Kabanata 18

181 8 2
                                    

this chapter is dedicated to: Dhalaries alxxithymiq_ chevellruscitti ddarqwinchester MidnightEccentric vhanxxzz thank you!

Please

I am terrible?

Pilit kong kinukurot ang sariling kamay para gisingin ang sarili na huwag nang isipin pa ang usapang kanina pa kinakain ang aking buong sistema. He just said that to make you feel sad, stop making yourself assumed over something petty Lyre Harmonia Buena.

"Upon checking to the witnesses whereabouts, mukhang malabo talaga na ipanalo natin 'yung kaso, hindi na mahanap, o kung meron man narinig lang ang putok ng baril at iyakan wala ng iba," it's Khal na nasa front seat, nasa likod ako at si Rios ang nagdadrive.

"Hindi ba pupuwede na si Lyre na lang din ang witness?" Rios asked his cousin. Khal then shrugged.

"If Lyre wanted to be a witness, mas malaki ang tyansa na ipanalo ang kaso,"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, totoo din naman 'yon. Pag ako ang magiging witness, malaki ang tyansa na manalo kami kasi ako ang pinakamay alam at ako ang kasama ni Diego.

"Lyre, wiwitness ka?"

Nakarating na kami sa condo pero hindi ko pa rin masagot ang tanong ni Rios, lagi na lang akong nababakante pag pinag-uusapan si Dreau. Pakiramdam ko, hindi ko talaga kayang idikdik su Dreau sa isang bagay na alam kong ikakasakit namin pareho.

Nagkulong ako sa kuwarto, at hindi na rin nakakain — nawawalan ng gana sa lahat. Tumunog ang cellphone ko, at message iyon galing sa isang studio; matagal na akong kinukulit ng mga 'to na bumalik na sa pagkanta pero hindi ko na kasi kayang humawak ng mikropono o ng kahit anong instrumento.

Pero— dahil sa mga nangyayare, parang gusto ko na muna i-divert ang atensyon ko sa iba. Sa mga bagay na alam kong kahit papaano makakalimutan ko s'ya o ang bangungot na nangyari sa akin noon. Pero, paano? Kung alam ko sa sarili ko na bawat buka ng bibig ko para kumanta at sa bawat kalabit ko sa gitara, naaalala ko s'ya?

Naaalala ko 'yung mga araw na sobrang saya ko, everytime na napapatulog ko s'ya gamit ang aking musika. Pero dahil din doon; nawalan ako ng pamilya.

"Lyre,"

Rinig ko ang pagkatok ni Rios sa pinto, bumangon ako sa kama at pinihit ang doornob. He stare at me at 'saka ipinakita ang isang gitara.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko, ngumiti s'ya at inilahad ulit ang bagay na hawak n'ya.

"May mga nangyayari na hindi natin kontrolado, pero huwag mong tatalikuran ang isang bagay na pinakamamahal mo,"

"Alam kong nasasaktan ka, pero anong masama kung kumanta ka ulit? This time, it will be worth it,"

Namuo ang luha ko at bigla s'yang niyakap, naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

"Cry baby," he said.

Kahit nang-aasar, umiyak pa rin ako sa dibdib n'ya. Sa takot ko sa mga bagay-bagay, nakalimutan ko na kung bakit at sa paanong paraan ako nabuhay noon, dahil iyon sa pagkanta ko. Kung may isang dahilan para talikuran ko ito, maraming dahilan naman para yakapin ko ito nang paulit-ulit; iyon ay ang mga simpleng ala-ala na minsan ko ring ikinasaya.

Pasado alas-diyes na nu'ng inaya ko si Rios na uminom kami sa sala. Nag gigitara ako at nakangiti s'yang nakamasid sa akin. Siguro natutuwa s'ya dahil kumakanta na ako ulit.

"You know what, when Cairo died; sobra akong nasaktan,"

Nagsimula nang magkuwento si Rios.
"He is my best friend, pinsan din namin nila Khal. Ang bait no'n, I realized that time; na may mga nawawalang tao para marealized natin kung ano ang silbi natin sa mundo,"

Itinigil ko ang pag-gigitara at pinakinggan s'ya.

Tumatango ako sa bawat kuwento n'ya.

"Before he died, I didn't know my worth. Alam nilang lahat 'yon, ako ang pinakagago sa amin nila Cairo, s'ya? Siya lang umintindi sa akin noon, I relayed too much, half of my life nakadepende sa kanya. Kaya nu'ng namatay s'ya, hindi ko alam paano magsisimula,"

"I am busy drowning myself to the things na alam kong ikakagalit ni Cairo, nagdrugs ako, paiba't-iba ng babae. But when we met, I realized hindi lang ako ang may mabigat na problema dito sa mundo; maybe Cairo gave you to me, para marealized ko na hindi patapon ang buhay ko, na I am more than that."

"Alam kong nahihirapan ka Harmonia, alam ko."

Hindi ako makasagot. Walang lumalabas ni-pagtutol galing sa bibig ko. Wala akong masabi, siguro dahil totoo, and I won't heal. I can't.

"Pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo," umusog s'ya sa dako ko, ang takas na buhok ay isinilid n'ya sa likod ng tenga ko. "..whatever your choice is, I'll stand by your side, you have me."

My eyes watered, and that makes him grin more. I really am so contented having him with me. Rios, is one of a kind.

Ginulo n'ya ang buhok ko.

"So please live,"

"Live, 'til you can,"

"Fate can make us vulnerable; we may hate how He gave us problems, but see the bright side Lyre, may mga bagay na ipinararanas sa atin para may matutunan tayo,"

"We get drown over the pain they caused us, but it's a blessing in disguise,"

"We may be hurt now, but we'll know the lesson afterwards,"

Sa lahat nang sinabi n'ya, iyak ko lang ata ang naisagot ko. Mahigpit na mahigpit ang yakap na iginanti ko sa kanya. I'm so lucky, having someone with me. Having Rios with me; all throughout.

"Its not just your season eh, it's still rainy pero pinapayungan naman kita 'di ba?"

Tumango-tango ako, pilit ibinuka ang bibig at umiyak sa kanyang dibdib.

"Thank you,"

"Anong thank you, wala ng libre,"

"Ha? Ano?"

Tumawa s'ya at linayo ako ng kaonti bago hinawakan ang magkabilaan kong pisngi, he kissed my forehead.

"Piliin mo lang lumaban, okay na ako. Please, fight.... for your rights and life."

Tumulo ang mga panibago kong luha at pilit tumango.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon