Kabanata 9
GhostForgive people if their apology is sincere. Pero paano ba magpapatawad pag buhay ang kinuha saiyo?
Tinignan ko si Dreau na abala sa gitara niya, galing dito sa sala ay makikita siya sa loob ng music room niya dahil salamin ang dibisyon ng dalawang silid. He look so serious on what he's doing, that's something I liked about his being, he's too passionate with everything he do.
Mapapatawad niya ba ang tatay ko dahil sa ginawa nito sakanya?
Nanggilid ang luha ko habang pinagmamasdan siyang nagsusulat sa maliit na notebook niya, gumagawa nanaman siguro ng kanta.
Puno ng instrumento ang buong music hall niya, obviously, hilig talaga niya ang music. He makes it his living, and for sure ginagawa niya ito para sa yumao niyang ina.
Napansin niya ang presensya ko kaya pinilit kong ngumiti at kawayan siya. He smiled too, tumayo at mabilis akong dinaluhan.
"Tara, may ipaparinig ako sa'yo," aniya at kinuha na mismo ang bag ko sa balikat at inilagay sa ibabaw ng sofa. Hinigit niya ako, nagpatiyaod naman ako.
Naupo ako sa sofang pang-isahan at tinignan siyang inaayos ang gitara niya.
"Gumawa ako ng kanta," ngumisi siya. "Be honor, ikaw ang unang taong makakarinig nito," he smirked and strum after a second.
"Sa bawat, ngiti mo,
Ako'y hindi nabibigo,
Sa bawat ngiti mo,
Ako'y napapasaiyo,
Dinggin mo o' giliw,
Ang tibok nitong puso,
Masdan mo o' giliw,
Ako'y iyong-iyo."Tumulo na ang kanina pang pinipigilan kong luha, parang gatilyo ang tinig niya sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan ako ay napahikbi na.
"What's wrong?" he asked laguidly, itinabi niya ang gitara at agarang lumapit sa akin. Kita ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Wala, wala, nakaka-touch kasi kanta mo," sabi ko na lang, para ibsan na rin ang pag-aalala sa mukha niya.
"Talaga? Are you really okay?"
Tumango ako at hinawakan siya sa braso. The moment I touched him para nanaman akong hinihila na yakapin siya. Pero ayoko namang maramdaman niya na nasasaktan ako dahil sa mga nalaman ko.
"Puwede magrequest, as a fan, matagal ko ng gustong makipagduet sa'yo," tangi kong nasabi kasi iyon na lang siguro ang kaya kong gawin sa ngayon.
"Ngayon na?" tanong niya. Hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha.
"Oo naman, irerecord ko na rin," humagikhik ako, itinatago ang sakit sa puso.
Pagkatapos nito Dreau, ako na mismo ang lalayo, mababaliw ata ako pag pinagpatuloy ko ang pakikipagkita sa'yo. Hindi ko alam kung tama ang desisyon pero isa ang sigurado ako, mas masasaktan siya pag pinagpatuloy ko ang pagiging close sa kanya ng ganito.
Inilapag ko na ang cellphone ko sa mesa, makikita ang mukha namin sa video na ito.
"Anong kakantahin?" tanong niya, nakatitig na sa camera.
"Rewrite the Stars nila
Zac Efron at Zendaya,"Tumango siya, ngumisi.
"Let's start then," at nagsimula na siya sa pag-strum ng guitar.Nagbuga ako ng hangin at pinagmasdan siya.
"You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
You claim it's not in the cards
Fate is pulling you miles away
And out of reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That you're my destiny?" he started, nanggigilid na naman mga luha ko, tumulo agad galing sa left eye, again ko 'yung pinalis, habang hindi niya pa napapansin.