Kabanata 13

117 5 2
                                    

REGRETS

Fuck! Umalis ako sa loob ng kuwarto na 'yon. Hindi ko makayanan ang mga narinig ko. Mga nalaman ko.

Diretsyo akong pumasok sa comfort room. I even locked the door, para mapag-isa. Malakas ang hagulgol ko habang nakatingin sa sariling repleksyon ng aking mukha.

Ganito ata talaga ang pakiramdam pag nagtiwala ka at lahat 'yon nasira dahil lang sa isang bagay. Dahil sa isang bagay na parte ng nakaraan at mas malaking parte ng 'ngayon'.

This is how it feels. Mabigat sa dibdib. Masakit. Cliché, but yes, it hurts. Bigtime!

Pero ano nga bang magagawa ko? Kung ito ang tadhana naming dalawa? Noon pa man, sobrang layo ko na sakanya.

The very moment I enter his world is already the dumbest decision I made, pinagpatuloy ko pa; kaya anong nakuha ko? Wala. Basag na puso lang.

My phone rings, kinuha ko 'yon. Tumatawag si Diego. I answer it, at takot na boses niya agad ang bumungad sa akin.

"Ate, si Mama."

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay agad na akong lumabas ng comfort room. Mas lalo lang atang natriggered ang luha ko na magsituluan.

Diego told mo na nasa ospital sila. I hurriedly call a taxi. Mas mabilis kung gagasto ako papunta doon.

And after reaching the hospital, the Doctor told us about how critical our Mother's condition. Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit; why my Mom?

Bakit kailangang sabay-sabay? Bakit mga mahal ko pa sa buhay?

I hugged Diego after the Doctor gave us 3 months, tatlong buwan na lang daw ang natitira para makasama namin ang nanay namin. How cruel life is?

Halos hindi maubos ang luha ko, hindi ko matanggap na sa kabila ng pagtatiyaga ko; mauuwi lang din pala sa ganito. I prayed for my Mother's health; bakit hindi pa maibigay? I want her healthy, breathing and living. Bakit kabaliktaran ata ang ibinibigay?

Why everyone fucks my life? Why?

"Ate!" Umiiyak na sabi ni Diego, pero alam kong pinipilit niyang magpakatatag para sa aming dalawa. Kasi sa pagkakatong ito, hindi ko na alam gagawin ko.

I'm too preoccupied, ni-hindi ko napansin kaagad na halos isang araw na pala ang nakalipas, maghapon ata akong nakatunganga dito sa k'warto ni mama. Binabantayan bawat kilos niya.

"Ate kumain ka na muna." Diego offered a food, pero hinindian ko iyon.

Gusto kong malaman kung kumusta ang Nanay ko, kung ano na ang lagay n'ya ngayon. I wanted to carry all the pain and weigh she is carrying right now.

Gusto ko ako ang dadanas ng lahat, ako lang. Pupuwede ba Lord, na ako na lang ang pahirapan n'yo. Huwag na ang mga mahal ko sa buhay?

Halos ginawa ko ng bahay ang ospital. Hindi na ako nagpakita ulit sa mga taong walang ibang ginawa kun'di apihin ako. Hindi na rin ako ulit nagpakita pa kay Dreau.

But if he really wanted to see me, kaya n'yang gawin 'yon. Kaya n'ya akong puntahan dito. Pero hindi, I know he's guilty— sa mga nagawa n'ya sa akin. Pero hindi ko rin naman s'ya sisingilin sa mga 'yon.

I know where to place myself. May kasalanan ang ama ko sa kanya. And he knew that, dapat nga pinapatay na n'ya ako. Pero hindi— he chose to protect me.

Pero— para gamitin din pala ulit. For money, for fame.

Matapos ang ilang linggo na pag-istay ng Nanay ko sa ospital.

She died.

Pakiramdam ko wala na ring kuwenta kung mabubuhay ako.

Binuhos ko lahat ng oras at panahon ko para sa pamilya ko, para gumaling ang mama ko, pero bakit 'tila kulang?

Saan ako nagkamali? May nagawa ba akong kasalanan para maranasan ko 'to lahat?

May naagrabyado ba ako? Anong nagawa kong mali para danasin ko lahat ng 'to?

Kanina ko pa pinapalis ang luhang 'di mapigil sa pag-tulo. Sobrang sakit mawalan, sobrang hirap mawalan.

Hindi ko alam kung anong gagawin, nangangapa ako sa lahat. Ang hirap kumilos— ang hirap huminga.

"Ate," isang mahigpit na yakap ang natanggap ko galing kay Diego.

Kami na lang ang magkasangga sa mundong ito. Ang mundong, parang tinalikuran na rin ako.

"Ate, kumain na tayo."

Nailibing na si Nanay makalipas ang tatlong araw. Wala rin nagtangkang makilibing sa amin, sa 'di ko malamang dahilan.

Umiiyak si Diego habang kumakain — sa sitwasyon naming ito, kailangan kong magpakatatag.

"Diego, magiging matatag tayo okay? Tayo na lang ang magkasama. Tayo—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko. Nakita ko kung pano halos masira ang bintana at pinto dahil sa mga tama na naroon.

Hinigit ko ang kapatid, at agaran kaming tumakbo patungo sa likod.

"Ate," aniya nakahawak sa tagiliran n'ya. Hinawakan ko rin 'yon at dugo ang nakapa ko.

Bumuhos ang luha ko sa takot na nararamdaman pero kailangan naming umalis dito.

Iika-ika s'ya habang tumatakbo kami ng 'di ganoon kabilis. Kung saan saan kami lumusot pero ramdam ko na may nakasunod sa amin.

Isa pang putok ng baril at natumba na ang kapatid ko.

"Diego!" Sigaw ko habang pilit na itinatayo ang kapatid na nakahiga na ngayon sa lupa.

Rinig na rinig ko ang mga boses na papalapit.

Si Diego ay wala ng malay.

"DIEGO!!" Niyugyog ko s'ya, pilit hinihila pero wala s'yang malay at hindi na rin humihinga.

"Doon, sa parteng 'yon. Ani Mondelvalle, ipapatay na raw. Tapos itapon." Naghagikhikan sila. Tila tuwang tuwa pa sa kasalukuyang ginagawa nila.

Ayaw ko mang iwan ang kapatid ko, ay humugot ako ng lakas para tumakbo.

My tears blurred my sight— wala ng buhay si Diego.

Wala na akong pamilya.

Bago pa ako tuluyang bumagsak sa kalsada ay nakarinig ako ng isang malakas na preno.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, namamanhid ang buo kong katawan habang may kung sino ang kumakarga sa akin.

Hindi ko maaninag ang mukha.

Pero kung sino man s'ya.

Ipagpapasalamat ko ang pagligtas n'ya sa buhay ko.

Buhay na hindi malaman kung talaga bang  masaya o puro sakit at kalugmukan na lamang.

Sising-sisi ako dahil hinayaan kong papasukin sa buhay ko ang isang Dreau Mondelvalle na walang ibang ginawa kun'di gawing mas mahirap pa ang buhay ko.

A/N: Every day update ulit ang cessa n'yo. WHO'S STILL READING MY STORIES. KINDLY DM ME ILOVEYOU

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon