Kabanata 7
WorldNakapangalumbaba ako habang tinatanaw ang magandang street lights dito sa Singapore.
It's my third night here in the world tour, at hindi na kami kailanman nagkausap pa. Sabay kumakain, pero walang pinag-uusapan. Si Avil madalas ang kausap ko, mas lalo na pag nasa Mall na si Dreau at kumakanta, at minsan nasa van lang ako naghihintay sa pagdating niya. Pag naupo na siya sa tabi ko, ay kakantahan ko na siya. Sabi niya just do my work. And I did."What a beautiful scene," sabi ko habang pinagmamasdan ang sumasayaw na ilaw sa baba, ang galing din pumili ng suite ni Dreau.
"I want to talk to my Manager, alone," rinig kong sabi ni Dreau. Mukhang andito na siya galing sa isa pang concert. Naupo ako sa kama at nakiramdam.
Hindi naman ako pupuwedeng magpakita sa Manager niya, Dreau didn't trust people in showbiz. Sabi niya sa akin, lihim na daw niya talaga ang sakit niyang insomnia. So kailangan ko daw magtago.
Kung tungkol naman sa bodyguard ay wala naman akong masasabi, Dreau trust Avil, kaya alam kong trustworthy din ang mga tao nito.
"Stella, is very popular because of her vlog!" narinig ko ang pinaghalong tuwa at gigil sa boses ng Manager. I saw her once with Dreau, sopistikada at halatang mayaman, laging makapal ang make up at nakataas ang kilay.
"And so?"
"Gosh Dreau! You need to show your sympathy! Susi siya sa kasikatan mo! Maraming tao ang gusto kayong i-link kasi magkaibigan kayo noon, and Stella likes you,"
I sigh. Showbiz.
"Nagworld tour ako because my fans are everywhere. Kulang pa ba 'yon? Bakit kailangan ko pang makipag-team up kay Stella, and to tell you Manager, Stella didn't know how to sing, wala ding patutunguhan ang plano mo,"
"Pag nakahanap ako ng ghost singer, papayag ka na makipag-one kay Stella?"
Hindi kaagad sumagot si Dreau, nagdarasal ako na sana humindi siya, but when I heard him say 'fine', bumagsak na ang balikat ko.
Nahiga ako sa kama at pinikit ang mga mata. He's so far, to the point na alam ko lahat sa kanya, I'm with him. But no one knows my existence. Dinaig ko pa ang multo e.
Ang mga multo nagpaparamdam, ako hindi.
Come on Alanise, wala ka sa lugar para magtampo ng ganyan. Isa pa, wala kang karapatan, the way he called you 'his person' alam mo na agad na wala ka talagang halaga sakanya, you're just his human sleeping pills. Period.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya bahagya akong napalingon, I saw him darted his sight into me. Hindi siya ngumiti, lumapit lang siya, at nahiga sa tabi ko.
I didn't move an inch. Wala lang, I just want near him. Feeling his warmth, warm me as well.
"I'm sorry about what I said the last time," he said. Nagulat ako kaya nalingon ko siya, he's facing the ceiling, never looking at me.
"Ganyan ka ba mag-sorry? Nakatingin sa malayo? Paano ko makikita sincerity mo,"
Nagbuga siya ng hangin at gumalaw, nakahiga siya habang naka-side, nakaharap sa akin.
"Sorry," he said looking at me intently.
Kumalabog ang puso ko, I don't know why but the butterflies is flying, tumatama sa mga intestine ko, kinikiliti ang internal organ ko. Dim ang ilaw dito at tanging dagdag lang ay ang ilaw galing sa labas. Ang guwapo niyang mukha, ang malamlam niyang titig, ang mapupula niyang labi. I memorized all of it already.
"Tapos na concert ko kanina, I'm sorry hindi kita puwedeng isama," I really saw from his eyes the sincerity, and so in his voice. Alam kong iniisip niya mga bumabagabag sa akin, but he don't have to. I was well paid.