7th Embrace

2.4K 91 16
                                    


"SHE'S pretty."

Matatalim ang mga matang tinignan ni Ark si Caspian nang makapasok ito ng kotse ni Archilla. Nakatingin ito sa labas at sinusundan nang tingin si Archilla na naglalakad papasok ng grocery.

"Look at those delectable as---"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Caspian dahil mabilis na diniin niya ang dulo ng hawak na baril sa likod nang ulo nito.

"Say it. Come on," aniya at dinutdot sa ulo ni Caspian ang baril. "Say it and I'll plant bullet in your head," madiin niyang sabi habang umiigting ang panga.

Nagdilim ang paningin niya nang makita kung paano hagurin ng tingin ni Caspian si Archilla. Nagpipigil lang siyang lumabas nang sasakyan para bigyan ito ng suntok. Hindi niya nagugustuhan ang paraan ng pagtitig nito sa babae. It shouts admiration and desire. Kung hindi lang niya inaalala ang sitwasyon ay talagang puputulan niya ng kamay si Caspian nang makipag-shake hands ito kay Archilla.

"W-what's your problem, man?!" Ani Caspian habang nakataas ang dalawang kamay.

Dinutdot niya muli ang dulo ng baril sa ulo nito. "Okay! Okay! Iyong-iyo na ang babaeng iyon!" Sigaw nito.

He heaved out a sigh and put down the gun. Mabilis na humarap naman sa kaniya si Caspian at tinignan siya ng masama. Tinaasan niya lang ito ng kilay.

"Oh!" Hinagis nito sa kaniya ang bag na naglalaman ng kaniyang mga gamit. "Sino ba ang babaeng iyon?" Tanong nito na tila naiinis.

"Archilla," sagot niya habang kinakalkal ang bag. Naglalaman lang ito ng mga damit niya at ilang pera na ka-kailanganin niya sa mga susunod pang araw. May ilang baril at kutsilyo na magagamit niya para protektahan ang sarili.

"Your woman?"

Umiling siya.

"Your whore?"

He glared at him. Akmang itataas niya ang kamay para tutukan ng baril si Caspian nang mabilis na nagtaas ito ng dalawang kamay.

"Man! Why are you like that?" Napapantastikuhan nitong sabi. Nagkibit balikat lang siya at inilapag ang bag sa pagitan nilang dalawa ni Caspian.

Even him, don't know what's happening. Nahihiwagaan narin siya sa sarili. Hindi niya narin maintindihan kung bakit nagagalit siya kay Caspian. Wala naman itong ginagawang masama. Wait. Caspian looked at Archilla with admiration! He shook her hand! And that, kagalit-galit iyon! Naniniwala siyang dapat siyang magalit!

Tama! Dapat siyang magalit!

Bakit nga ba dapat siyang magalit? Ah basta!

"Sa akin ka na kaya tumuloy?" Suhestyon ni Caspian ngunit mabilis na umiling si Ark. "Why?" Nagtatakang tanong ng kaibigan.

Nagkibit balikat siya. Stayin in Caspian's house means not seeing Archilla anymore. At isa pa, he wants to know Archilla more. Upon seeing her wounded back, there's something in him that wants to take care of her, that wants to protect her.

Seeing the pain imprinted on her face, makes him want to do anything just to not see it again.

Bakit nga ba ganito ang nararamdaman niyo? He, himself, doesn't know. He can't name what he feels. It's like, in the back of his mind he knows, but can't find the right word for it. Sa tingin niya'y hindi pa handa ang isip niya sa kung anong klaseng pakiramdam iyon. Hindi pa siya handang malaman.

"Pinaghahanap ka pa ng mga pulis. Bakit lumabas ka kaagad sa tinataguan mo? You're being careless, Ark," ani Caspian na wari'y naiinis.

He bit his lips. "Wala na akong masuot," aniya at tumingin sa labas habang tinatago ang hiyang nararamdaman.

The Enemy's Embrace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon