5th Embrace

2.3K 83 2
                                    


SA buong buhay ni Archilla, ngayon lang nangyari sa kaniya ang kabahan sa bawat minuto na dumadaan na kasama niya ang kaniyang Kuya Samuel. Kahit ilang beses siyang huminga nang malalim ay hindi kumakalma ang puso niya sa pagtibok nito nang malakas.

Idagdag pa ang nanunuring tingin ni Samuel na parang alam na may mali sa kaniya. Na parang nababasa nito na may tinatago siya.

Literal na may tinatago sa closet.

"You look tensed." Napalunok siya nang ilibot ni Samuel ang tingin sa buong kwarto.

"How are you feeling?" Malumanay nitong sabi at lumakad at tinignan ang mga gamit niya.

Nervous. She gulped, again. "I'm great," nakangiti niyang sabi.

Tumango ito. "Your wounds?"

"T-they're well taken care of!" Aniya pa at pinasigla ang boses. Mabilis na pinunasan niya ang namamawis na noo sa sobrang tensed. Namamasa narin ang mga kamay niya at pasimple siyang tumitingin sa closet na bahagyang nakabukas.

Samuel stopped observing her whole room and looked at her, confused. "That's new. Alam ko hindi mo ginagalaw ang mga latay mo at hinahayaan nalang iyong gumaling." Nagtataka nitong sabi. Lumunok muli si Archilla at nginitian ang kapatid. Binalik muli nito ang paglalakad palibot sa kwarto niya at tumitingin sa mga gamit na parang may importante doon.

But she knew that Samuel feels something wrong in her room. Plus her actions that makes her suspicious.

Buksan lang nito ang closet niya ay makikita na doon ang nagtatago.

"Nagbago ka ba ng pabango?" Samuel's question made her froze. Nakatalikod ito sa kaniya kaya inamoy niya ang paligid. Napangiwi siya nang maamoy ang paligid. Her room has a manly scent and she is sure that it's because of Ark. Ngayon nga lang siya nakaligo kaya alam niyang hindi sa kaniya iyon.

Napasabunot siya sa buhok at wala sa sariling tumingin nang masama sa closet. Hindi niya makita doon si Ark pero alam niyang nakikita siya nito.

"Ang tanga-tanga talaga nang lalaking iyon," she whispered. Mula sa kaniyang peripheral vision ay nakita niyang lumingon sa kaniya si Samuel.

Nakatingin sa kaniya ito nang matiim, binabasa ang kilos niya at nanunuri ang mga tingin.

"Yeah." Pilit niyang tinatago ang kabang nararamdaman. Sumimangot siya at tinignan nang masama si Samuel. "Bakit ang dami mong tanong?" Kunwaring nagtataka niyang sabi.

Samuel sighed and sat on the side of her bed. "Nothing. I just find your place, suspicious," anito at inilibot muli ang tingin sa kabuoan ng kwarto niya.

Then his forehead creased when he looked at her closet. Napalunok siya at  kinakabahang nag-isip nang paraan para mabaling sa iba ang atensyon ng kaniyang Kuya. Kinagat niya ang ibabang labi at pinunas ang kamay sa suot niyang jogging pants.

If Samuel found out that she's hiding a criminal in her closet, tiyak na magagalit ito. Nasisiguro niya ring hindi magda-dalawang isip si Ark na barilin ang Kuya niya once na buksan nito ang closet. Ayaw niyang mapahamak ang Kuya niya. Sa oras din na malaman nito na nagtatago si Ark sa bahay niya, hindi ito magda-dalawang-isip na sabihin sa mga pulis. At kapag nangyari iyon, dalawa lang ang posibleng isipin ng mga tao. It's either isipin na na-hostage siya, o isipin na tinatago niya ang most wanted criminal.

Pero sinong mag-iisip na na-hostage siya kung ang ayos-ayos ng itsura niya?

Napasabunot siya nang buhok at nag-aalalang tumingin sa closet. Tiyak na mainit doon. Hindi kaya ma-suffocate si Ark doon? The she stilled when she realized something.

The Enemy's Embrace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon