Kabanata 8
ChooseBefore I don't think such emotion exist. I don't understand why I have to feel this way.
Right after the kiss he walked out like he didn't do anything. Ako naman, nakatulala lang sa repleksyon ko at hawak-hawak ang labi ko.
My heart beats stupidly at my chest. Ramdam ko ang kaba at excitement na pinaghalo. Kung siguro na-video-han ko ang nangyari minutes ago, baka paulit-ulit ko iyong piniplay, though hindi na kailangan 'yon, kasi paulit-ulit na nagpiplay sa utak ko ang move na ginawa niya kanina. That's my first kiss, and it was stolen. Hindi ito ang pinangarap kong first kiss, but honestly, my heart and body knew that I liked that kiss.
"Ano bang ginawa niya!" inis kong sabi but I can't help myself but to smile. Can you imagine that?! I look like a fool.
Nakauwi kami sa suite namin without talking about the 'kiss'. And guess what? Kaya niya pang kausapin ako casually! Jerk.
Alam ba niya na first kiss ko 'yon?! Sa malamang hindi. Hindi na rin sakanya bago ang humalik ng mga babae. He's Andrius Mondelvalle! At alam nating lahat kung gaano kalakas ang appeal ng mga Mondelvalle sa mga babae.
"I hate you!" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin, mamaya na ang flight namin pabalik sa bansa at hindi ko pa rin makalimutan ang halik na 'yon. And he moved on like nothing happened? Diretsyo niya akong tignan, habang ako hindi makatingin ng ayos. Nagagawa niya pa akong ngitian, while ako hindi na makahinga!
How is that possible?
Of course! Me as myself, mahirap talagang kalimutan 'yon! Damn it!
"O, Amanda, napatawag ka," sabi ko habang itinatapat sa katawan ang naka-hanger pang damit, at tinitignan sa salamin kung bumabagay ba. Bakit ba bigla akong worried sa itsura ko?
Ni-loud speaker ko pa ang cellphone to hear him clearly.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na next week na ulit ang final audition mo. Parang awa mo na magpakita ka na,"
I laughed. "Pauwi na ako, makakahabol pa naman ako. Anyways, kamusta si Inay?"
"She's doing good, at sabi nga pala ni Diego, nakita niya tatay ni'yo. Nakamasid sakanya, he got scared kaya tumakbo siya,"
Nakunot noo ko. Usually naman hindi tumatakbo si Diego palayo kay Tatay. May problema ba sa bahay?
"Don't worry, ako na mismo maghahanap kay Tatay pag-uwi ko,"
At 'yon nga ang ginawa ko, right after magland ng plane na sinasakyan namin ay didiretsyo na ako sa presinto to ask opinion from the professional.
Alam ko naman na serious crime ang ginawa ni Tatay, so it's better to ask the Detectives. At sila lang naman din ang dapat kong lapitan, kung hindi kaya ni Tatay na itama ang mali niya. Gagawin ko ito para sa kanya.
"Hatid na kita," finally Dreau asked me, pero ayoko namang isama siya sa pupuntahan ko. Labas siya sa problema ng pamilya ko. Pero dahil sa biglaan niyang alok, naalala ko nanaman kung paano kami naghalikan ng gabing iyon.
I smiled. Hindi pinahahalata ang naiisip. "Huwag na, personal e," tangi kong nasabi sakanya. I asked him a favor na iwan ko na lang muna mga luggage ko sa condo niya at dadaanan ko ito mamaya after ng lakad ko. He agreed, and we seperate our ways. Ipapahatid pa sana niya ako pero I insisted na huwag na lang. Isa pa, I don't want him getting involved.
Ng nasa prisinto na ako nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako. But then tinulak ko na ang sarili, kasi walang mangyayari kung nananatili akong takot.
Lumapit na ako agad sa kanila. At nakipag-usap tungkol sa concern ko.
"Mga 10 years na po 'yung crime na 'yon. Wala naman po ako masyadong lead about sa krimen pero—"