KANINA pa inis na inis si Ark dahil hindi tumitigil kakatunog ang doorbell. Nang tignan niya mula sa bintana ng kwarto ni Archilla kung sino iyon, ay mas lalo siyang nainis. Iyon lang naman ang lalaking nakita niyang kasama ni Archilla kagabi."Wala bang magawa sa buhay ang gagong 'to?" bulong niya bago tignan si Archilla na mahimbing paring natutulog.
Alas-siete palang ng umaga tapos nambubulabog na agad ang lalaking iyon. Gusto niya nang lumabas at harapin ito pero hindi niya magawa dahil baka mabwisit siya at barilin nalang ito bigla.
Nang tumunog muli ang doorbell ay napamura na siya. "Kapag nagising si Archilla, papatayin talaga kita," bulong niya habang masama ang tingin sa lalaki na walang ka-alam alam.
"A-ark? Ano ba 'yun? Sino ba 'yun?"
Mabilis na napatingin siya sa natutulog na babae na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakapikit. Bakas ang iritasyon sa mukha nito, patunay na nasira ang maganda nitong tulog.
Agad naman siyang lumapit dito at umupo sa gilid ng kama. He caressed her hair gently na parang mababalik ito sa pagtulog kapag ginawa niya iyon. Unti-unti namang naaalis ang pagkakakunot ng noo nito kaya nakahinga siya nang maluwag. Ayaw niya pa itong gisingin dahil masyado pang maaga. Madaling araw narin kasi ito natulog. Halos mawala pa siya sa sarili kakaisip kung ano nang nangyari dito tapos makikita niyang masaya itong nakikipag-usap sa iba. Nawala pa ang kalasingan niya at muntik nang tawagan si Caspian upang ipaalam sa buong organisasyon na nawawala ito.
Hindi niya maipaliwanag ang takot lalo na't hindi parin niya nakakalimutan ang pinag-usapan nila ng boss niyang si Vandall. Hindi naman niya dapat iyon kalimutan.
Akala niya nakuha na ni Victor si Archilla. Wala pa namang kaalam-alam ang babae na nanganganib ang buhay nito. Baka kapag nakita nito si Victor ay ma-trigger ang hindi magandang nasaksihan nito noon.
He doesn't want to see Archilla trembling in fear. Kaya hangga't kaya niya, poprotektahan niya ito.
Nang masigurong mahimbing na muli ang tulog ni Archilla, dinampian niya ito nang magaan na halik sa labi bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Hindi naman na tumutunog ang doorbell kaya sa tingin niya ay umalis na ang lalaki. Mukhang napagod din. Mabuti naman. Ngunit upang makasiguro, sinuot niya ang face mask at walang pag-aalinlangan na lumabas ng bahay.
Nakita niya sa labas ng gate ang lalaki na nakatalikod at nakapameywang. Alam naman niyang hindi siya makikilala nito dahil naka-face mask siya. Isa pa, nakita mismo ng dalawa nitong mga mata ang bangkay kuno niya. Hindi rin naman nito kilala ang boses niya kaya may lakas ng loob siya na magsalita sa harap nito.
Binuksan niya ang gate kaya mabilis na napalingon sa kaniya ang lalaki. Nakita niyang kumunot ang noo nito at sumeryoso ang mukha. Hindi niya mapigilang mapangisi dahil kita sa mga mata nito ang pagka-disgusto.
Ganoon din naman siya. Hindi niya ito gustong makita. Ngunit kailangan niyang harapin ito at kausapin upang hindi na umaaligid pa kay Archilla.
"Who are you?" tanong nito na sinamaan pa siya ng tingin.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Who are you and what do you want?" aniya gamit ang malamig na boses.
Nakipagsukatan naman ng masamang tingin ito sa kaniya. Hindi siya magpapatalo. Aba, hindi siya magpapatalo dito kahit pa patagalan lang ng masamang tingin! Hindi siya magpapatalo! Hindi!
Sa huli, ito rin ang nag-iwas ng tingin. Napangisi si Ark. Weak.
"I'm Marco, and I want to see Archilla," anito pagkatapos ay kumunot ang noo. "Why are you wearing a mask?" takang tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --