Simula

1K 17 2
                                    


Simula

"Isang sachet lang naman Aling Nene"

Pangungulit ko sa may ari ng tindahan di kalayuan sa bahay namin. Nangungutang ako ng isang sachet ng shampoo. Ayaw pa akong bigyan!

"Hay naku Alanise. Ang haba-haba na ng listahan mo dito. Naku, nalulugi na ang tindahan ko," ang kulubot sa mukha niya ay mas lalo lang nadidepina sa bawat salita niya. Ngumuso ako at pagkatapos ay ngumisi pa rin.

"May sasalihan po akong singing contest ngayon Aling Nene. Alam ninyo po ba kung ilan ang makukuha ko pag nanalo ako? Limang libo! At babayaran ko ang lahat ng utang ko sayo," ngumiti pa ako ng pagkalapad-lapad. I know she will believed me.

"Hay nakung bata ka talaga! Lagi kang may alibi. Oh siya! Anong shampoo ba? Pero sigurado ka bang babayaran mo ako?" Nanliit pa ang mga mata niya.

"I'm true to my words Aling Nene," ngisi ko.

"O sige na. Oo na. Naniniwala na. Anong shampoo?"

"Sunsilk po 'yung orange. Salamat Aling Nene." ngiti ko, tumango ang matanda at binigay sa akin ang Shampoo ko.

Nagpaalam na ako at naglakad na pabalik.

"Goodluck sa laban mo ngayon Alanise," ani isang tambay. Tumango ako sakanila. They really look into my contests. Kilala na ako sa baranggay na ito dahil doon.

"Gagalingan ko po. " Pinakita ko pa ang kamao ko sakanila. "Umuwi muna po kayo sainyo. Umagang-umaga. May alak agad," ngiti ko sakanila.

"Hay naku hija. Bakit kaya ang sarap pakinggan ng boses mo kahit nagsasalita ka lang," ngisi ng isa pang matanda. Tumayo siya at itinabi ang mga basyo ng alak. "Uuwi na kami. Mag-iingat ka." ani Matanda at kumaway. Kumaway din ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakangiti ako habang kumakaway sa mga batang chinicheer ang pangalan ko. Tumawa ako dahil sa kindat ni Biboy, isa sa paborito kong bata dito sa eskwater.

I am living in a place full of budge of poor people. Pero hindi 'yun kita sa mga ngisi nila. Ang pangunahing trabaho dito sa Ho Noria ay pangangalakal at pag-gagraba. Malapit sa sapa ang buong kabahayan at 'yon ang ikinabubuhay ang mga taga-dito. Pero hindi alintana dahil buo at masaya ang mga pamilya rito. That I somehow envied.

Isa ako sa nagtatiyaga sa pag-tatrabaho. I am studying Law. I want to be an Attorney someday. Pero paano 'yun? Isang taon na akong tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan. My Father, is nowhere to be found. Ang nanay ko naman ay baldado. Ako ang panganay sa aming magkapatid. At bilang panganay kailangan kong magsikap. Sabi nga nila hindi naman daw dapat Law ang pinupursue ko dahil mahirap lamang kami. I should be practical nga daw. But that's what my heart wants.

I stop attending school. Kahit gusto kong maging Abogado ay isinantabi ko muna. Kailangan namin ng pera sa pang-araw-araw. Sa umaga ay padyak ang kinaaabalahan ko. Sa gabi ay sa isang fast food chain at minsan ay rumaraket sa kakasali sa Singing Contest at minsan ay sa Kasal o patay. Hindi sapat ang nakukuha kong pera. 'Yun ang totoo. Wala naman talagang madali. Pero kailangan pa rin magpatuloy sa pagkayod kasi kung hindi saan na lamang kami pupulutin?

"Ma. Kakanta po ako sa singing contest. Finals na po ngayon Ma," ngiti ko at hinanap niya ang kamay ko at tumango-tango. Ngumisi ako at nagsimula nang kumanta.

Iingatan ka, aalagaan ka.
Sa puso ko ikaw ang pag-asa.
Sa 'ting mundo may gagabay sa'yo.
Alay kong ito'y pagmamahal ko.

May nagmamahal, aakay sa'yo.
Aking ina'y ikaw ang nagbigay ng buhay ko.
Buhay na kay ganda.
Pangarap ko na makamtan ko na.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon