Kabanata 16

129 4 1
                                        

DANGER

I was so devastated, kahit naman anong gawin kong pagpapaliwanag kay Rios eh hindi n'ya ako maiintindihan.

He didn't know the feeling of being betrayed by the one you really loved, and adore for so long.

Hawak ko ang kakarampot na hiya bago itinulak ang pinto ng kuwarto ni Rios, kahit naman nagkaroon kami ng sagutan, e kaibigan ko pa rin siya at kailangan niya ng paliwanag.

"Please,"

"Just go Analise,"

Halos ilang araw na niya akong iniignora. Kung hindi lang ako abala sa pag-pipaint baka hindi ko siya tinigilan sa kakakulit.

"Rios,"

I am trying to cope up sa mga shits niya. Pero alam kong nag-tiyaga rin siyang i-cope up ang mga shits ko dati.
Maybe he got tired of pleasing me, sabagay sino nga ba ako para alagaan niya pa?

Eh kahit simpleng pagsampa ng kaso e hindi ko magawa.

And God, how am I supposed to do that kung alam ko  sa sarili ko na mahal ko pa rin si Dreau?

Abala ako sa panunuod ng live stream sa laptop. Tumatawa ako sa boses ng ML player, pero hindi ko rin maiwasan na hindi isipin na nasa kabilang kuwarto lang si Rios at hindi pa kumakain.

Bumangon ako para ipaghanda siya ng makakain, pero bago pa matapos ang niluluto ko ay may nagdoor bell.

Pinatay ko muna ang stove at dumiretsyo sa pinto.

I saw Dreau, sa gulat ko ay halos isara ko ang pinto, pero napigilan niya iyon, dahilan para maipit ang daliri niya at dumugo.

"Shit," mahina kong mura at binuksan ang pinto, I saw how he glanced at me at kung paano niya rin sipsipin ang dugong lumabas sa sugat niya.

Too illegal huh.

"C-come, gagamutin ko."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, tumalikod na ako kaagad at nagtungo sa isang silid.

Andoon ang mga canvas ko, painting room ko ito at andito rin ang office ni Rios.

Kinuha ko ang first aid kit at binalikan si Dreau na abala na sa pag lilipat ng channel  sa TV. Feel at home huh?

Hindi ko na lang sinita, naupo ako sa tabi niya at inilapag ang dalang kit.

Iniabot niya sa akin ang kamay at ginamot ko na 'yon. Walang nagsasalita, palakasan lang ata kami ng hininga.

Panay bugtong hininga siya and so I am. Ano bang dapat kong sabihin, wala naman?

Sa totoo lang kabado ako, iyon ang hindi ko kailanman maitatanggi. Iba ang dating sa akin ni Dreau, gusto kong isipin ulit ang mga araw at gabi na nagdurusa ako, pero knowing na nasaktan siya ngayon, at may sugat siya. Para akong nanghihina.

I was a sinner. Yes I am, kasi bakit hindi ko magawan ng paraan na mapakulong ang gagong 'to?

And fuck. LOOK WHAT I AM DOING RIGHT NOW?

Ginagamot ko pa siya?

"Analise—"

"Don't say anything Dreau, ginagawa ko 'to kasi nasugatan kita. Can you leave the house after?"

Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos no'n.

Huli kong inilagay ay ang band aid.

Sinara ko ang kit at itinabi, sa gilid ko lang.

Pinatay ni Dreau ang TV at hinarap ako, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kalapit.

I never checked him way back, kasi sa takot ko. But seeing him this near, ang laki nang pinagbago niya.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon