wala pa sa chorus ang kanta ko ay narinig ko na ang maliit at mababa niyang hilik.

Nakatulog siya...

Inabutan ako ni Avil Santos ng tubig.

"That would be your work Alanise, to be his personal-walking-human sleeping pills,"

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon