Kabanata 12

246 7 7
                                        

(after so many fucking years! HAHA)

Kabanata 12
Bayad


"What do you think you're doing?!" Tanong sa akin ni Manager Cynthia, pagkatapos kong sabihin na aatras na ako sa pinag-usapan namin.

"You can't just leave your contract!" Halata ang pagiging galit niya, nakataas na ang kilay niya at nakakuyom na ang kamay pero kalmadong nakaupo sa swivel chair niya.

While I am here standing at her front, giving her my decision; na aalis na ako.

"May pinag-usapan tayo Analise." Matiim niyang sabi, tila pinapaalala sa akin ang pinag-usapan namin tungkol sa sitwasyon ni Dreau.

"Opo, pero hindi ko na po talaga itutuloy. Isa pa po, kilalang kilala ni Dreau ang boses ko."

"Dreau knew," Ngumisi siya at tinignan akong maigi.

Kumunot ang noo ko, tila hindi maintindihan ang gusto niyang sabihin. Alam ni Dreau na ano?

"Ano po?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa posibleng isasagot niya, mas lalong lumapad ang ngisi ng Manager; it's the creepiest smile I ever saw.

Dreau Mondelvalle is probably taking his vacation. Naaalala ko pa 'yung gabi na nagmamakaawa siyang 'wag akong umalis. I even give him a hug kahit nasa harap kami no'n ni Gino at Diego.

But after that day, bigla na lang din siyang nawala; yes, shit happens sa maikling panahong iyon. Wala akong alam kung bakit hindi na siya nagparamdam, at wala akong balita kung nasaan siya, ang natatanggap ko lang ay ang pera na pumapasok sa ATM Card ko.

Alam kong galing kay Dreau iyon, alam kong buhay pa siya at pinapanindigan niya ang sinabing babayaran niya ako sa bawat pagkanta ko.

Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit siya naglaho; na para bang bula. After he begged me to stay, bakit siya ang umalis?

And yeah, Analise; this is reality. Ito ang realidad, hindi mo siya maaabot, at hindi rin lahat nang sasabihin niya ay totoo.

Maybe he begged for you to stay; but he ain't serious about that.

"Alam ni Dreau na ikaw ang kinukuha kong Ghost singer."

Sumikip ang dibdib ko dahil sa mabilis na pag-amin ng Manager.

Naalala ko agad ang sinabi ni Gino sa akin, na baka ginagamit lang ako ni Dreau.

Gusto kong umiyak ngayon din sa harap niya; sa sobrang sama ng loob ko. Pero kahit anong gawin ko; walang luha na tumutulo.

Maybe this is my fate too, ang gamitin lang ng isang Dreau Mondelvalle; tutal anak ako ng taong pumatay sa ina niya. Anak ako ng kriminal.

I deserve this fucking treatment. Hindi ko deserve na matratong tama; mahirap ako, walang ipagyayabang, iskwater, walang pinag-aralan, at anak pa ng isang kriminal.

"Gusto ni Dreau, pumayag siya na maging ghost singer ka ni Stella. For his career, for money Analise."

Lumunok ako, at nalasahan ko kaagad ang pait, maiiyak na ata ako sa puntong ito.

Gagamitin niya nga ako.

"At the moment, nasa bakasyon ang dalawa, nagpapakalat na rin ako ng pictures na nasa Palawan sila, para mas lalong sumikat ang tandem nila. At pagbalik; iaannounce na nila ang pagiging mag-on nila."

And this time, wala na atang sasakit pa sa naririnig ko.

Papalabasin na sila; o talagang sila na? Either way, sobrang sakit pa rin. I can feel the ache, kumikirot ang dibdib ko, naninikip.

Para saan ang mga trato niyang ganoon sa akin? Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya noon? Ang mga halik niya? Lahat ba 'yon kagaguhan lang? Hindi ba siya seryoso sa mga pinaramdam niya?

Is he really a human?

"Look, Analise Buena." Tumayo na si Cynthia Samaniego at hinarap ako, ngumiti siya at marahang hinaplos ang pisngi ko.

"Dreau just woke up from his sleep; mahabang tulog, and now he realized na hindi ka pala karapatdapat sa lahat ng magagandang bagay na ibinibigay niya. Your father killed his beloved mother. Simula nu'ng kinausap ko siya, naisip niya rin na tama ako, na hindi ka karapatdapat mahalin ng isang Mondelvalle. Because your father is murderer." And she slowly slap my cheek.

Tumulo na ang luha ko, hindi ko na iyon napigilan pa, bawat salita na binibitawan niya ay salitang tila kutsilyong tumutusok sa dibdib ko.

"And the best way para makabawi ka naman sa kasalanan ng iyong ama, ay ang buhay mo rin Analise. You need to give him yourself, your body, loyalty, and voice. Buhay ang kinuha ng ama mo, buhay na rin ang kapalit no'n."

I nearly passed out, matutumba yata ako dahil sa mga naririnig ko.

"Stella, is a perfect match to Dreau M. Parang anak ko na si Dreau at Stella, at alam kong mas magiging maganda ang buhay nila kung sila ang magkakatuluyan. You understand me?" Sabi niya sa mariing pananalita.

I can't help but nod.

Tama siya.

Ako ang magiging kabayaran sa kalapastangang ginawa ng aking ama. Ako ang magbabayad ng lahat. Ako. Walang iba.

"You don't try escaping Analise Harmonia Buena. Don't worry, kami pa rin ang magbabayad saiyo. Aalagaan pa rin natin ang pamilya mo." She smiled, at purong kaplastikan iyon.

"Have a seat, may pag-uusapan pa tayo, maliban sa pagkanta mo."

And now, I don't have an escape.

Tama.

Ako na lang ang magbabayad ng lahat.

Ako na lang.

A/N: SORRY FOR THEEEEE LOOOOOONGGGGGGGGGGGGGGG HIDING HAHAHAHA. HAPPY READING!

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon