Kabanata 6

304 10 1
                                    

Kabanata 6
Wrong

Tiningala ko ang kabuohan ng buong airport, NAIA terminal 3. Napakurap-kurap ako ng ilang sandali, dala ang isang bag at hila-hila ang isang maleta ay naglakad na ako papasok,  naghihintay daw sa akin ang secretary ni Dreau sa loob, kagabi pa nasa Hong Kong si Dreau para sa una niyang concert doon, lilipad patungong Singapore at iba-iba pang bansang hindi ko na nakabisa.

"Miss Alanise," Mr. Avil Santos in his whole black outfit glance the way, ngumiti ako sakanya, pinasadahan niya ng tingin ang itsura ko.

I'm wearing a simple white dress and a girly coat na kulay pink.

"Mr. Andrius Stefano wants to talk with you Ma'am," aniya, sobrang pormal.

Tumango ako at kinuha ang cellphone na inaabot niya, pinakatitigan ko ang screen, Dreau is laying at bed, looking at me intently, naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kahapon when he pulls me at nanatili akong nasa ibabaw niya noon. Damn that picture.

"Hmm? Bakit?" tanong ko tinitignan ang background niya, itim na bedsheet at mukhang mag-gagabi na, his face look sa weary, pero kita pa din ang kaguwapuhan niyang taglay kahit sa dilim, pansin ko rin na dim ang ilaw, siguro ang lamp shade lang niya ang bukas, he's about to sleep.

"Sing a song, I need sleep," his voice is so husky, kinikilabutan ako, kahit sa facetime lang kami nag-uusap.

Tumango ako, at nagsimula ng maglakad, pabulong lang akong kakanta, nakakahiya naman sa mga nakakarinig.

"It's your smile,
Your face, your lips,
That I miss,
Those sweet little eyes,
That stared at me,
And make me say,
I'm with you,
through all the way,
Cause it's you,
Who fills the emptiness in me,"

I look at his face, pumipikit na ang mga mata niya kaya tinapos ko na ang kanta. Huminga siya at bahagyang umawang ang bibig, napangiti ako at pinatay na ang face time.

" Sir," at iniabot ko na kay Avil ang iPhone niya.

"Kailan pa nagsimula yung sleeping disorder niya?" nacurious lang ako.

I suddenly want to know, kulang kasi ang information na narinig ko noong isang gabi, and he doesn't talk too much about it.

"Since his Mother died,"

Tumango-tango ako, mali mang maramdaman ang awa, ay naaawa pa rin ako para sakanya, ano kaya ang itsura ng batang Dreau M habang umiiyak? Parang pinipiga ang puso ko sa sariling naiisip.

"Hindi ba nahanap ang pumatay sa Mommy niya?" tanong ko na lang habang nililibot ang paningin sa paligid, maraming tao, maingay.

"Nakatakas e,"

"Pero may lead kayo?"

He stared at me blankly.

"Yeah,"

"Who?" I asked looking at the people around us.

"It's your–"


"Flight 1088 please proceed to the lobby."


"Flight na natin! Anyways, may sinabi ka di'ba? Ano 'yon?" ngumiti pa ako habang pinagmamasdan siyang medyo dumilim ang ekspresyon, nagtiim bagang siya, at umiling na lang. Hindi ko na lang din siya pinilit pa.

I nodded and step, first time ko itong sumakay sa eroplano.

And I'm going to see him after this!

Nakakaexcite!

Mabilis ang naging byahe namin, dahil na rin siguro sa nakatulog ako sa buong byahe na 'yon, naduduwal ako pagtaas pa lang ng eroplano sa ere, pero ng makinig ako sa kanta ni Dreau, ay nawala na ang pagkahilo ko't nakatulog na lang ako.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon