Kabanata 5

359 9 1
                                        

Kabanata 5
Record

Peace, a peace of mind is important for the people who experience depression.

Habang niyayakap ko si Tatay, ay kinakanta ko ang kantang hilig niyang kantahin sa akin noon. Hindi ko pinapakita ang luha ko kahit namamalat ang boses ko.

My father is a good father, iniwan niya man kami, alam kong mahal niya kami. Dala na rin siguro ng takot niya noon kaya iniwanan niya kami.

Pero bakit hindi nagbago ang tingin ko sakanya, kahit ngayong nalaman ko na may pinatay siya. He's still my father. But he need to pay for what he did. Kailangan niyang panagutan iyon.

"Tay," kumawala ako sa pagkakayakap.

"Tay, pwede ka namang sumuko, alam kong matagal na panahon na 'yon. Pero dapat mong pagbayaran ang—"

"Hindi!" muli ay hinawi niya ang kamay ko.
"Papatayin nila ako! Hindi," takot na takot siya habang naglalakad paatras, gusto kong maiyak dahil sa awa na nararamdaman para sa sariling ama. Pero, kailangan niyang pagbayaran 'yon. He need the peace of mind, at ito ang paraan para matahimik ang konsensya niya, ang sumuko. At hindi pa naman huli ang lahat. Alam kong may mabigat siyang dahilan, pero kailanman hindi naging tama ang pagpatay.

"Tay," pagmamakaawa ko.

"Kung ayaw mo ako dito Alanise, sabihin mo na lang, hindi 'yung ganito! Parang gusto mo na akong mamatay ah!" ang kulubot sa noo niya ay mas nadepina lamang. Hindi naman ganoon ang gusto kong mangyari.

Humikbi ako ng mahina at umiling.

"Iniisip ko lang kasi ang makakabuti—"

"Ang makakabuti sa akin ay ang lumayo!" aniya, at humuling sulyap sa babaeng nasa likod ko, ang aking ina, ang asawa niya.

Umiling si Tatay, naiiyak. Pero umalis pa rin, iniwan nanaman kami. Hindi ko na siya napigilan dahil sa panghihina sa mga nalaman.

Hindi kaagad ako nakabawi, kaya nang maramdaman ko ang kamay ni Nanay sa palapulsuhan ko ay humarap na ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit.

He want to run away. Again. Hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan.

My life isn't normal,  noong bata pa lang ako alam ko na, na hindi normal ang buhay ko. Pinagtabuyan si Nanay ng mga magulang niya, ng hindi niya natapos ang pag-aaral niya at nabuntis ng maaga sa akin.  Naghirap sila, my father work so hard for us, pero sakitin ako, at hindi nila alam kung sa'n kukuha ng ipang-gagamot sa akin.

Now, this explains everything.

My father killed someone, para sa akin. Kaya bihira na siyang umuwi noon, kaya simula nung nagkasakit din si Nanay ay nawala siya. Nagtatago. Para sa kaligtasan niya. May buhay siyang kinuha at hindi niya alam gagawin niya.

I was so pre-occupied by what happened a while ago. Kinailangan kong umalis ng bahay at libangin ang sarili ko. Ang pagpapadyak ang naisipan kong gawin.

"Alanise,"

"Alanise, sa bayan lang,"

"Alanise!"

Napatalon ako saglit dahil sa gulat, nilingon ko ang taong nasa loob ng padyak ko. Namilog ang mata ko at nagwala na naman ang kung ano sa tiyan ko.

"Sir Dreau!"

Suplado niya akong tinignan.

"Hindi ba, malaki na ang sinasahod mo sa pagkanta? Bakit nagpapadyak ka pa rin? Kinukulangan ka ba sa sahod mo?" nagsalubong pa ang makakapal niyang kilay, nakakatuwa siyang tignan kaya pinagtawanan ko siya, mas lalo lang sumuplado ang itsura niya. At some point kahit gaano kabigat iniisip ko nagagawa niya akong patawanin agad ng ganito. His presence screaming of peace. And I don't know why.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon