"IT was on the 19th century when my ancestor built an organization together with the other three. Matagal na, right? Back then, it was considered as the most powerful mafia organization in Europe. Ofcourse, it has four founding fathers. Felipe Reberre, Gustav Russo, Hector Greco, and lastly, Romano Roosevelt, which by the way, my ancestor. They built the organization to simply do illegal acts. Yes, noon, isa ang ancestor ko sa mga namamahala ng mafia organization sa Italy na gumagawa ng mga criminal acts and illegal transactions. Hindi lang basta kabilang, kundi ito ang pinaka-makapangyarihan out of all the organizations."Matamang nakikinig lang si Ark kay Vandall habang itinatalakay nito ang history ng organisasyon. Hindi naman iyon ang pakay niya, ngunit nang tanungin niya kung sino ang traydor sa organisasyon, bigla nalang itong nag-history lesson. Hindi niya nga alam kung anong connect ng sinasabi nito sa tanong niya.
"Ganoon ang naging kalakaran hanggang sa ipanganak ang great grandfather ko na si Darwin Roosevelt. He fell inlove to a girl who couldn't accept him because of the organization. So he did what he thought was the right thing to do." Vandall sighed. "Nang maipasa sa kaniya ang tungkulin bilang isa sa namamahala ng organisasyon, madali niyang kinumbinsi ang iba na itigil na ang mga illegal na gawain."
Ark rolled his eyes. Hindi talaga iyon ang gusto niyang marinig. Ngunit mabuti narin siguro na makinig nalang siya dahil mukhang feel na feel ni Vandall ang pagk-kwento.
"They all agreed. Kaya lahat ng illegal transactions ng organisasyon ay ipinahinto. It wasn't easy. Pero nagawa nila dahil sa kagustuhang lumagay sa tahimik. They part ways, gumawa ng kaniya-kaniyang organisasyon ngunit wala na doon ang illegal. Then my great grandfather settled here in the Philippines and married my great grandmother, which is a filipina.
"Ngunit hindi yata naaalis sa dugo namin ang kagustuhang mamuno, kaya bumuo muli ng isang organisasyon ang great grandfather ko. At ito nga iyon. Pero sa pagkakataong ito, hindi na para sa mga illegal na gawain kundi para tulungan ang government officials sa pagpuksa ng mga criminals. Although hindi ito alam ng gobyerno." Ngumisi si Vandall na ikinaasiwa ni Ark.
"Nagpatuloy iyon hanggang sa aking ama. But then, this certain Victor Greco came. Kinumbinsi niya ang magaling kong ama na bumalik sa paggawa ng illegal dahil nga malaki ang perang natatanggap doon. Hindi pumayag si Dad dahil hindi niya gustong mabalewala ang ginawa ng great grandfather ko." Nagsimulang magseryoso si Vandall kaya nakinig na si Ark. Something's telling him na makakatulong ang sasabihin nito sa kaniya.
"So my father convinced Victor Greco to be a member of this organization instead. Bilang dating magkakasama ang mga ancestors nila, tinaggap ni Dad si Victor sa organisasyon. Everything's going smoothly, at nakikita ko iyon. Mabait si Victor. Nalaman ko rin noon na hindi na ipinagpatuloy ng grandfather niya ang pamamahala sa organisasyon na ginawa ng kaniyang great grandfather.
"I thought everything was alright, until nalaman ko na pinatalsik ni Dad si Victor sa organisasyon. I was twenty that time. Wala ka pa dito noon. Ako naman ay walang interes sa pagpapatakbo nitong samahan dahil abala ko sa mga kaibigan noon at sa pagc-car race."
Kumunot ang noo niya. Naalala niya nong unang pasok sa organisasyon. He was twenty-one that time, ang ama pa nito ang tumanggap sa kaniya bilang bagong miyembro. Kilala kasi nito ang mga magulang niya kaya may tiwala ito agad sa kaniya.
"Little did I know, that Victor did something unforgivable. Dahil sa nangyari, this organization was called again, a Mafia. Pero nalinis naman na iyon ni Dad. Nakatulong din na hindi alam ng government ang tungkol sa organisasyon na ito dahil ayaw din naming mangialam ang kahit sinong may authority sa mga ginagawa dito. This is a secret organization, at kahit ang babaeng kasama mo sa iisang bahay, na isang police officer ay hindi pwedeng malaman ito. Iyon ang nakalagay sa kasunduan, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --