Kabanata 17

119 3 2
                                    

Cooperate

Many won't understand why such things happens. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sampahan ng kaso si Dreau.

Siguro dahil sa lungkot na nararamdaman ko, sa galit, sa lahat. Nawalan ako ng kapatid dahil sa kanya. Hindi ko pupuwedeng isisi sa kanya ang pagkawala ng aking Ina sapagkat wala s'yang alam doon.

Kung iisipin ngang maigi may mabigat din kaming kasalanan kay Andrius, kasi pinatay ng sarili kong Ama ang ina n'ya, pero hindi naman ata sapat na dahilan 'yon para pahirapan n'ya kami ng kapatid ko.

Dreau is a nice man not until he did that to me. Sobra akong nanglulumo pero andito na rin kasi kami, hindi ko na pupuwedeng sabihin sa korte na "ayoko po pa lang ituloy". Hindi pupuwede 'yon.

Habang nagsisimula ang paghuhukom hindi pumapasok sa utak ko lahat nang sinasabi ng Judge, maging ang nangyayari sa loob ng silid na ito ay hindi ko rin gaanong napansin.

Ni-hindi ko magawang tignan si Dreau Mondelvalle doon sa gilid, ano ba ang ayos n'ya? Nakikita ko na lang sa gilid ng mga mata ko ang pahapyaw n'yang titig sa akin.

Kung iisiping mabuti- hindi na dapat n'ya ako tinitignan ng ganito.

MALAKI ANG KASALANAN KO SA KANYA.

Sasampahan ko s'ya ng kaso. Bakit ba may pakealam pa s'yang tignan ako?

"Are you okay?" Narinig kong bulong sa akin ni Khal. Napatingin ako sa kanya at namuo agad ang luha ko. May karapatan ba akong umiyak?

I am forcing myself to do such things.

I am forcing myself to get the justice. Oo nga naman Lyre, bakit pinipilit mo? Hindi ba dapat ay gawin mo talaga 'to para sa kapatid mo?

Isipin mong mabuti na namatay si Diego dahil sa utos ni Dreau. Ng MONDELVALLE na yan.

Pero hindi ko rin maialis sa isipan ko na.

Hindi talaga buo ang loob ko na gawin 'to.

"May susunod pang hearing, ipapanalo natin 'to."

Ani Abogado namin, hindi sapat ang ebidensya or ang paghingi ko ng simpatya para idikdik si Dreau. Maging ang narinig ko ng gabing 'yon; at baka raw gawa gawa ko lang, iyon naman ang sinasabi ng kabilang panig. Pero bakit may parte sa akin na sumasang-ayon na hindi makulong si Dreau?

Bakit hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala sa kanya?

Are you out of your mind Lyre?

"Uuwi na tayo matapos 'to,"

"Ikukulong ba si Dreau?"

Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon, nagtitigan si Khal at Rios, nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata ni Rios dahil sa biglaan kong tanong.

Shit ka Lyre, you really can't stop yourself to worry; especially pag si Dreau na ang pinag-uusapan? Damn my heart who still screams his name.

"Walang sapat na ebidensya para ipakulong ang tao, pero baka sa susunod na hearing; baka mag-stay na s'ya sa kulungan."

Si Khal ang sumagot sa tanong ko.

Naglakad si Rios at nagpaalam na mauuna na sa sasakyan.

Pinakatitigan ko ang likod n'ya habang naglalakad s'ya palayo.

"Alam mo Lyre kung gaano kahirap sa amin ni Rios ang magsampa ng kaso sa sarili naming pinsan, 'di ba?"

Napatingin ako kay Khal. His expression tells me na sobrang nadidisappoint s'ya sa ginagawa kong pagtatanong kanina.

"Ayaw naming kunsintihin si Dreau, wala rin naman s'yang sinasabi na hindi talaga s'ya, he just keep saying na wala s'yang alam. Pero sino bang kriminal ang umaamin? Gusto naming tulungan ka."

Tinanguan ko s'ya, nagsilbi na s'yang kuya sa akin kaya dapat makinig ako.

"Sana tulungan mo rin sarili mo, kasi hindi laro 'tong pagsasampa ng kaso. Alam kong bata ka pa para maexposed sa ganito. Pero sana makinig ka sakin, bilang kuya mo ha?"

Muli ay tumango ako.

"Huwag magpapatalo sa emosyon, ilulugmok ka n'yan sa mas masakit na sitwasyon."

He tapped my shoulder at naglakad na rin patungo sa kung saan.

Tama siya. Tama sila.

Susunod na sana ako sa kay Khal nang maramdaman ko ang malamig na palad na dumapo sa palapulsuhan ko.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Dreau, sa likod n'ya ang abogado at si Rafael with Nieves of course.

Tinignan ko si Dreau at pilit na nilayo ang braso ko sa kanya, binitawan n'ya rin agad 'yon.

"Lyre," his voice as calm like before. Walang pagbabago, kahit pagsasalita n'ya, labis na nakakahumaling.

"Usap muna kayo, dito lang kami." Ani Raf at hinawakan ang baywang ni Nieves at gumilid sila kasama ang abogado. Medyo malayo sa pandinig namin.

"Lyre, kilala mo naman siguro ako,"

He smiles sadly.

"May kasalanan ako, malaki kaya andito ako inaako ang lahat. Lyre, alam kong mahirap sayo na patawarin ako. Sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo."

Hindi ko alam kung saan galing ang luha ko, pero isa isa itong pumatak. Hinahayaan ko ang mga luha na angkinin ang pisngi ko.

"Sobrang nasaktan kita, sa lahat ng nangyari noon. Alam kong pinahirapan kita, naghirap ka, nabaon ka."

"Dreau, we don't need to talk like this. I need to go,"

Gusto kong iwasan ang ideya na mag-usap kami. Kasi ang harapin s'ya ay sobrang nagpapahina sa akin. Sobrang hindi ko kinakaya; tipong isang salita n'ya pa alam kong yayakapin ko lang siya. Alam ko sa sarili ko na sobrang nananabik ako sa mga yakap n'ya.

"Lyre, please," the way he begs me, nanglalambot ako. Hindi ko alam anong sasabihin ko, nakakapanghina ng loob, nakakawala sa ulirat.

Ganito ba kalala ang dulot n'ya sa akin? Ganito ba kalaki ang epekto n'ya sa akin?

"Hindi ko iuurong ang kaso Dreau," I said firmly, wala na yatang tatapang pa sa sinabi ko. Wala na yatang mas sasakit pa sa sinabi ko.

Pansin ko kung paano dumaan ang sakit sa mata n'ya, at kung paano namuo ang mga luha n'ya.

Tama lang ang ginagawa mo Lyre!

Ang galing no'n Lyre!

Huwag magpatalo sa emosyon 'di ba?

"I didn't care about the hate of other people, I only care about your feelings Lyre," he said seriously.

"Kaya kung gusto mo kong ipakulong, at doon ka sasaya, i'll cooperate,"

Halos manlumo ako sa sinabi n'ya.

Mas lalo lang bumuhos ang luha ko dahil doon.

Shit.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon