Kabanata 10
MissOne week.
Isang linggo akong walang communication kay Dreau. Ginawa ko lahat para hindi kami magkita, at salamat sa Manager niya, kaya mahirap akong matunton ni Dreau. Dreau's Manager is not trustworthy, I should have told Dreau about it. Pero paano? Alam niya ang lahat ng secreto ni Dreau, and that will make him lose his career, his passion and the only thing that's making him feel alive.
Hindi niya na rin alam kung sa'n nakatira ang Nanay at kapatid ko dahil pinalipat ko na sila, isang linggo na ang nakalipas. I know Dreau has connections and for sure mahahanap niya kami in No time. Pero sana ay hindi na rin siya gumawa pa ng paraan para hanapin kami.
Mas tama na siguro 'to, ang lumayo ako. As if naman mamimiss niya ako di'ba? He look down on me, iyon ang totoo, at kahit sabihin nating nag-improve naman ang samahan namin noon, ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanang...empleyado lang ako. And plus the fact that my father owes him a lot.
It hurts for me. Pero okay lang Alanise. Ayos lang...ang importante, okay siya.
Magiging okay ka rin Alanise, tiwala lang.
"Hindi mo naman kailangang magpaganda, dahil nakatago ka naman sa isang tabi. Pero kailangan mong alagaan ang boses mo." Cynthia Samaniego said, kumislap pa ang mata niya siguro dahil sa excitement.
"At para hindi makahalata ang mga tao kung bakit lagi ka naming kasama sa kahit anong lakad namin, gagawin kitang PA. Dagdag sahod mo pa iyon ah. Kaya mag-tino ka." sabi niya bago ibuka ang pamaypay niya at paypayan ang sarili.
"Bukas na magdedebut si Stella, at kung ang pinoproblema mo ay kung baka makita ka ni Dreau. Don't worry, hindi mangyayari 'yon." she smirked and leave me at this small cubicle.
Lagi akong nakastay rito sa maliit niyang silid, parang isang robot, na lalabas lang pag-kakausapin niya.
The cubicle is so dark. Tumulo ang luha ko. Hindi ko kailanman pinangarap na maging sunod-sunuran. Pero bakit ito ang nangyayari sa akin ngayon? Why am I even here? Gagawin ko na ba talaga ito?
Naupo ako sa upuan na para sa akin, I open my phone at pinakinggan ang kanta ni Dreau, ito na lang talaga ang nakakapag-alis ng stress ko at sakit. Boses niya lang. His voice is calming, malamig ito na para bang hinehele ka. If my voice makes him sleep, his voice calms me naman.
Naging abala si Manager Cynthia para sa debut ng alaga niyang si Stella na hindi ko pa kailanman na-meet, well I saw her at the video, pero iba pa rin naman 'yung makikilala mo siya personally.
I'm wearing simple jeans and loose shirt para sa araw na ito. Naeexcite dahil maririnig na ng sambayanang Pilipino ang boses ko, kahit ibang mukha ang makikita nila at hindi ang mukha ko, natutuwa pa rin ako.
Dumaan ako sa backdoor kasama ang isang body guard ni Manager Cynthia, iginiya ako ng Body guard sa silid ni Stella.
Unang pasada ko pa lang sa kuwarto ay alam ko na agad na hindi ito ang silid ni Stella. Madilim at maliit na lugar ito, may Mic sa harap at lyrics ng kanta, may headphones din at napapaligiran ng itim na kurtina.
Siguro pag naupo na ako sa upuang nakahanda ay hindi ako makikita ng sinoman.
Ilang segundo ko ring pinagmasdam ang uupuan ko nang dumating si Manager Cynthia.
"Better be good here Alanise," aniya, at nayakap pa ako siguro dahil sa sobrang tuwa. Bumitaw rin siya agad at lumayo na sa akin, nakangiti pa siya habang palayo. Nagbuga ako ng hangin at iniipit ang buhok pataas,
Sinarhan na ng body guard ang kurtina. Aniya'y sound proof ang maliit na lugar na kinalalagyan ko ngayon, everything is set up already, and I know my voice is connected to the speakers and Stella from the stage will be lipsyncing. The one who made this kind of trick is a genius.
At sabi rin na may lalabas na yellow light sa may Mic ko, pag mag-istart na , at may counting din iyon.