Kabanata 3

362 12 1
                                        

Kabanata 3
Voice

Nakatulala lang ako kay Dreau Mondelvalle. He's asleep? Oh my god. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niya pa ang boses ko para makatulog siya.

Hirap ba siya sa pagtulog? May sakit ba siya? Ganun ba kaganda boses ko para ano, para makatulog siya? Ay hala siya. Ganun nga siguro.

Nagsalubong na kilay ko.

Ang labo.
Ko.
At syempre ni.
Dreau.

Bumangon ako at dahan dahang inilapag ang ulo niya sa sofa. Ang laki niyang tao, kaya pakiramdam ko mahuhulog siya sa sofa. He's very masculine. Napasinghap na lang ako. Tinignan ko siyang maigi and he's really in deep sleep.

"Ay butiki!" napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sinungaw ng pinto si Avil Santos. Hindi ako pwedeng magkamali, ito nga ang Avil Santos na nasa kotse kanina. After he told me about my job ay umalis din siya. At ngayon ay susungaw-sungaw ng ganito!

Tinignan niya lang ako pagkatapos ay ang amo naman niya.

"Mabuti at nakatulog na siya. Hirap siya sa pagtulog, madalas dalawang oras lang. May iniinom naman siyang gamot , pero..." pinutol niya ang pagsasalita at tinignan ako, kumunot ang noo niya. He look at me intently.
"You really look like a kid for me," umiling-iling siya. Ngumuso ako at hindi na lang sumagot.

"Ay Sir Avil. Parang naalala ko po 'yung pinag-usapan natin, over the phone. Sasali niyo po ako sa Recording Company—"
Itinaas niya ang daliri kaya natigil ako sa pagsasalita at demand. Bakit ba ayaw niya akong pakinggan? Nakalimutan ba niya 'yung alok niya? Nila?

"Eh Sir, kailangan ko talaga ng pera. Please po, ipasok niyo na po ako sa Compa—"

"Ssshhh!" iritado niya akong sinaway. I heard what Dreau told me, makakakuha ako ng 50 Thousand everytime na kakantahan ko siya. That makes sense pero at some point hindi, kasi paano kung bumalik na lahat sa normal at makakatulog na siya ng ayos? He'll throw me na lang? I need permanent work.

"Eh bakit andito ako? Hindi naman ako naniniwala na babayaran ako ni Dreau dahil sa isang kanta, este, 'di ko nga natapos ang kanta kasi humihilik na siya. Sabihin mo nga po sa akin. Ano ba trip niyo?" sunod sunod ang buga ko ng salita. I don't wanna act rude but this really does not make sense at all.

"Pumunta ako sa meeting place para i-grab 'yung opportunity to work under your Company, kasi ang kailangan ko po ay permanenteng trabaho, hindi ganito. Mawalang galang na pero bakit ganito ang trip ng mayayamang tulad ninyo?" Halos maiyak ako sa sama ng loob.

"Miss!" rinig ko ang pangamba sa boses niya. Bago pa siya magsalita ay tuluyan na akong lumabas ng Unit. Alam kong suntok sa buwan ang interaction na ganito with Dreau, pero kung inaaksaya nila ang oras ko it's not worth my time. May hinahabol akong oras. May sakit nanay ko, nag-aaral kapatid ko.

Shit. Nakakainis naman! Bakit ba nangyayari 'to sa akin?
Okay I admit, masaya ako kasi nagkita ulit kami ni Dreau, he's my crush kaya tuwang-tuwa ako. Pero, hindi ko naman matatanggap na tumunganga lang ako doon. I need to work.

Sayang ang oras ko!

Asar na asar akong umuwi. Nakasalubong ko si Gino, hindi ko na lang siya binati. Siguro nagtaka din 'yun kung bakit dinedma ko siya. Tss. Wala ako sa mood. Iritado ako!

"Ate Alanise!" narinig kong tawag ni Diego. Tumigil ako sa pagmamadali at hinarap ang kapatid ko, nakangiti sana ako noong una pero nung makita ko ang pasa sa gilid ng labi niya ay nag-init agad ang ulo ko.

"Anong nangyari dyan Diego?! Nakalimutan mo na ba ang bilin ko sa'yo na huwag na huwag kang makikipag-away!"

Nagkamot siya sa batok niya at alanganin ang ngiti niya.
"Eh ate. Sorry na talaga, binabastos kasi kanina si Jane kaya—"

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon