Kabanata 11

405 10 3
                                    

Kabanata 11
Forgive

"Lyre!" hinigit niya ang palapulsuhan ko nang nagtangka akong umalis sa harapan niya. Hinawi ko agad 'yon.

"Please," he begged once more.

"Look Dreau, ayoko na." sabi ko kahit walang pinanghuhugutan 'yon. How can I justify the words 'ayoko na' kung wala namang kami?

"Kung ang boses ko lang naman ang kailangan mo, I will record my voice thousand times, hayaan mo lang ako!" pahabol ko pa, totoong nagagalit na.

I want to push him away using my anger, kahit ang totoo ay siya 'tong dapat na magalit sa akin, sa ama ko.

I'm hiding the real reason why I'm leaving him, ayokong ipaalam sakanya kahit deserve niyang malaman ang katotohanan. I will buy time to tell him. Pag naayos na ang lahat ng gusot at nakulong na ang totoong may sala, ang mastermind, at pati na rin ang aking Ama. At ako na mismo ang magkukuwento kay Dreau.

Handa ako sa anumang panghuhusga niya pag dumating man ang araw na iyon. Handa ako sa galit niya. Handa ako sa lahat.

Pero...itong pinapakita niya ngayon sa akin. Parang...

"Look Lyre, hindi kita maintindihan. Why are you leaving me so sudden? Bakit? May nagawa ba akong mali? Why Lyre?" he asked, brushing his fingers to mine.

Gusto kong magmukhang galit at umarteng galit sa harapan niya. Pero tama nga, ano ba ang maibibigay kong dahilan? Ano ba ang dahilan ko? Magpapalusot ba ako? Anong sasabihin ko?

Na gusto ko lang na makalayo sakanya? Pag tinanong niyang 'bakit'? Ano ang maisasagot ko?

"I don't want to s-see you!" isinigaw ko ang buong pangungusap na 'yon para maintindihan niya.
"At walang rason, gusto ko lang. Gusto kong malayo sa'yo. I don't need you in my life!" Lies.

Nakita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya. Nagtiim bagang siya bago umiling, umangat ang gilid ng labi niya, tila natatawa kahit nagagalit.

"Is this about this incident years ago?"

Namilog ang mata ko sa tanong niya. Gustong-gusto ko nang kumawala sa pagkakahawak niya!

"Look at me Lyre, please." he begged so gently, malayo sa reaksyon na ipinakita niya kanina. Dahan-dahan ko siyang tinitigan. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata niya. Hinaplos niya ang pisngi ko, parang may kung anong sumabog sa loob-loob ko. May parte sa akin na gusto siyang paunlakan, pero may parte rin sa akin na tinutulak siya palayo.

Andrius Stefano Mondelvalle, doesn't deserve someone like Lyre Harmonia Buena.

"If I were you, lalayo ako sa anak ng taong pumatay sa magulang ko." I said fearing about his reaction pero hindi 'yon alintana sa boses ko.

"You're out of the picture Lyre." matiim niyang sabi.

I can't believe him!

"Ano?! Kakalimutan mo na lang ang nangyari sa Mommy mo? Kakalimutan mo na lang ang atraso ng pamilya ko...sa'yo!" I speak with full force of my vocal chords.

Nahilamos niya ang sariling mukha gamit ang mga palad niya. Nang matapos 'yon, ay tinignan niya ako, he's frustrated but so damn intimidating at the same time. Hindi maiwasan ng puso ko na huwag tumibok ng malakas.

Damn his looks and effect on me. Gusto kong isipin na pangit siya, na hindi ko siya dapat gustuhin, pero sobrang lambot ng puso ko pag si Dreau M na ang tumatakbo sa isip ko o ang nakikita ng mga mata ko.

"Hindi mo kasalan 'yon Lyre. Damn," narinig kong ibinulong niya ang mura na lumabas sa bibig niya.
"It's you f-father, who violated and killed my M-mom, its h-him, w-who..."

Kumunot ang noo ko. I saw him gasp for air, para bang hirap na hirap siya sa pagsasalita, he closed his eyes once, and opened it, nagulat ako, because he's so pale, kita ang takot sa mata niya.

"D-dreau!" kinakabahan na ako sa nakikitang reaksyon sakanya, in one second, napaupo na siya sa lupa. Agad ko siyang dinaluhan, sapo-sapo niya ang ulo niya habang tumutulo ang mga luha niya, he's not saying any words or snif, basta't lumuluha lang siya.

Kinakabahan ako, pero pinilit ko pa ring aluhin siya.

"Dreau! Dreau. Pl-please!" isinatinig ko na ang sigaw na kanina pa gustong kumawala.

Nagsisigaw ako ng tulong, dahil para na siyang hinang-hina, tulalang umiiyak at takot na takot.

Sa ikatlong sigaw ko ay lumabas na si Gino at si Diego, gusto kong tanungin kung bakit andito si Gino, pero mamaya na lang siguro.

"Ate!" ani Diego.

"Anong nangyayari dito? Sino siya?" tanong ni Gino pero agad pa ring umalalay.

"D-dreau," tangi kong nasabi.

Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi, basa ito dahil sa luha niya.

"Dreau. I'm h-here. Hindi kita iiwan. Pangako 'yan." pumiyok ako sa huling mga salitang nasabi, niyakap ko siya ng sobrang higpit, siniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko, humagulgol siya at ngayon lang nag-sink in sa utak ko, na hindi lang ako ang nahihirapan pati na rin siya.

Yumakap siya pabalik sa akin at rinig na rinig ko ang lumabas sa bibig niya.

"I want t-to kill the p-person who killed my Mother. Pero nang makilala kita, nakalimutan ko ang galit ko. Nawala ang lahat ng takot ko. It's just not your voice who calm me, it's you, yourself who melt my anger away. Sabi ko, w-wala na akong pakialam sa taong nagtulak sa akin sa kalungkutan, huwag na huwag ka lang mawawala sa akin. Lyre, you're the living hero for me. You're my hero. Thank you, for saving me." he then cupped my face.

Tumulo ang luha ko, natutuwa at natatakot na rin dahil sa sinasabi niya.

"Forgiveness is there, you don't need the apology literally, you just need someone, who will teach you to forgive and be happy." he said sincerely, before owning my lips.

He's right.

"Who is he?" mariing tanong ni Gino habang nakatitig kay Dreau. Dreau's on Diego's bed, sleeping so soundly. I feel relaxed now, na ngayon na okay na siya at hindi na umiiyak.

"He's my boss." sabi ko, kasi iyon naman talaga ang totoo.

"Your boss? At bakit ka hinalikan?" maintriga niyang tanong.

I look at him, umiling ako bago siya hinila palabas ng kuwarto.

"Look, Gino—"

''Huwag mo akong malook-look, Lyre! Nasa debut ako ni Stella noong isang araw. I heard your voice! Kumakanta ka sa likod ng stage para sa ibang tao?! Alam mo bang iisa lang ang Manager ng Dreau M na 'yan at ni Stella?! Paano kung ginagamit ka lang niyan? Paano kung inuuto ka lang para hindi ka umalis sa trabaho mong 'yan! Lyre! You're beautiful at may boses ka. Hindi pupuwede na—"

"Gino," I stopped him, using my calm voice. Walang patutunguhan ang isang pagtatalo kung parehong mainit ang ulo.

"Hindi alam ni Dreau na...ghost singer ako ni Stella." I speak calmly. "...and I don't want to tell him." sabi ko.

"Paano pag nalaman niya? Obviously na malalaman niya!" he said, bahagyang nagagalit na nanaman.

"Magreresign na ako, bukas." sabi ko, hindi na pinatagal pa ang pag-uusap namin ni Gino kasi tinawag na ako ni Diego.

Nagtungo ako agad kay Diego at sumunod sa kuwarto niya. I saw Dreau sitting like a mess at the bed. Ginulo niya ang buhok bago tumitig sa akin, he then stood up, bumaba siya sa kama and in one swift motion nasa harap ko na siya, he hugged me, sobrang higpit. Hinagkan niya ang buhok ko ng ilang ulit.

"Akala ko iniwan mo na ako ulit. I thought you left again. I love you." he said, seriously.

Yumakap ako pabalik sakanya, not minding the eyes of Diego who watched us closely.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon