3rd Embrace

2.5K 97 0
                                    


NAGUGULUHAN man sa reaksyon ng babae ay maingat na pinangko ito ni Ark at idinala sa kwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Tatlong kwarto ang nasa ikalawang palapag. Memorize niya na ang bawat sulok ng bahay dahil nanatili siya rito nang habulin siya ng mga pulis. Walang tao kaya madali niyang napasok ang bahay.

He assumed that the girl is the owner of the house. Nakita niya rin ang ilang litrato ng babae sa isang kwarto na sigurado niyang pagma-may-ari nito. Doon niya dinala ang babae at maingat na inihiga ito sa kama.

He was about to leave and look for a rope or anything that can tie the girl when he remember her reaction when her back hit the wall.

She seems in pain. It's not his intention to push her hardly. Magsusumbong ito sa mga pulis na nakita niyang pagala-gala sa lugar kaya kailangan niyang pigilan ito. Kapag nahuli siya, mahihirapan na siyang makatakas. Panigurado ay babalik siya sa pinanggalingan niya at hindi na makakaalis doon kahit gustuhin niya pa.

With his curiosity, he gently turned Archilla around. Nakadapa na ito sa kama. His forehead creased when his gaze landed on the red stains on her white shirt. Hindi marami ang pulang mantsa sa likod nito kaya nasisigurado niyang hindi naman ito malala.

Kating-kati siyang malaman kung bakit may mga pulang mantsa sa likod nito. Tumingin siya sa mukha ni Archilla, pinatulog niya muna ito dahil sa hindi malamang kadahilanan, hindi niya gusto ang sakit na bumalatay sa mukha nito. It made his heart tightened, and it's creeping him. Nangilabot siya nang maramdaman iyon. Naiinis siya.

Huminga muna siya nang malalim bago hawakan ang laylayan ng damit nito. Panay ang buga niya ng hangin habang maingat na itinataas ang damit nito.

Nag-isang linya ang kilay niya nang makita ang lower back nitong namumula. May maliliit na linya na tila ba mga peklat at mayroong sa tingin niya ay bagong sugat palang. Dumako ang tingin niya sa tagiliran nitong natatakpan ng bandage.

Hindi na siya nakatiis. Maingat niya nang tinanggal ang damit nito.

"Shit..." nanghinang aniya nang makita ang likod ni Archilla. Puno ng bandages ang likod nito kaya isa-isa niyang tinanggal iyon.

Napamura nalang siya nang makita ang likod nito.  Her back is covered with wounds, some are deep and bleeding, some are not but still on the process of healing.

"What the fuck happened to you?" Nahahabag niyang sabi at tinitigan ang mukha ni Archilla. Payapa itong natutulog na para bang walang inindang sakit kanina.

Dumako naman ang tingin niya sa balikat nito. May bandage din iyon, at sa pagkaka-alala niya, hinawakan niya ang balikat nito. Natampal niya nalang ang noo at lumabas ng kwarto upang kunin ang first aid kit na ginamit rin niya nang daplisan siya ng bala ng baril.

Nang makuha ito ay agad siyang bumalik sa kwarto at umupo sa kama.
"I'll take this off," Bulong niya at tinanggal sa pagkaka-hook ang bra nito nang malinisan nang maayos ang mga sugat nito.

Bumuntong hininga siya at sinimulang linisin ang sugat ni Archilla.

Bayad nalang niya sa pagtago sa bahay nito at pagtulog sa malambot nitong kama.

PAGOD na sumalampak ng upo si Ark sa malambot na sofa matapos ayusin at linisin ang mga kalat na ginawa niya sa buong bahay.

He'll be staying at Archilla's house so he has to clean. Wala naman itong magiging choice kung hindi hayaan siyang manatili muna sa bahay nito. Isa pa, masyadong madami ang pagala-galang mga pulis. Hindi siya makaka-alis sa village hangga't may mga pulis pa.

"Masyadong malaki ang bahay na ito para sa isang tao," bulong niya. "I wonder who she is."

His face frown when his stomach grumbles. He haven't eaten since yesterday. Plano niya lang bumili ng makakain no'n pero nakilala siya ng pulis. He just want to eat, but look where his hunger lead him.

The Enemy's Embrace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon