9th Embrace

2.2K 70 6
                                    


NAGISING si Archilla dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. She groaned. She's still sleepy but Mr. Sun doesn't want to cooperate.

"Wake up, Archilla," she heard Ark's voice.

Hindi niya ito pinansin. Tumalikod siya upang maiiwas ang mukha na nasisinagan ng araw. She still wants to sleep. Napagod siya dahil iba't-ibang emosyon ang naramdaman niya kagabi lang. She wants to rest, isa pa, napuyat siya dahil kay Ark. Nakakadrain kaya ng energy ang pag-iyak niya dahil dito.

Ngayong nag-sink na sa kaniya ang pagda-drama kagabi, bigla siyang nakaramdam ng hiya. Para pala siyang tanga. Bakit ba siya umiyak?

Geez, she wants to bury herself. Baka mamaya makahalata si Ark. Baka sabihin nito marupok siya.

"Archilla," Ark said in a soft voice. "Wake up. It's already 8 in the morning," sabi pa nito.

Umungol lang siya at dumapa. Dahil gising ang diwa niya, naramdaman niya ang paglubog ng ibang parte ng kama. Mukhang sumampa si Ark.

Hindi niya na sana papansinin pero nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa batok niya, bigla nanlaki ang mga mata niya kasabay nang pagtaas ng mga balahibo niya sa likod. Nanigas siya sa kinahihigaan at tila mas naging aware siya sa presensya ni Ark.

"Let's have breakfast na, Arch," bulong ni Ark at tila nang-aakit na hinipan ang likod ng tenga niya.

Napabalikwas siya nang bangon at malalaki ang mga mata na tinignan si Ark na nakangisi sa kaniya. "Don't do that again!" Singhal niya dito habang hawak ang tenga. Biglang nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa ginawa nito. Biglang nagising ang mga natutulog niyang nerves.

"Yeah, yeah," anito at umirap. "Come on." Umalis na ito sa pagkakasampa sa kama at tumayo.

She sighed. "Mauna ka na. Matutulog ako ulit," aniya at humiga ulit.

Hindi ba nakakaramdam si Ark? Hindi ba nito nararamdaman na ayaw niyang makaharap ito dahil naaalala niya ang mga kagagahan kagabi lang. Nahihiya siya. Hiyang-hiya siya. Kung pwede lang na ibaon sa kailaliman ng utak niya ang mga kaganapan kahapon ay ginawa niya na. Kaso paulit-ulit itong nagp-play sa isip niya na parang sirang plaka.

"Archilla," ani Ark na tila nagwa-warning na.

Hindi niya ito pinansin. Nanatili siyang nakatalikod dito. Umaasa siyang lalabas din si Ark ng kwarto niya kapag sumuko ito.

She heard him sighed. Lihim siyang napangiti dahil mukhang hindi na siya nito pipilitin pa. That's good! Mamaya na niya ito haharapin, kapag hindi na siya nahihiya.

Nagdidiwang na ang kalooban niya ngunit nang maramdaman ang paglubog muli ng kama, napabalikwas muli siya nang bangon at nilingon si Ark. Tama nga ang hinala niya, sumampa ito sa kama at ngayon ay nakaupo na.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi pa ako nagugutom," aniya at inirapan ito.

"Hindi ka kumain kagabi," anito at siya naman ang sinamaan ng tingin.

Tinaasan niya ito ng kilay. "How did you know?"

Mas lalong sumama ang tingin nito sa kaniya. "Hindi nagalaw ang pagkain sa lamesa." Naningkit ang mga mata ni Ark. "Madalas mo bang gawin iyon?" tanong nito na nakakunot ang noo.

Nag-iwas siya nang tingin at sumandal sa headboard ng kama. And Ark took her silence as a yes. Napa-tsk ito.

"Come on," anito sa malambing na boses. "Mukha ka nang tingting. Ang payat mo, wala kang shape, you look unhealthy, Archilla."

Nagpintig naman ang tenga niya at tinignan nang masama si Ark. He looks serious when he said that but she can see a glint of amusement in his eyes. Pinaglalaruan na naman siya nito.

The Enemy's Embrace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon